ITINUTULAK ni Sen. Grace Poe ang pagpapalawak ng saklaw ng vaccine card para mas makagalaw ang mga nabakunahan nang indibidwal at maging madali para sa overseas Filipino workers (OFWs) na makabiyahe para sa kanilang trabaho. “Ngayong muli na namang ipinatupad ang dalawang linggong lockdown, kailangang magkaroon ng recovery plan sa ekonomiya para hindi magsara ang mga negosyo at hindi mawalan ng trabaho ang mga tao sa gitna ng pandemya,” sabi ni Poe. Nauna nang naghain si Poe ng Senate Bill No. 2321 para palawakin ang layunin ng vaccine card mula…
Read MoreCategory: COVID-19
1 PERSON PER HOUSEHOLD PAPAYAGANG LUMABAS
SINABI ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week ECQ sa Metro Manila. Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin sa paparating na two-week ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021. “Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang hahayaang lumabas para makakuha ng pangangailangan sa kanilang mga bahay,” ayon kay Padilla sa Laging Handa public briefing. “Ang ating…
Read MorePAGGAMIT NG Q PASS IPINAUBAYA SA LGUs
IPINAUBAYA na ng Metro Manila Council (MMC) sa Local Government Units (LGUs) ang desisyon na hilingin ang paggamit ng quarantine pass sa mga taong lalabas ng bahay bilang paghahanda para sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20. Sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na posibleng i-revive o buhayin ang paggamit ng quarantine pass, habang ang NCR ay mahaharap sa strictest lockdown, sa gitna ng banta ng Delta variant at patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. “If it’s ECQ talaga, ang basic principle niyan ay pwede ka lumabas to buy…
Read More250K VACCINATIONS KADA ARAW ILALARGA
NAPAGKASUNDUAN ng Metro Manila mayors na ikasa ang 250,000 vaccinations kada araw sa loob ng dalawang linggo habang nakataas ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) simula Agosto 6 hanggang 20, 2021. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos Jr. na tinalakay ng local chief executives ang target numbers ng pagbabakuna, financial aid, at border controls sa kanilang pulong noong Biyernes ng gabi. “Nag-meeting lamang kami para paghandaan talaga ang mangyayari in the next several days dahil mabigat ito, magbabakuna kami ng 250,000 a day,”…
Read MoreTRANSPO SA METRO TULOY KAHIT ECQ
(CHRISTIAN DALE) MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program. Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr., target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit na uri ng quarantine simula Agosto 6 hanggang 20. “Hindi na hihigpitan siguro nang lubos sa transportation sector dahil isang anunsyo na nilabas ni (presidential spokesman) Secretary Roque kamakailan ‘yung pagpapatuloy ng vaccination. Maski tayo…
Read MoreNgayong may Delta variant – solon PAGBABAKUNA SA MGA BATA SIMULAN NA
SA gitna ng mabilis na pagkalat sa bansa ng mas delikadong Delta variant ng COVID-19, iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat mabakunahan ang mga bata sa lalong madaling panahon upang hindi sila maging “variant factories.” Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mas nakahahawang Delta variant na unang natuklasan sa India ang pinakamabilis kumalat na variant ng coronavirus disease. Batay sa July 29 report, umabot na sa 216 ang bilang ng kaso ng Delta variant dito kung saan walo na ang naitalang namatay. “Kapag meron na tayong sapat na…
Read MoreDRIVE-THRU VACCINATION SITE SA MAYNILA BINUKSAN NA
IPINABABATID sa publiko na binuksan na nitong Sabado ang COVID-19 drive-thru vaccination site sa Pres. Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila, na nasa tabi lamang ng COVID site at ng Manila COVID-19 Field Hospital. Mismong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nanguna sa pagbubukas ng naturang pinakabagong vaccination site ng lokal na pamahalaan, na ang layunin ay higit pang mapabilis ang pagbabakuna sa mga Manilenyo at mabawasan ang pila sa vaccination centers. Kasama ng alkalde sa paglulunad ng vaccination site sina Manila Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan,…
Read MoreCOVID-19 Delta variant cases tumaas MASS SWAB TESTING INIUTOS SA CALABARZON
INUTOS ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) noong Huwebes, Hulyo 29, ang mass swab testing matapos nitong kumpirmahin ang pagkakarooon ng kabuuang 36 kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa rehiyon. Ayon kay DOH Regional Director Eduardo C. Janairo, nag-deploy na ng epidemiology at health emergency team upang matutukan ang mga komunidad sa pagsasagawa ng swab test sa mga residente. “Kailangan nating kilalanin kaagad ang mga dahilan ng virus, kung paano ito nagsimula at paano ito nailipat upang pigilan ang pagkalat nito sa mga komunidad,” aniya.…
Read MoreTRAVEL RESTRICTIONS SA 10 BANSA EXTENDED
INAPRUBAHAN din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend o palawigin ang travel restrictions sa sampung bansa simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 ngayong taon. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kasama rito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia at Thailand. Sinuportahan naman aniya ng IATF sa meeting nito ang draft Joint Administrative Order hinggil sa Revised Standard Guidelines on the Strict Observance of Health Protocols in the Conduct of Licensure Examinations sa panahon ng Public…
Read More