imbestigahan natin ni JOEL O. AMONGO KUNG ang target ng pamahalaang linisin ang isang ahensyang kilala bilang kanlungan ng katiwalian, higit na kailangan ang isang mabigat subalit maingat na pagpapasyang magbibigay-daan sa tinatawag na rigodon. Subalit taliwas sa karaniwang rigodon, hindi angkop ang pakikipagpalitan lang ng mga opisyal sa mga sensitibong pwesto. Para sa mga Customs broker at port trucker, panahon nang palitan ng buo ang talaan ng mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) kung ang seryoso ang bagong talagang Customs Commissioner na linisin ang kawanihang pinamumunuan. Bagama’t nakikitaan…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
‘RANDOM ASSIGNMENT’ SA PAGSUSURI NG MGA BARKO SA KARAGATAN
SA hangaring tiyaking walang ano mang “milagro” sa mga isinasagawang inspeksyon ng mga barkong naglululan ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento, inilunsad ang isang “random selection system” gamit ang makabagong teknolohiya sa pagtatalaga ng mga kawaning papalaot para sa “boarding formalities.” Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-Cebu), ganap nang umarangkada ang “Automated Boarding Assignment Management System” (ABAMS) sa hanay ng mga kawaning bahagi ng Piers and Inspection Division. Sa ilalim ng naturang sistema, hindi opisyal o kawani ng BOC-Cebu ang magpapasya kung sino ang…
Read More‘COKE’ KUMPISKADO SA DAYUHANG KANO
TODO tanggi ang isang dayuhan matapos dakpin ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) makaraang mabistong kargado ng milyon-milyong pisong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang bagaheng bitbit sa paglapag ng sinakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa kalatas ng BOC-NAIA, timbog sa tulong ng isang impormante ang American national na si Stephen Joseph Szuhar nang makuhaan ng mga operatiba mula sa tanggapan ng BOC sa naturang paliparan, mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Task Group ang suspek ng tinatayang P19.6…
Read MoreDADIANGAS SUBPORT ATAT NA SA ISO CERT!
INAASAHAN na ano mang oras ang paglabas ng asam-asam na ISO Certification para sa Subport of Dadiangas na sumailalim sa huling yugto ng prosesong isinasagawa ng external certifying body na Tüv-Süd. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), rekomendado na rin ng mga itinalagang Tüv-Süd auditors para sa ISO 9001:2015 Certification ang naturang tanggapang bahagi ng Port of Davao, bunsod ng ipinamalas na sigasig at husay ng mga kawani sa pagtupad ng kanilang buwanang collection target at pagpapatupad ng reporma sa nasabing distrito. Kabilang naman sa naging batayan ng Tüv-Süd ang…
Read More2 SILAT SA CAVITE, DROGA BULILYASO
TIMBOG sa isang pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) at mga katuwang na ahensya ng gobyerno ang dalawa katao kaugnay ng nabistong drogang ikinubli sa mga laruang pambatang padala mula sa ibang bansa. Sa kalatas ng BOC, arestado sa kinasang controlled delivery operation sa Lungsod ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite ang dalawang hindi pinangalanang suspek sa aktong pagtanggap ng mga drogang nakakubli sa mga laruang mula pa sa Victoria, London. Ayon sa PDEA na bahagi ng isinagawang imbentaryo ng kumpiskadong kontrabando,…
Read MoreMODERNISASYON NG BOC, SUPORTADO NG UN-ESCAP
Ni JOEL O. AMONGO KAPWA kinatigan ng United Nations Economic and Social Commission for Asia at Bureau of Customs BOC) ang isahang pagkilos ng mga miyembrong bansa sa pagpapatupad ng National Window System (NSW) na nagbibigay proteksyon laban sa mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng mga kontrabando. Sa ginanap na Summit 2022 na may temang “Towards the Next Generation of the Philippine National Single Window,” sinuportahan din ng UN-ESCAP ang isinusulong na modernisasyon ng BOC at iba pang ahensyang mandato’y palakasin ang ekonomiya ng bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos,…
Read More1 sa 2 suspek arestado rin SMUGGLED YOSI HAGIP SA ZAMBO
MALAMIG na rehas at hindi pera ang hinihimas ngayon ng isang 29-anyos na suspek matapos dakpin dahil sa pag-iingat at pagbebenta ng mga sigarilyong pinaniniwalaang ilegal na ipinuslit sa Zamboanga del Sur mula sa bansang Indonesia. Sa pagtataya ng Bureau of Customs (BOC), aabot sa P1.1 milyon ang halaga ng 34 na kahon ng smuggled na sigarilyong nakumpiska ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang buy-bust operation sa bayan ng Labangan sa naturang lalawigan. Kinilala naman ang isa sa dalawang suspek sa pangalang Adsar…
Read MoreTOP 10 IMPORTERS SA CEBU, KINILALA
KASABAY ng pagdiriwang ng kanilang ika-136 anibersaryo, binigyang pagkilala ng Bureau of Customs-Port of Cebu (BOC-Cebu) ang ambag ng 10 pribadong kumpanyang nagbigay-daan para mahagip ng naturang distrito ang itinakdang buwang collection target. Kabilang sa mga pinarangalan ang Filoil Logistics Corp., Seaoil Philippines Inc., Ecossential Foods Corp., Therma Visayas Inc., Steelasia Manufacturing Corp., AD Gothong Manufacturing, Kepco SPC Power Corp., National Grid Corp. of the Philippines, Joyland Industries Corp., at ang Cebu Energy Development Corp. Bukod sa mga pribadong kumpanyang itinanghal bilang top importers, kinilala rin ang ambag ng mga…
Read MoreDELIVERY NG MGA BALIKBAYAN BOX UMARANGKADA NA
MATAPOS na matengga ng halos isang taon bunsod ng kapabayaan ng ilang tukoy na international freight forwarders, sinimulan na ang pagde-deliver ng libo-libong balikbayan boxes na padala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang mga kaanak sa bansa. Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na personal niyang tututukan ang mga kaganapan kaugnay ng isinasagawang paspasan at puspusang paghahatid ng mga kahon-kahong padala ng mga OFW sa kani-kanilang pamilya. Batay sa mga ulat na natanggap ng ahensya, karamihan sa mga nakatenggang balikbayan box ay mula…
Read More