3 KATAO PINAGBABARIL SA MAYNILA, 1 PATAY

NASAWI ang isa at sugatan ang dalawa pa matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Hermosa St., Barangay 200, Tondo, Manila, Martes ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Johnny Rome Tiangco, 31, habang nasa ligtas nang kalagayan ang dalawa pang tinamaan din ng bala na si Allen Derick Pascual, 25 at isang 13-anyos. Base sa ulat ng Manila Police District, Jose Abad Santos Police Station 7, alas-5:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng bakery sa Barangay 200, Tondo. Sa report ni Police Captain Dennis Turla, hepe…

Read More

DIALYSIS MEDS NAIS NG KAMARA NA IPASAGOT NA RIN SA PHILHEALTH

INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis ng diabetic patients. Ayon kay House Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan nang malibre ang gamot ng mga may acute diabetes sa bansa. “4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo,” ani Cong. Tulfo. Dagdag pa ng ACT-CIS Representative, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500…

Read More

135,000 TAGA-TAWI-TAWI NAKINABANG SA P700-M TULONG NG SERBISYO FAIR

MATAGUMPAY na nakapaghatid ng tulong ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., katuwang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa may 135,000 residente ng Tawi-Tawi. Umabot naman sa 95 kongresista ang nagpakita ng suporta sa programa at dumalo sa paglulunsad ng dalawang araw na BPSF na nagsimula noong Mayo 23. Ang BPSF sa Tawi-Tawi ang kauna-unahang Serbisyo caravan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na siya namang ika-18 lugar na pinuntahan ng programa. “Natutuwa kami at naabot ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R.…

Read More

LIVELIHOOD PROJECT KALOOB NG ACT AGRI KAAGAPAY AT RICKY REYES

INILUNSAD ng kilalang Filipino hairdresser na si Ricky Reyes at Act Agri-Kaagapay organization ang “Isang Gunting, Isang Suklay” livelihood project upang matulungan ang daan-daang kababaihan at mga indibidwal na walang hanapbuhay, sa layuning maiangat ang kanilang buhay, sa pamamagitan nang pagdaraos ng libreng hair-cutting seminar. Sa distribusyon ng certificates of recognition na idinaos sa SM SouthMall sa Las Piñas City, pinasalamatan ni Reyes si Act Agri Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez sa pagsuporta nito sa maraming livelihood projects na nakatutulong sa maraming mahihirap na pamilya, partikular na sa…

Read More

FISHBALL VENDOR ARESTADO SA RAPE

ARESTADO ang isang 26-anyos na fishball vendor sa kasong rape, sa pinagtataguan nito sa San Carlos City, Pangasinan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Eboy”, residente ng Pandacan, Manila. Ayon sa ulat na isinumite ni Police Captain Veronica Apresurado, hepe ng Women’s and Children Protection Section, na pinangasiwaan ni Police Colonel Orlando Mirando Jr., Officer in Charge ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Manila Police District, bandang alas-2:45 ng hapon nang matunton ang suspek sa Barangay Tandang Sora, San Carlos City, Pangasinan.…

Read More

Panawagan sa gobyerno SAPAT NA KABUHAYAN SA 100K EX-REBELS – NOGRALES

BINIGYANG-DIIN ni House of Representatives’ Labor and Employment Committee chair, at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, ang pangangailangan sa tulong ng gobyerno sa ex-rebels para magkaroon sila ng kabuhayan upang mahikayat na hindi na humawak ng armas laban sa pamahalaan. Batay sa pahayag ng National Amnesty Commission (NAC), tinatayang may 100,000 dating mga rebelde ang makatatanggap ng amnesty program mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang maramihang amnesty applicants ay inaasahang magmumula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF), ayon kay NAC Commissioner Nasser…

Read More

BABALA NG OCD: LINDOL, BAGYO PAGHANDAAN

ISANG disaster-prone country ang bansa dahil sa lokasyon nito sa Pacific Ring of Fire at Typhoon Belt kaya, madalas na nakararanas ng sama ng panahon at mga bagyo. Kasunod ng anunsyo ng PAGASA tungkol sa nalalapit na tag-ulan at banta ng La Niña, ang Office of Civil Defense (OCD) ay nananawagan sa sambayanan para sa mas pinalakas na kahandaan at kolektibong pagkilos. Ayon kay Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, hindi na bago ang mga pag-uulan dahil madalas itong nararanasan ng bansa taon-taon kung kaya’t ang mga protocol, mekanismo at…

Read More

HIV, AIDS FACILITIES SA PILIPINAS KINILALA SA QUILTS AWARDS 2024

BINIGYANG parangal ang mga pasilidad at organisasyon na patuloy na nagbibigay inobasyon at dekalidad na pag-aalaga sa mga taong mayroong Human Immunodeficiency Virus (HIV) and Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa ginanap na QUILTS Awards 2024 sa City of San Jose Del Monte Convention Center, Bulacan noong nakaraang Linggo, Mayo 19. Iginawad ng U.S. government sa ilalim ng President’s Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR) at U.S. Agency for International Development (USAID), kasama ang Department of Health, AIDS Society of the Philippines at Department of Health ang “Quality Uptake and Improvements…

Read More

NOGRALES PABOR SA REINTEGRATION PROGRAM SA EX-REBELS

PINURI ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang ginawang hakbang ng gobyerno na magbigay ng mga oportunidad sa trabaho sa dating mga rebelde na nagbabalik sa kani-kanilang mga komunidad. “The livelihood and employment programs extended by the government to former rebels is important so that they could be productive members of the community,” ani Nograles, chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee. Sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kamakailan, nasa 10,000 dating mga rebelde ang nagbenepisyo mula sa Department of Labor…

Read More