MOA SA TARIPA NG MGA IMPORTED CARS IKINASA

UPANG tiyakin ang pagpasok ng tamang buwis na angkop sa mga imported cars, lumagda sa isang kasunduan ang Bureau of Customs at Land Transportation Office para sa sistematikong datos ng mga pinagbayarang taripa ng mga umaangkat, bago pa man ito mairehistro. Sa ilalim ng Memorandum of Agreement na nilagdaan nina Customs Commissioner Leonardo Guerrero at LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, magpapalitan ng database ang mga nasabing ahensya tungkol sa buwis na ibinayad ng mga importers para sa mga sasakyang inangkat pa mula sa ibang bansa. Paliwanag ni Guerrero, layon…

Read More

P25-M HALAGA NG ‘PAMPAGANA’ KUMPISKADO

KUMPISKADO ng Bureau of Customs ang hindi bababa sa P25 milyong halaga ng mga ipinuslit na gamot na higit na kilalang gamit bilang pampagana sa pakikipagtalik. Sa isang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga kawani ng BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Port of Manila at Formal Entry Division (FED) sa isang storage facility sa lungsod ng Pasay, tumambad ang bulto-bultong gamot na pinaniniwalaang ipinasok sa bansa ng walang kaukulang mga dokumento. Bitbit ang Letter of Authority na pirmado ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kinumpiska ng…

Read More

MGA PESTE SA AGRIKULTURA, ‘DI NAKALUSOT

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang lagayan na naglalaman ng labing-apat na piraso ng buhay na beetles at larva. Nadiskubre ang mga peste sa agrikultura sa plastic tubes na itinago sa   pac­kages ng snacks, biscuits, noodles at chocolates noong Hulyo 29 nang dumating ito sa Central Mail Exchange Center (CMEC). Ang beetles ay kilalang insektong kumakain ng mga halaman. Kilala rin ito bilang garden pests na sumisira sa mga pananim. Ang larvae nito ay kumakain ng plant roots…

Read More

BOC HUMATAW SA JULY TARGET COLLECTION

SA kabila ng epekto ng patuloy na matinding limitasyon dahil sa pandemya ng coronavirus disease – 2019 (CO­VID-19) sa kalakalan at komersiyo, napakaganda pa rin ng koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC) nitong Hulyo. Masasabing humataw ang BOC dahil nakako­lekta ito ng P58.183 bilyon, samantalang ang tudlang koleksiyon nito sa Hulyo ay P53.751 bil­yon lamang. Kaya, pumalo sa P4.432 bilyon ang sobra nito sa tudla o 8.2 porsiyento ang katumbas nito. Base sa preliminary report ng BOC-Financial Service, 14 sa 17 Collection Districts ng ahensiya ang nakaabot ng kanilang target.…

Read More

P86-M PULANG SIBUYAS HINARANG SA BOC-SUBIC

HINDI nakalusot sa Bureau of Customs Port of Subic (BOC-Subic) nitong Hulyo ang 23 forty-footer containers mula China nang madiskubreng pulang sibuyas ang laman ng mga ito, sa halip na mga tinapay. Ayon sa BOC-Subic, mga tauhan ng Field Station ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Subic District Command ng Enforcement and Security Service (ESS) ang humarang sa mga sibuyas. Pumalo sa P86.250 milyon ang kabuuang hala­ga ng mga kinumpiskang sibuyas na naka-consigned sa isang “Duar Te Mira”. Ayon sa BOC-Subic, nang dumating ang dalawang batches ng…

Read More

3 BOC PORTS IBINAHAGI ANG ‘GOVERNANCE BEST PRACTICES’

UPANG mapalaganap ang mahuhusay at kagilas-gilas na sistema ng pangangasiwa ng organisasyon sa makabagong panahon, ibinahagi ng tatlong pantalan ng Bureau of Customs (BOC) ang kani-kanilang “best practices” sa isa’t isa. Isinagawa ito ng Port of Manila (POM), Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) at Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo 28, sa pamamagitan ng zoom tele­ conference. Ang aktibidad ay batay sa tinawag ng BOC na “Inter-port Governance Sharing”. Ibinahagi ng POM at NAIA ang kanilang karanasan mula sa paghahanda hanggang sa aktuwal na presentasyon tungo sa…

Read More

Si Atty. Marietta D. Zamoranos ang CCC Chairperson BOC PINUNO NG ASEAN CUSTOMS

ITINALAGANG chairman ang Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas sa naganap na ika-30 ASEAN Customs noong Hunyo 8 hanggang 10. Ang aktibidad na ito kung saan nagkita-kita at nagpulong ang mga pinuno ng Customs agency ng mga bansa sa ASEAN ay binigyan ng responsibilidad ang BOC ng Pilipinas na pamunuan ang Customs Coordinating Committee (CCC). Ang layunin nito ay upang madagdagan ang kahusayan sa koordinasyon sa mga aktibidad at aksyon ng ASEAN Customs. Kasama sa naging tungkulin nito ang pagiging regional coordinator ng ASEAN Technical Working Groups (TWGs) tulad ng…

Read More

P50-M HALAGA NG SIGARILYO WASAK SA BOC-CDO

UMABOT sa P50 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang winasak ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro (CDO) nitong Hulyo 28, sampung buwan makalipas ang pagkakakumpiska sa naturang ilegal na mga produkto. Ang multimilyong halaga ng sigarilyo ay kinabibilangan ng 1,700 master cases na katumbas ng 85,000 reams ng mga sigarilyo na ang mga tatak ay “Two Moon”, “Mighty”, “Marvel” at “Royal”. Ayon sa BOC-CDO, ipinadala ito sa DENIAN Dry Goods Trading. Batay sa talaan ng BOC-CDO, dumating sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan mula China ang…

Read More

P5.2-M SHABU FOR EXPORT, NAHARANG NG CUSTOMS

WALANG katotohanang tumigil ang Bureau of Customs (BOC) sa ipinatrabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga. Katunayan, ang pinakabagong nagawa ng BOC tungkol sa numero unong kampanya ng administras­yon ay ang pagkumpiska ng P5.2 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na higit na kilala sa tawag na shabu, o meth, nitong Hulyo 30. Ang nakasabat sa shabu ay ang pinagsamang mga elemento ng BOC-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG). Nadiskubre ang 763 gramo ng shabu…

Read More