MULING nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga magtatangkang magpalusot ng mga kargamento mula sa ibang bansa, kasunod ng pormal na pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga importers at customs brokers na pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng hindi bababa sa halagang P21.3-milyong imported na sasakyan sa bansa. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na bukod sa kumpiskadong kargamento, isinampa na din ng kanilang tanggapan sa Department of Justice ang kasong kriminal laban sa Desmo Trading kaugnay ng pagpasok ng dalawang jet skis, pitong mamahaling motorsiklo at dalawang…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
Tangkang pagpupuslit bigo HEAVY EQUIPMENT, PARTS INIMBARGO
HINDI bababa sa halagang P2.267 milyong misdeclared shipment na naglalaman ng mga brand new heavy equipment at spare parts mula sa bansang Tsina ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-POC) nito lamang nakaraang linggo. Hindi na nakuha pang makalayo ng nasabing kargamentong idineklarang segunda manong heavy equipment nang dumaan ito sa isang masusing inspeksyon gamit ang x-ray scanner ng kawanihan. Ayon kay acting District Collector Charlito Martin Mendoza, dumating sa bansa ang nasabing kargamentong mula pa sa bansang Tsina noong ika-17 ng Agosto. Aniya, agad naman…
Read MoreBODY CAMS KONTRA AREGLO
SA masidhing paghahangad na tuldukan ang sabwatan ng mga smugglers at ilang tiwali sa kanilang ahensya, minabuti ng Bureau of Customs (BOC) na gumamit ng mga body cameras para sa kanilang mga operatiba nang sa gayon ay matiyak ang integridad ng bawat operasyon ng naturang kawanihan. Sa isang symbolic turnover ceremony na ginanap sa Customs Operation Center kamakailan, binalaan din ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang sinumang magtatangkang umareglo o magpa-areglo sa mga operasyon ng kanilang kawanihan. Pormal na rin tinanggap ni Guerrero ang hindi bababa sa 200 body-worn…
Read MoreDROGA, NO WAY SA DAVAO PORT Ni JOEL O. AMONGO
SA layuning paigtingin ang kampanya ng administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot, nagsanib pwersa ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa isang joint surveillance inspection sa karagatan upang tiyaking walang droga o anumang iligal na kargamento ang maipupuslit sa rehiyon. Partikular na binabantayan ng Task Force Aduana na kinabibilangan ng tatlong nasabing ahensya ang Davao City Gulf hanggang sa karagatang sakop ng bayan ng Mati sa lalawigan ng Davao Oriental. Sa ilalim kasunduan, magkatuwang na nagpapatrolya ang BOC, PCG at…
Read MoreMas mabuting pakinabangan KUMPISKADONG AKLAT PARA SA MGA MUSLIM
HINDI hinayaan ng Bureau of Customs-Port of Subic na masayang ang mga kumpiskadong kargamentong sa tingin nila’y mas makabubuting ipamahagi na lamang ito sa mga higit na nangangailangan. Katunayan, napagpasyahan ng nasabing kawanihan na ibigay na lamang nito sa National Commission on Muslim Filipinos(NCMF) ang sandamakmak na aklat na tumatalakay sa pananampa latayang Islam para sa mag-aaral na higit na karapat-dapat na makinabang sa mga kumplikadong kargamento. Sa isang kasunduan, inilipat ng BOC-Port of Subic ang iba’t ibang kumpiskadong aklat sa NCMF-North Luzon na siyang mangangasiwa sa pagpapamahagi nito sa…
Read MoreBALIKBAYAN BOXES MAKUKUHA NG MAY-ARI
PITONG buwan mula nang abandonahin ng isang forwarding company ang mga balikbayan boxes, nagpasya ang Bureau of Custom-Port of Manila na himayin ang mga kargamentong naka-consign sa isang Jenrich Fast Cargo sa bilang tugon sa kahilingan ng mga claimants na makuha na ang mga ito. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC-Port of Manila na nagbuo na ang kanilang tanggapan ng isang task group na mangangasiwa sa processing at release ng abandoned shipment ng Jenrich Fast Cargo mula pa noong Pebrero ng kasalukuyang taon. Ayon sa kawanihan, ang stripping activity ay…
Read MoreEXPRESSLANE SA 3.8M BAKUNA
HINDI bababa sa 3.8-milyong bakuna ang dumating sa pambansang paliparan ang agad na nai-proseso at ini-release ng Bureau of Customs upang tiyakin ang mabilis na pagsasakatuparan ng target ng gobyernong herd immunity bago matapos ang taon. Pangako ng BOC-NAIA, hindi mababalam ang pagpasok ng mga bakuna sa bansa, kasabay ng pahayag na nito lamang nakaraang Agusto 18, 19 at 20, mabilis nilang nai-proseso ang mga hindi bababa sa 3.8-milyong doses ng bakuna – kabilang ang 313,560 doses ng Pfizer-BioNTech, 3M doses Sinovac at 582,500 doses ng AstraZeneca para sa Department…
Read MoreMONEY LAUNDERING TUTUTUKAN NG BOC
MAS mahigpit na tututukan ng Bureau of Customs ang Cross-Border Transfer of Local and Foreign Currencies sa layuning tuldukan ang mga tangkang pagpupuslit ng mga perang higit pa sa pinahihintulutan sa batas. Sa isang webinar kaugnay ng “Importation and Exportation of Local and Foreign Currencies” na inorganisa ng Public Information and Assistance Division, tinalakay ng BOC, Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga istratehiyang ipatutupad para palakasin ang kampanya kontra sa tangkang pagpupuslit ng mga local at foreign currencies sa bansa. Anila, higit na…
Read MoreP4.5M UKAY-UKAY KUMPISKADO SA ILOILO
HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Iloilo ang bulto-bultong ukay-ukay na nadiskubre sa isang storage facility sa Jaro, Iloilo City kamakailan. Bitbit ang Letter of Authority na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, isang composite team sa pangunguna ni Port of Iloilo Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) Field Station Chief, IO1 Lot K. Abordo, sa pakikipagtulungan sa Enforcement and Security Service – Customs Police Division (ESS-CPD), Customs and Border Protection (CBP) -District VI and Barangay Officials, ay nag-inspeksyon sa nasabing…
Read More