Air cargo? No problemo! PANGAKO NG BOC AT DHL, WALANG DELAY

TULUYAN nang nawaglit ang karaniwang dahilan ng matagal na release ng air cargo sa pangunahing paliparan sa bansa bunsod ng unawaan sa pagitan ng Bureau of Customs at DHL Global Forwarding (Phils.), Inc. Sa isang online discussion sa pagitan ng BOC at  DHL, bumalangkas ng mga angkop na hakbang ang kanilang mga kinatawan sa layong pabilisin ang proseso sa pagkuha ng air cargo clearance. Ayon sa BOC, hangad nilang paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa stakeholders at pagpapaunlad ng  public service sa ilalim ng pamumuno ni   Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Ang online…

Read More

DROGA SILAT SA BOC, PDEA

TIMBOG sa pinagsanib na operasyon sa pagitan ng Bureau of Customs at Phi­lippine Drug Enforcement Agency ang P3 milyong halaga ng drogang nakatakdang dalhin sa Baguio City nito lamang nakaraang linggo. Arestado sa joint controlled delivery operation sa Baguio City ang claimant ng 1,783 tablets ng Ecstasy o “party drugs” na ikinubli sa mga kobre-kama.Ang nasabing operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng BOC-NAIA, PDEA-Cordillera Administrative Region, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at  Customs Anti-Illegal Drug Task Force Enforcement and Security Service (CAIDTF-ESS) sa tulong ng Customs Intelligence and…

Read More

BOC COLLECTION TARGET, SAPUL NG MINDA PORTS

NILAGPASAN ng mga re­venue collection districts ng Bureau of Customs Collection sa Mindanao ang itinakdang target ng kani-kanilang tanggapan para sa buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon. Base sa tala ng BOC, muling nagawang kumo­lekta ng District X na nasa pangangasiwa ni Atty. Elvira Cruz ng higit pa sa kanilang nakatakdang target. Para sa buwan ng Hulyo, nakapagtala ng P3,254,579,366.35 kita ang nasabing BOC District Collection Office. Ang nasabing halaga ay higit pa sa kanilang target collection na P3,254,150,000.00. Kinilala naman ni Atty. Cruz ang sikap at katapatan ng mga…

Read More

BAKUNA PRE-CLEARED NA PAGLAPAG SA NAIA

TINIYAK ng Bureau of Customs na walang dahi­lan upang maantala ang paglabas ng mga luma­lapag na bakuna kontra COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport bunsod na rin ng One-Stop-Shop policy na magkatuwang na ipinatutupad ng kanilang ahensya at ng pangasiwaan ng nasabing paliparan. Partikular na tinukoy ng BOC ang 326,400 doses ng Moderna COVID-19 vaccines na lumapag sa bansa nito lamang nakaraang Linggo. Anila, ang mga nasabing bakuna ay mayroon nang pre-clearance dalawang araw bago pa ito dumating sa NAIA – kaya naman mabilis itong ini-release para maiturok na sa…

Read More

PATAKARAN SA FOOD AT AGRI SHIPMENT SA CEBU

UPANG maiwasan ang agam-agam sa polisiya ng pamahalaan, minabuti ng Bureau of Customs – Port of Cebu na iprisinta ang mga takdang alituntunin at umiiral na proseso hinggil sa pagpasok ng mga pagkain at produktong pang-agrikultura sa bansa. Sa ginanap na virtual Agri and Food Committee Conference na pinangunahan ng Dutch Chamber of Commerce in the Philippines, inilatag ng BOC-Port of Cebu ang proseso sa pagkuha ng clearance para sa mga inaangkat na pagkain at produktong pang-agrikultura. Mismong si Deputy District Collector for Assessment Lemuel Erwin Romero ang nanguna sa…

Read More

DROGA WALANG LUSOT SA BOC-NAIA

KUNG ang kakayahan lang sa pagsala ng mga pumapasok na epektos ang pag-uusapan, bilib ang Philippine Drug Enforcement Agency sa mga kawani ng Bureau of Customs na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport. Sa isang pahayag, kini­lala ni PDEA-NCR Regional Director Christian Frivaldo ang sigasig ng BOC-NAIA at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG)sa pagsugpo sa pagpasok ng droga sa pangunahing paliparan sa bansa. “I greatly commend each and every one of you for doing a job well done… The best accomplishment under your leadership, BOC-NAIA District Collector…

Read More

NSW SYSTEM SA 5 KAWANIHAN SISIPA NA

LUBOS na ikinagalak ng Bureau of Customs ang pagpasok ngayong buwan ng apat pang kawanihan ng pamahalaan sa ilalim ng programang TRADENET.gov.ph na nagtataguyod ng inter-connectivity data na naglalayong tuldukan ang katiwalian sa pagpasok sa bansa ng mga pangunahing produkto sa merkado. Kabilang sa mga kagawarang magiging bahagi ng nasabing programa ay ang Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS), Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), Sugar Regulatory Administration (SRA) at Export Marketing Bureau na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na handa na rin…

Read More

P7-B PEKENG DESIGNER GOODS HAGIP SA PASAY

HAGIP ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P7.4-bilyong halaga ng mga pekeng designer goods mula sa isang storage facility sa Lungsod ng Pasay. Bitbit ang mission order na ipinalabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksyon ng mga kawani ng nasabing ahensya ang isang storage facility sa Bagong Milenyo, kung saan tumambad ang sandamakmak na pekeng designer goods. Kabilang sa mga dinatnan ng mga Customs operatives ang mga signature items na may tatak na Louis Vuitton, Gucci, Vans, Fubu, Tribal, Under Armour, Nike, Adidas, Zara, H&M, Calvin…

Read More

BOC KINATIGAN NG USAID

KINATIGAN ng United States Agency for International Development (USAID) ang Bureau of Customs (BOC) sa hangad nitong maging bahagi sa bidding process ng ASEAN Customs Declaration Document (ACDD) Management System. Layon ng BOC na magkaroon ng isang electronic data exchange para sa ASEAN Single Window (ASW) regional trade facilitation platform upang palawakin ang programa nito sa international trade at digital trade process na nagbibigay bentahe sa Pilipinas sa kalakalan sa Timog-Silangang Asya. Bunsod nito, nagpahayag naman ng kahandaan ang USAID sa pamamagitan ng ASEAN Policy Implementation (API) Project, na gabayan…

Read More