Tracking system kontra side trips ANGKAS KALAKAL BISTADO

PAHIRAPAN na ngayon ang diskarteng angkas-kargamento ng mga pumapalaot na cargo vessels na naglalaman ng mga kalakal papasok at palabas ng bansa. Ito ang tiniyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero kasabay ng pagsisiwalat ng kanilang sikreto sa likod ng matagumpay na operasyon laban sa mga patuloy na tangkang pagpupuslit ng mga ilegal na kargamento sa bansa. Aniya, malaking bentahe sa kanilang kawanihan ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC) System na mabilis na tumutukoy sa pag-alis ng isang barko at sa mga “stop-overs” kung saan posible aniyang ikinakarga ang…

Read More

PARTY DRUGS, HULI SA NAIA

NAGBUBUNGA na ang pina­igting na kampanya kontra droga ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mabulil­yaso ang tangkang pagpupuslit papasok ng bansa ng P6.57 milyong halaga ng party drugs na higit na kilala bilang ecstasy. Sa isang operasyon, kumpiskado ang 3,865 piraso ng ecstasy na ikinubli sa mga nakatuping tarpaulins na bahagi ng isang bagaheng dumaan sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan. Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na mula pa sa bansang Germany ang mga nasabat na drogang nasilat mismo sa…

Read More

AGRI TRADERS NASAMPOLAN

PATUNG-patong na kasong criminal ang inihain ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) laban sa ilang agricultural traders kaugnay ng iligal na pag-angkat ng P22.68 milyong halaga ng mga sibuyas at bawang mula sa bansang Tsina. Unang sinampahan ng asunto ang Flevo Trading na umano’y nagtangkang lansihin ang kawanihan sa timbang na idineklara nito sa kanilang mga isinumiteng dokumento. Ayon pa sa inihaing kaso, lagpas na pinahihintulutan ng pamahalaan ang tinangka nitong ipasok sa bansa nito lamang nakaraang Hulyo sa Manila International Container Port (MICP). Sinampahan din ng kaso ang…

Read More

PUSLIT NA GULAY AT KARNE MULA TSINA, DAGSA PA RIN

SA kabila ng babala ng gob­yerno, nananatiling hamon sa Bureau of Customs (BOC) ang pagkalat sa merkado ng mga pinaniniwalaang ipinuslit na gulay mula sa bansang Tsina. Bilang tugon, sinalakay ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), kasama ang operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang bodega sa mga lungsod ng Maynila at Navotas kung saan tumambad ang hindi bababa sa P35-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng gulay. Bitbit ang Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, unang tinungo ng pinagsanib na…

Read More

Mobile x-ray scanner aarangkada na rin WALA NANG MAIKUKUBLI SA BOC

SA paglalayong tiyaking wala nang maikukubli pa ang lahat ng paparating na kargamento, apat na bagong units ng mobile container x-ray machines ang aarangkada at direktang susuri ng mga nilalaman ng mga naglalakihang containers na pumapasok sa bansa. Pagmamalaki ng Bureau of Customs (BOC), may kakayahan ang kanilang mga makabagong mobile x-ray machines na Ma­kita ang laman ng mga container vans kahit pa hindi na buksan ang mga ito. Anila, mas madali na rin nilang makikita kung ang laman ng mga kargamento ay iba sa idineklara ng mga importers, consignees…

Read More

2K SAKO NG SIBUYAS, NADALE SA BULACAN

MEYCAUAYAN, Bulacan – Hindi bababa sa 2,000 sako ng mga smuggled na red onions ang kinumpiska ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs sa ikinasang operasyon sa Barangay Bahay-Pare kamakailan. Bukod sa mga sibuyas na pinaniniwalaang puslit mula sa bansang Tsina, tumambad din ang santambak na iladong pagkaing dagat, mga gamit sa bahay at mga cosmetic products na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA). Bitbit ang Letter of Authority na ipinalabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga operatiba…

Read More

Drug test sa mga kawani WALANG ADIK SA BOC-CLARK

SINORPRESA ng Bureau of Customs sa Port of Clark ang 20 kawaning isinailalim sa random drug testing bilang bahagi ng programang nagbibigay katiyakan na walang gumon sa ipinagbabawal na gamot sa hanay ng kanilang mga empleyado. Katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region III office, isinalang sa drug test ang mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng Port of Clark sa Pampanga. Kabilang sa isinailalim sa drug test bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay ang mga tauhan ng Enforcement and Security Service (ESS),…

Read More

DREDGER VESSEL GAMIT SA RIVER QUARRY SILAT

APARRI, Cagayan – Kumpiskado sa mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Aparri ang isang dredger vessel na karaniwang gamit sa black sand quarry operations sa mga ilog at maging sa karagatan. Sa rekomendasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), sinagasa ng mga tauhan ng BOC Aparri Enforcement and Port Operations kasama ang mga operatiba mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang maalong karagatan ng Aparri Delta kung saan naroon ang pakay ng operasyon – ang dredger…

Read More

BLUE-SEAL NATISOD SA ZAMBO

HINDI nakalusot sa masigasig na paglalayag ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) sa karagatang sakop ng Zambo­anga ang tangkang pagpupuslit ng mga smuggled na sigarilyo sa gawing timog ng bansa. Sa pagtataya ng BOC, aabot sa halagang P4.8 milyong halaga ng imported na sigarilyong lulan ng dalawang bangkang de motor ang nasabat ng ESS kasama ang mga operatibang mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) 2nd Zamboanga City Mobile Force Company. Kumpiskado rin ang dalawang bangkang de motor kabilang ang MV Mernalyn Z na…

Read More