Ipagamit bilang 4th dose – Defensor SOBRANG COVID VAX ‘WAG I-DONATE

HINDI pabor si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na i-donate ang labis na COVID-19 vaccines dahil nananatili ang banta ng pandemya.

Sa halip, sinuportahan ng mambabatas ang rekomendasyon ng mga health expert na bigyan ng 4th dose ang mga may comorbidity upang lalong maproteksyunan ang mga ito laban sa coronavirus.

“The virus is still with us. Why should we give our supply away when we need it? Let’s give it to those who want it, as a booster or even as an additional booster or fourth COVID-19 shot, with senior citizens and those with comorbidity as our priority,” ayon sa mayoralty candidate ng Quezon City.

Nauna nang inihayag ng Department of Health (DOH) na plano nitong ipamigay sa ibang bansa ang sobrang supply ng bakuna lalo pa’t marami sa mga ito ang malapit nang mag-expired.

Ayon kay Defensor, kahit ang Inter-Agency Task Force (IATF) on pandemic response ay aprubado ang pagbibigay ng 4th dose kaya wala aniyang dahilan para i-donate ang natitirang supply ng bakuna.

Bukod dito, umaabot pa lamang aniya sa 64 milyong Pilipino ang fully vaccinated at 10.7 sa mga ito ang nakatanggap na ng booster shot.

“This means that more than 53 million of those fully vaccinated are yet to get their booster dose. Let us encourage them to take it. Let us also allow those who had their protection already boosted to have another booster if they want to,” ani Defensor.

Mula noong nakaraang taon, 232 million doses ng iba’t ibang brand ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas.

“Clearly, we have enough supply even for additional booster to the elderly and those with co-morbidity or immunocompromised,” ayon pa sa mambabatas na umapela rin sa publiko na patuloy na obserbahan ang health protocols dahil hindi pa tapos ang pandemya. (BERNARD TAGUINOD)

176

Related posts

Leave a Comment