UMAWAT SA AWAY PATAY SA BUGBOG

NAMATAY habang inoobserbahan sa pagamutan ang isang 44-anyos na lalaki makaraang bugbugin ng dalawang lalaking nakaalitan ng kanyang pamangkin sa Barangay 766, Zone 83, San Andres Bukid, Manila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si Ronaldo Bugayon, may asawa, residente ng nabanggit na lugar. Agad namang dinampot ng mga barangay tanod ang suspek na si Eduardo Villanueva Jr., 31, binata, jobless, ng nasabi ring lugar, habang tinutugis ang isang kasama nito. Batay sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, bandang alas-11:15 ng gabi nang…

Read More

Inihain ng Cavitex KASONG KRIMINAL VS PEATC OIC ESTEBAN

NAGSAMPA ng kasong kriminal ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPCT) laban kay PEA Tollway Corporation (PEATC) Officer-in-Charge (OIC) Dioscoro Esteban. Kabilang sa mga kasong naisampa ang perjury, usurpation of authority, at slander matapos umanong magsumite si Esteban nang walang basehang petisyon para sa mandamus sa Court of Appeals. Ang aksyong ito ng MPTC ay upang papanagutin si Esteban, sa kanyang pagiging iresponsable at hindi awtorisadong misrepresentation ng PEATC nang siya ay maghain ng petisyon laban sa CIC. Sumumpa si Esteban na siya ay awtorisadong…

Read More

165 PATAY, 496 SUGATAN SA SUNOG SA 1ST QUARTER NG 2024

UMABOT sa 165 katao ang naitalang nasawi habang nasa 496 naman ang bilang ng mga nasugatan o nasaktan sanhi ng naganap na mga sunog sa loob ng unang quarter ng taong 2024, ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection. Batay sa hawak na record ng BFP, umabot na sa kabuuang 165 ang fire related deaths, habang nasa 496 ang nasaktan, 46 sa mga ito ay dumanas ng pinsala. Nabatid na bukod sa lumobong bilang ng casualties sanhi ng nangyaring fire incidents, umabot sa 40 porsyento ang itinaas ng bilang…

Read More

SERBISYO FAIR PATULOY SA PAGTUGON SA GUTOM – SPEAKER ROMUALDEZ

“HINDI titigil ang gobyerno na tumulong hanggang may Pilipinong nagugutom.” Ito ang paniniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam sa Zamboanga City noong Biyernes. Kasama ang higit 90 na mga kongresista, namahagi si Speaker Romualdez ng milyun-milyong pisong cash assistance at tone-toneladang bigas sa mga taga-Zamboanga City sa ilalim ng Serbisyo Fair Program ni Pang. Marcos. Ayon kay Speaker Romualdez, “di ba ito ang pangako ng administrasyong Marcos na walang maiiwan dahil sabay-sabay babangon? kaya this is it.” Bukod sa pamamahagi ng 25 kilos na bigas sa libu-libong…

Read More

MGA NASAWI SA DAVAO DE ORO LANDSLIDE HINDI KALILIMUTAN NG KONGRESO – REP. TULFO

SINIGURO ni ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo na hindi kinakalimutan ng Kongreso ang Davao de Oro landslide kung saan 98 ang namatay noong Marso. Ayon kay Cong. Tulfo, “pinamamadali na nga ni Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon sa landslide sa Maco, Davao de Oro”. Bukas, Martes ay muling diringgin ng committee on natural disaster ang nasabing kaso. “Hindi natin pwedeng basta na lang balewalain ang naturang insidente dahil maraming buhay ang nawala,” dagdag pa ni Tulfo. “98 ang namatay doon at maaaring naiwasan kung sinunod lang…

Read More

TIRADOR SA MALL SWAK SA SELDA

HINDI nakalusot ang isang 21-anyos na binata makaraang hindi bayaran sa kahera ang bitbit niyang iba’t ibang klase ng mga damit sa isang mall sa Ermita, Manila noong Sabado ng gabi. Bagsak sa selda ang suspek na si alyas “Johnmark”, jobless, residente ng Barangay 151, Caloocan City. Base sa report na isinumite nina Police Staff Sergeant Rizaldo Grabillo at Police Corporal Fermin Vincent Manango, kapwa nakatalaga sa J. Bocobo Police Community Precinct, sakop ng MPD-Ermita Police Station 5, bandang alas-7:45 ng gabi nang matimbog ang suspek sa isang mall sa…

Read More

‘NEW MODEL’ PHONE CALL, ‘DI PAPATULAN NG AFP

WALA umanong balak na patulan pa ng Armed Forces of the Philippines ang panibagong kwento na inilabas China kaugnay sa ‘new model agreement’ na pinalulutang kamakailan ng Chinese Embassy kaugnay sa sigalot sa Ayungin shoal. Ito ang naging tugon ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. kasunod ng naging pahayag ng Chinese Embassy in Manila, na maglalabas ito ng recording ng umano’y phone call conversation sa pagitan ng isang Chinese diplomat at ng AFP Western Command na nasa pamumuno Navy Vice Admiral Alberto Carlos, na naghain ng leave…

Read More

STRIP SEARCH SA ASAWA NG POLITICAL PRISONERS IIMBESTIGAHAN

KASABAY ng pagkondena, nagpatawag ng imbestigasyon si Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas sa strip search na isinagawa sa mga asawa ng political prisoners, na dumalaw sa New Bilibid Prison. “Matindi ang ginawa sa kanila. Napaka-degrading ang strip search na ginawa sa kanila,” pahayag ni Brosas, kaya bukod sa kasong isinampa sa Commission on Human Rights (CHR) ay dapat din itong imbestigasyon sa Kongreso. Ayon sa mambabatas, bodily search ang ginawa sa mga biktima na ang mga asawa ay nakakulong sa maximum security compound, dahil pina-squat at pinatuwad umano ang mga…

Read More

DOKTOR HUWAG IUGNAY SA MGA NEGATIBONG ISYU

NANAWAGAN si Bell-Kenz Pharma President and Chief Executive Officer Luis Raymond Go na huwag iuugnay ang mga doktor sa mga negatibong usapin at isyu na ipinupukol sa kanilang kumpanya. Ayon kay Go, bilang isang doktor ay marami pa nga silang mga pro-bono cases kesa ang kumita o maningil sa kanilang pasyente partikular siya na nagsisilbing cardiologist sa Philippine Heart Center. “Kami mga doktor, hindi ang kumita ang aming pangunahing layunin kundi ang mapagsilbihan ang mga pasyente, matugunan ang kanilang pangangailangang medikal at gumaling sila sa kanilang sakit o karamdaman,” ani…

Read More