GANTIMPALA SA MAKAAABOT SA COLLECTION TARGETS, PARUSA SA MABIBIGO – RUBIO

ISINUSULONG ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang paggawad ng mga gantimpala sa mga opisyal at empleyado ng customs na makaaabot sa kani-kanilang collection targets, habang papatawan naman ng parusa ang mga mabibigo. Layunin ni Rubio sa pagsusulong ng pagkakaloob ng gantimpala ang tumaas ang morale at kapakanan ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC). Itinulak ni Rubio ang mabilis na proseso sa lahat ng mga kinakailangan (prere­quisites) na may kaugnayan sa ‘customs application for rewards for the agency’s 2018 revenue collection performance’ sa ilalim ng Republic Act…

Read More

BAKIT NGA BA ‘DI MATIGIL ANG SMUGGLING?

IMBESTIGAHAN NATIN ni JOEL O. AMONGO MAY mga nagtatanong sa Imbestigahan Natin, sa dinami-rami nang umupong hepe ng Bureau of Customs (BOC), bakit hindi raw nauubos o natitigil ang smuggling sa bansa. Base sa ating pag-iimbestiga, ang smuggling activities ay seasonal din, depende kung anong panahon na malaki ang pangangailan ng mga tao nito. Tulad na lamang ng pagpasok ng Ber months (Sept., Oct., Nov., at Dec.) malaki ang pangangailangan sa agricultural pro­ducts kaya malakas ang smuggling sa bigas, asukal, karne, prutas, gulay at iba pang mga sangkap sa pagluluto.…

Read More

Sa kahusayan at dedikasyon TOP 20 IMPORTERS, BOC-NAIA OFFICES KINILALA

KINILALA ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport ang kahusayan at dedikasyon ng top 20 importers at BOC-NAIA Offices. Pinangunahan ni District Collector Yasmin O. Mapa ang pagkilala sa top 20 importers sa taong 2023, sa kanilang mahalagang kontribusyon, lalo sa nagtatagal na pagsasama sa nasabing port. “To our Top Importers in 2023, you carried us through a challenging year that enabled us to surpass our annual target. This is a shared success, because without all of you today, this would not have been possible. Kaya maraming salamat po…

Read More

FLU VACCINATION DRIVE NG BOC-ILOILO TAGUMPAY

KABILANG sa makabuluhang hakbang patungo sa prayoridad na mga programa ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio upang maiangat ang kapakanan ng mga empleyado, ang Bureau of Customs (BOC) – Port Iloilo ay nakipag-partner sa Bo. Obrero – Lapuz Health Center para sa pagpapatupad ng flu vaccinations drive. Ang nasabing hakbang ay isinagawa sa Iloilo Custom House noong Ene­ro 12, 2024 na dinaluhan ng mga empleyado ng BOC – Port of Iloilo. Layunin ng aktibidad na pangalagaan ang kalusugan at kagalingan ng mga emple­yado ng BOC. Ang nasabing pagtutulungan ay isang oportunidad…

Read More

Sa mahalagang reporma sa pananalapi SUPORTA NG KONGRESO HILING NI DOF SEC. RECTO

HINIMOK ni Finance Secretary Ralph G. Recto ang Kongreso sa agarang pagpasa ng mahalagang mga repormang kailangan upang mabawasan ang antas ng deficit at utang ng Pilipinas, sa ginanap na 2024 Philippine Economic Outlook Briefing at Luncheon sa Admiral Hotel, Manila. “You already know the drill. None of these crucial measures will come to fruition without your help and backing. I, therefore, call on our friends in Congress to partner with us in securing the immediate passage of these reforms,” ani Recto sa kanyang mensahe sa harap ng senior staff…

Read More

Sa pag-upo ng bagong DOF chief BALASAHAN SA BIR AT BOC INAASAHAN

INAASAHANG magsasagawa ng balasahan sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos na magpalit ng bagong pamunuan ang Department of Finance (DOF) kamakailan. Naging kalakaran sa mga departamento ng gob­yerno na sa tuwing magpapalit ng pamunuan ay magpapalit din ng mga opisyal nito. Kadalasan ding ang kalihim ng isang departamento ay may sariling bitbit na pagkakatiwalaan niyang mga tauhan na magiging katuwang sa pagpapatakbo ng kanyang opisina. Dahil dito, malaki ang paniniwala ng ilang mga taga-Customs at BIR na sa susunod na mga…

Read More

EKSPEKTASYON MATAAS SA PAGPASOK NI RECTO SA DOF

IMBESTIGAHAN NATIN ni JOEL O. AMONGO MARAMING naniniwala o mataas ang ekspektasyon ng mga tao, kasama na ang ilang mambabatas, na mapangangasiwaan nang maayos ni dating Senador at Kongresista Ralph Recto ang pangangalap ng pera ng gobyerno sa kanyang bagong pwesto bilang kalihim ng Finance Department. Ang Department of Finance (DOF) na opisina ng gobyerno ang naatasan na maghanap ng pera para sa gastusin ng gobyerno sa iba’t ibang proyekto nito. Katuwang ng DOF sa pangangalap ng pera para may magamit na pondo ang pamahalaan, ang Bureau of Internal Revenue…

Read More

P883.624-B RECORD-BREAKING COLLECTION NG BOC NOONG 2023 IBINIDA NI RUBIO

BINIGYANG-DIIN ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang accomplishments ng Bureau of Customs (BOC) noong 2023 at binalangkas ang mga layunin para sa 2024 sa bureau’s New Year’s Call noong Enero 10, 2024. Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng pangunahing mga opisyal ng BOC, kasama ang Assistant Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors, at Division Chiefs. Ini-highlight ng Commissioner ang mga nagawa nila sa ilalim ng 5-point priority program, ang tagumpay sa digitalization ng 96.99% ng mga proseso ng customs. Ipinagmalaki rin ng BOC ang kanilang naabot na record-breaking collection…

Read More

P7.507-M SHABU NASABAT SA BOC PORT OF CLARK

NAPIGILAN ng Bureau of Customs-Port of Clark ang tangkang pag-export ng P7.507 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride sa isang shipment na idineklara bilang “shaft drive mo­del”, na patungo sana sa New Zealand noong Enero 3, 2024. Ang nasabing export shipment na nagmula sa Parañaque City ay unang na-tag bilang kahina-hinala sa pamamagitan ng X-ray Inspection Project personnel. Dahil dito, agad itong isinailalim sa K9 sniffing and physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre sa tatlong pakete ng white crystalline substances na may timbang na 1,104 gramo, na inilagay sa loob ng…

Read More