Ni JOEL O. AMONGO ITINAKDA na ng Bureau of Customs (BOC) ang pagwasak ng mga kumpiskadong luxury cars na nasabat sa isang joint operation sa Quezon City kamakailan. Maliban sa Ferrari na una nang naisumite ang kopya ng mga dokumentong patunay na lehitimo itong binili at naipasok sa bansa, kabilang sa pinupuntiryang wasakin sa harap ng publiko ay ang P22-milyong halagang Lamborghini Murcielago, mga sports utility vehicles, customized sports cars, mga trak, mga bangkang de motor, big bikes at mga bullet-proof na sasakyang karaniwang gamit ng mga VIPs. Sa tala…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
LIQUID MARIJUANA, NAPURNADA
HINDI nagawang ikubli ng pagiging malikhain ng sindikato ang tangka nitong magpasok ng bote-botelyang liquid marijuana sa Clark International Airport kamakailan. Silat sa Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-POC) ang mga kontrabandong idineklarang “over-the-counter drugs for personal use” makaraang dumaan sa maingat na pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Bagama’t hindi gaano kalakihan ang nasabat na liquid marijuana, naging hudyat naman ito para mas paigtingin pa ng ahensya ang paghihigpit sa mga ipinapasok na selyadong botelya, pildora, kapsula at maging mga herbal at cosmetic products sa bansa.…
Read MoreMAKINARYANG PANGGAWA NG YOSI, WINASAK
BUKOD sa mga smuggling ng sigarilyo, maging ang makinaryang gamit sa paggawa ng yosi ipinupuslit na rin bagay na hindi pinalusot ng Bureau of Customs (BOC) nang wasakin nang tuluyan ang makinang gamit sa cigarette manufacturing na iligal na ipinasok sa bansa kamakailanSa harap ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng kawanihan, winasak ng BOC-Port of Aparri ang pagdurog ng mga makinang gamit sa paggawa at pamemeke ng sigarilyo. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina BOC-Port of Aparri District Collector Arienito Claveria at ang mga kasapi…
Read MorePakinabang ng x-ray machines DROGA NA NAMAN!
SA tulong ng mga makabagong kagamitan ng Bureau of Customs (BOC), nabisto ng pinagsanib na operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng nasabing kawanihan ang tinatayang P15.64-milyong halaga ng mga iligal na drogang laman ng dalawang bagaheng nakabarega sa FedEx warehouse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Unang nasabat ng mga operatiba ang isang parcel na idineklarang mga damit mula sa nagngangalang Alam Persiaran Dato Menteri, ng Sec. 14, Shah Alam, Malaysia. Sa tala ng ahensya, isang Edmar Blay ng SJV, Blk. 10, Lot. 22, Brgy. Langgam,…
Read MoreImbakan sa Pampanga, QC BROOM-BROOM NASIPAT NG BOC
NATUNTON ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang hinihinalang pinag-iimbakan ng mga mamahaling sasakyang pinaniniwalaang iligal na ipinasok sa bansa. Sa tala ng Manila International Container Port (MICP), hindi bababa sa P500 milyon ang kabuuang halaga ng mga kotseng tumambad sa showrooms sa Xavierville, Quezon City at sa bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa isang pahayag, Oktubre 21 nang sadyain ng mga operatiba ng BOC-MICP at NBI ang mga nasabing showroom, bitbit ang isang Letter of…
Read MoreUKAY-UKAY PA MORE!
NASABAT kamakailan ng Bureau of Customs and Border Protection Team na nakabase sa Legazpi City sa Bicolandia ang 21 bulto ng mga pinaglumaang kasuotang higit na kilala bilang ukay-ukay. Bitbit ang isang mission order na nilagdaan ni District Collector Arsenia Ilagan, agad na tinungo ng mga operatiba mula sa nasabing tanggapan, kasama ang mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Matnog Port kung saan nasabat ang isang bus kung saan lulan ang mga nasabing iligal na kargamento. Matapos makumpiska ang mga sinasabing ukay-ukay na nakatakda na sanang dalhin sa…
Read MoreFOREIGN VESSEL KUMPISKADO SA LIMAY
KUMPISKADO sa mga operatiba ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa bayan ng Limay sa lalawigan ng Bataan ang isa pang barkong pinaniniwalaan gamit sa dredging activities sa karagatang sakop ng bansa. Hindi nakalusot sa mapanuring operatiba ng Port of Limay yang MV Hammer 16 na nakapangalan sa isang Symore John Gementiza na tumatayong ship agent. Ayon kay Port of Limay district collector Atty. William Balayo, sadyang pinintahan at binago ang hitsura at pangalan ng barko sa hangaring makaiwas sa pagbabayad ng obligasyon at pagtakpan ang pakay nito sa…
Read More131 ASUNTO INIHAIN MULA ENERO
MALAYO na sa dating kawanihang kilala sa katiwalian ang bagong Bureau of Customs (BOC) ani Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang ulat sa Department of Finance (DOF) kamakailan. Aniya, may kabuuang 131 kasong kriminal at administratibo na ang kanilang isinampa laban sa mga importers, consignees at maging sa mga customs brokers kaugnay ng mga bigong tangka nitong magpasok ng mga ilegal na kalakal sa bansa gamit ang iba’t ibang diskarteng bistado na aniya ng kanilang kawanihan. Sa 131 kasong inihain sa Department of Justice (DOJ), 75 ang nahaharap sa…
Read More‘Di na kasi umubra sa Maynila SIBUYAS NG TSINA SA CDO IPINASOK
MAKARAAN ang kabi-kabilang bulilyaso sa mga kargamentong naglalaman ng mga sibuyas sa Maynila, sa Cagayan de Oro naman sinubukan – subalit bigong ipuslit ang mga kalakal pang-agrikultura mula sa bansang Tsina. Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), dalawang dambuhalang containers na naglalaman ng mga red onions mula Tsina ang nasabat ng mga kawani ng BOC sa Port of Cagayan De Oro. Batay sa mga dokumento ng kawanihan, nakapangalan bilang consignee ng mga naturang kargamentong unang idineklarang naglalaman ng “frozen malt” ang isang South Road Consumer Good Trading. Lingid sa…
Read More