ALERT LEVEL 0 PINAG-AARALAN

POSIBLENG ipatupad ang “Alert Level 0” status kung idedeklarang endemic na ang COVID-19 sa bansa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na ang alert status ay puwedeng ipatupad kung ang COVID-19 ay hindi na nakakaapekto sa buong bansa. “Ang isang importante na mangyayari ay kailangan ma-declare na endemya na itong COVID-19,” ayon kay Densing. “Kapag sinabi nating endemya na nagdeklara ibig sabihin ordinaryong sakit na lang ito na kakaharapin natin sa araw-araw at hindi na siya nakakaapekto…

Read More

Ipagamit bilang 4th dose – Defensor SOBRANG COVID VAX ‘WAG I-DONATE

HINDI pabor si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na i-donate ang labis na COVID-19 vaccines dahil nananatili ang banta ng pandemya. Sa halip, sinuportahan ng mambabatas ang rekomendasyon ng mga health expert na bigyan ng 4th dose ang mga may comorbidity upang lalong maproteksyunan ang mga ito laban sa coronavirus. “The virus is still with us. Why should we give our supply away when we need it? Let’s give it to those who want it, as a booster or even as an additional booster or fourth COVID-19 shot, with senior…

Read More

1.8M SENIORS TARGET SA 4TH BAKUNAHAN

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 1.8 milyong senior citizens sa buong bansa sa oras na simulan na ang “fourth wave” ng Bayanihan, Bakunahan national vaccination drive ngayong buwan. Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na ang Bayanihan, Bakunahan 4 ay idaraos sa Marso 10, 11, at 12, kung saan kasama na ngayon ang mga nasa bahay at tanggapan. Prayoridad para sa round na ito ng nationwide inoculation drive ang mga lolo’t lola na hindi pa rin nakokumpleto ang…

Read More

DOH NAGBABALA SA SIKSIKANG PUVs

POSIBLENG maging dahilan ng muling pagkalat ng COVID -19 ang mga punuang sasakyan na ikinababahala ng Department of Health (DOH). Ito’y matapos maobserbahan na higit sa kapasidad ng mga pampublikong sasakyan ang isinasakay ngayong Alert Level 1 na sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. “Ang isa pong nakababahalang nakikita natin would be our transport sector. Mukhang bumalik po tayo doon sa pre-pandemic kung saan beyond 100 percent capacity po ang nakikita natin sa mga sasakyan na pampubliko,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Kaya nananawagan ang…

Read More

BATANG HINDI BAKUNADO PWEDE PA RIN SA F2F CLASSES

HINDI kasama sa requirement ng mga batang sasali sa face-to-face classes ang magpabakuna laban sa COVID-19. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, mataas ang resistance level sa mga bata para magpabakuna. Nasa mga magulang na aniya ang pagpapasya kung pababakunahan ang bata o hindi. Ani Briones, para sa mga guro, mandatory ang magpabakuna ang mga ito lalo na ang mga kasali sa face-to-face classes. Sinabi ng Kalihim na ang mga guro na hindi pa bakunado ay kailangang magsumite ng kanilang reports sa…

Read More

Sa pagbabalik ng nationwide F2F learning P12-B KADA LINGGO AMBAG SA EKONOMIYA

MAKATUTULONG ang nationwide resumption ng face-to-face o in-person classes para makabawi ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 pandemic. Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua na ang pagbubukas ng lahat ng 60,743 eskuwelahan para sa “in-person learning” ay makapagpapataas ng economic activity ng P12 bilyon kada linggo. “This was on top of the estimated P16.5 billion to be added to the country’s gross domestic product each week that the entire Philippines is under Alert Level 1,” ayon kay Chua. Aniya,…

Read More

63M PINOY BAKUNADO NA

MAHIGIT sa 63 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19, eksaktong isang taon simula nang ikasa ang vaccine rollout. Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na may kabuuang 63,219,221 katao na ang nakakompleto ng kanilang primary vaccine series “as of Monday,” Pebrero 28. Sa kabuuang 135,747,294 vaccine doses na naiturok sa buong bansa, 68,808,944 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang first dose, habang 10,214,164 ang nakatanggap ng kanilang booster shots matapos na maabot ang tatlo hanggang anim na buwan na requirement. “With more than 80% of…

Read More

SENIORS TARGET SA ‘BAYANIHAN, BAKUNAHAN’ 4

MAGDARAOS ang Pilipinas ng pang-apat na “Bayanihan, Bakunahan” sa Marso 7, target na mabakunahan nito ang mas marami pang senior citizens. “Nag-announce na si (National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer and testing czar) Secretary (Vince) Dizon, about the week of March 7 ang ating NVD (National Vaccination Days) 4, we are still finalizing concept,” ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa public briefing. Sinabi pa ni Cabotaje, pinuno rin ng National Vaccination Operations Center, ang pang-apat na “Bayanihan, Bakunahan” ay naglalayong makapagbakuna ng…

Read More

CAPACITY SA PUVs IBABALIK SA 100%

BUKAS ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa hiling na pagbigyan ang hanggang 100% kapasidad sa mga Public Utility Vehicle (PUV) kapag ibinaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region. Dahil dito, itataas sa full passenger capacity ang mga pampublikong sasakyan mula sa kasalukuyang 70%. Gayunman, kailangan pang aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang nasabing rekomendasyon. Nanawagan ang LTFRB sa publiko na huwag pa ring makampante at magpatuloy lamang sa pagsunod sa ipinatutupad na health protocols. Ngayong araw nakatakdang…

Read More