BODEGA NG PEKENG SIGARILYO SA TANZA, CAVITE, SINALAKAY

NASAMSAM ang iba’t ibang brand ng pekeng sigarilyo matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, militar at Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Tanza, Cavite kamakalawa ng umaga.

Ang sinalakay ay ang Cavite South Luzon Steel Management na matatagpuan sa Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite.

Nag-ugat ang operasyon sa impormasyong natanggap mula sa isang concerned citizen hinggil sa kakaibang amoy ng sigarilyo sa bodega, na umano’y ginagamit para sa pag-iimbak ng canned goods mula pa noong pag-iimbak dito.

Sa bisa ng Letter of Authority at Mission Order, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP Calabarzon, CIDG Cavite, BOC at AFP ang lugar bandang alas-8:48 ng umaga.

Tumambad sa mga operatiba ang kahon-kahong sigarilyo na may mga brand na Champion, H&P, New Orleans, Commando, New Berlin, Delta, BROS at Marlboro, gayundin ang Fresh Tobacco Square Set, cigarette machine apparatus, dalawang industrial generator, isang forklift, sako-sakong dried tobacco, cigarette etiquettes at iba’t ibang raw materials gaya ng filter material, plug wrap at tipping paper.

Inaalam pa ng BOC examiner katuwang ang National Tobacco Administration ang kabuuang halaga ng nasabing kontrabando.

(SIGFRED ADSUARA)

13

Related posts

Leave a Comment