HINDI kasama sa requirement ng mga batang sasali sa face-to-face classes ang magpabakuna laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, mataas ang resistance level sa mga bata para magpabakuna.
Nasa mga magulang na aniya ang pagpapasya kung pababakunahan ang bata o hindi.
Ani Briones, para sa mga guro, mandatory ang magpabakuna ang mga ito lalo na ang mga kasali sa face-to-face classes.
Sinabi ng Kalihim na ang mga guro na hindi pa bakunado ay kailangang magsumite ng kanilang reports sa eskwelahan, dapat na magpakita muna ng negative resulta ng RT- PCR test bago payagang makapasok sa school premises.
Samantala, patuloy na hinihikayat ni Briones ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak bilang proteksyon na rin lalo na at nagsisimula na ang face-to-face classes sa maraming eskwelahan sa bansa. (CHRISTIAN DALE)
