INARESTO ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division ang apat na nagpakilalang mga opisyal ng pamahalaan, makaraang takutin at hingian ng pera ang isang South Korean national sa Pasay City. Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina Roberto Albaña Jr., Avelino Gueta Jr., Junroso Bansil, at Danilo P. Abacaro, pawang nahaharap sa kasong robbery extortion. Batay sa ulat ng NBI, inireklamo ng isang South Korean national, na isang grupo ang humingi sa kanya ng P2 milyon at nanakot na sasampahan siya ng deportation charges kapag hindi siya…
Read MoreCategory: METRO
CHINA, TABLADO SA MARITIME ZONES ACT NI SEN TOL TOLENTINO
Walang magagawa ang China para pigilan ang pagpasa at pagpapatupad ng Senate Bill No. 2942 o ang Philippine Maritime Zones Act. Ito ang tahasang sinabi ni Senador Tol Tolentino, pangunahing sponsor ng panukalang batas sa Senado bilang reaksyon sa protesta ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning. “Malayang bansa ang Pilipinas at hindi probinsya ng China. Kahit anong protesta ang gawin nila, papasa ang batas na ito na nagtatakda ng mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea,” ani Tolentino. Kasama sa panukalang batas ang 2016 Arbitral Ruling na nagdedeklarang…
Read MoreDIRECT FLIGHTS MULA BRUNEI TO CEBU, CLARK INAARAL NG DOT
TINITINGNAN ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon ng direct flights mula Bandar Seri Begawan ng Brunei patungo sa ibang lugar sa Pilipinas at hindi lamang sa kabisera nito na Maynila. Sa sidelines ng Philippine Business Forum sa Berkshire Hall, Royal Brunei Polo and Riding Club, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco na pinag-aaralan ng departamento na magkaroon ng direct flights mula Bandar Seri Begawan patungong Cebu at Clark. ”As of the moment, we do have our local carriers Philippine Airlines and Cebu Pacific that already fly and of course,…
Read MoreSPEAKER ROMUALDEZ PINASALAMATAN SI SEC. RECTO SA PAGTUPAD SA KASUNDUAN NA IBABA TARIPA NG BIGAS
IPINAABOT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pasasalamat kay Finance Sec. Ralph Recto sa pagtupad nito sa kasunduan na ibaba ang ipinapataw na taripa sa bigas upang ang presyo nito ay bumaba pa sa P50 kada kilo. Pinuri ni Speaker Romualdez si Recto sa pagsulong ng nauna nang kasunduan ng mga lider ng Kamara at kalihim ng Department of Finance at ng Department of Agriculture (DA). Layunin ng pagbabawas sa taripa ay upang matugunan ang mataas na presyo ng bigas na dulot ng mapagsamantalang trader, epekto ng El Niño,…
Read MoreAI, DEEPFAKES IPAGBABAWAL SA KAMPANYA – COMELEC
INIHAYAG ni Commission on Elections Chairman George Garcia na kukumbinsihin niya ang Comelec en banc na ipagbawal sa kampanya ang paggamit ng deepfakes at AI (Artificial Intelligence). Ayon kay Garcia, marami ang nalilito, nagkakaroon ng misrepresentation at maraming hindi makatotohanang nangyayari kapag ginagamit ang AI. “Alam po natin ang modern technology. Bakit ba hindi?” saad ni Garcia subalit kailangan aniya na kapag kampanya ay nakikita mismo ng sambayanan ang mga kandidato. Dahil dito, nais ni Garcia na mapakinggan ang saloobin ng en banc kaugnay sa isinusulong niyang pagbabawal sa paggamit…
Read MoreEX-LUCENA POLICE CHIEF IPINAKULONG SA KAMARA
IPINAKULONG ng mga kongresista ang dating hepe ng Lucena City Police na si Lt. Col. Reynaldo Reyes dahil sa hindi pagsasabi ng katotohanan hinggil sa pagsalakay umano ng kanyang mga tauhan sa bahay ng resource person ng House Committee on Public Order and Safety. Sa mosyon ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, na-contempt si Reyes dahil sa paglabag umano sa Section 11 ng House Rules o “refusal to truthfully answer relevant queries by the committee members”. Ang komite ay nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa karahasan at mga…
Read MoreDIVORCE BILL BALIK-PLENARYO
IBABALIK sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 9349 o Absolute Divorce Act matapos mabahiran ng kontrobersya ang resulta ng botohan. Ito ang nabatid sa isa sa mga kumontra sa nasabing panukala na si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., kaya pinatitigil nito ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na sabihing malapit na itong maging batas. “The House has deferred transmission of the Divorce Law to allow those like myself to raise our concerns regarding the vote taken on this measure, and I believe holding the…
Read MoreEDDIE GARCIA LAW PIRMADO NA NI PBBM
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 11996 o “Eddie Garcia Law” noong Mayo 24, naglalayong bigyang proteksyon at tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng Pelikula at Telebisyon. Ang nasabing batas ay nag-ugat mula sa namayapang aktor na si Eddie Garcia. Sa ilalim ng batas, ang lahat ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay dapat protektado ng kanilang employers o principal sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan. Nakapaloob din sa batas ang implementasyon ng work hours, sahod at iba pang “wage-related benefits, social security…
Read MoreOFW MULA KUWAIT BAGONG AKOOFW PREXY
PORMAL nang nagpulong ang AKOOFW National Executive Council alinsunod sa constitution and by-law ng kanilang samahan upang maghalal ng mga opisyal ng National Executive Council ng AKOOFW Party-list. Kabilang sa nahalal bilang national president ang isa sa founder ng AKOOFW na si Frederick F. Makasakit. Si Makasakit ay isang OFW mula sa Kuwait simula pa noong 1988 at nanatili roon sa kasagsagan ng Kuwait-Iraq war. Naging pangulo rin ito ng Filipino badminton Committee-Kuwait at naging Secretary General ng Kuwait Oil Company Basketball Committee. Ang mga nahalal ay sina Dr. Celerino…
Read More