PNP dumepensa PROMOSYON NG ‘DAVAO BOY’ NA HENERAL BIGAY-BAWI

DUMEPENSA ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nangyaring bigay-bawi na promosyon ng ikalawang mataas na opisyal ng ahensya. Nilinaw kahapon ng pamunuan ng PNP na tanging ang Pangulo ng Pilipinas ang may kapangyarihan na magtalaga ng senior officials para sa top hierarchy nito. Wala rin umanong katotohanan na dahil sa pagiging ‘Davao Boy’ ng isang senior official na kabilang sa command group kaya binawi ang inihayag na appointment nito. Paglilinaw ng PNP, manggagaling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment ng mga top brass ng Pambansang Pulisya gaya ng…

Read More

Tingog at DSWD nagpadala naman ng 51K food packs P150-M AID INILABAS NG LIDERATO NG KAMARA PARA SA FLOOD VICTIMS SA DAVAO REGION

AGAD inendorso ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapalabas ng P150 milyong financial assistance ng Marcos administration para sa mga biktima ng baha sa Davao region na aabot sa libu-libong katao na ang naapektuhan. Kasabay nito, ang tanggapan naman ni Speaker Romualdez at Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ay patuloy ang pagsasaayos para agad maipakalat ang 21,000 food packs sa lugar mula sa personal “calamity funds” ng lider ng Kamara. Gayundin, ang tanggapan ng Speaker at Tingog party-list ay nakipag-ugnayan sa DSWD para agad magpalabas ng…

Read More

150 BHWs SA VALENZUELA SUMAILALIM SA PAGSASANAY

PARA madagdagan pa ang kakayahan ng mga Valenzuelano Barangay Health Workers (BHWs), nagsagawa ang Valenzuela City Health Office, sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ng pagsasanay sa Barangay Health Service (BHS) NC II. Umabot sa 150 BHWs na hinati sa limang batch, ang sumailalim sa malawakang pagsasanay, lectures, at demonstrasyon mula Oktubre hanggang Disyembre noong nakaraang taon sa BHS NC II ng TESDA, na naglalayong madagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga tuntunin ng lokal na pamamahala sa larangan ng serbisyong pangkalusugan. Ang ilang mga…

Read More

BINATA KARGADO NG ARMAS, SWAK SA REHAS

SWAK sa rehas ang isang 27-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng baril at mga bala sa ikinasang “Oplan Sita” noong Miyerkoles ng hapon sa Purok 1, Isla Puting Bato, Barangay 20, Tondo, Manila. Kinilala ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, ang suspek na si Renzon Yu, residente ng Barangay 275, Binondo, Manila Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander, bandang alas-3:25 ng hapon, pinara ng mga awtoridad ang isang habal-habal kung saan pasahero ang suspek. Nang kapkapan ang mga sakay nito ay nadiskubre…

Read More

POLICE INFORMANT NA DRIVER/BODYGUARD NG 4 DINUKOT NA CHINESE, SUMUKO KAY REP. TULFO

SUMUKO sa tanggapan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang driver/bodyguard ng apat na Chinese national na dinukot at pinagnakawan umano ng mga pulis sa Southern Police District sa Parañaque noong Setyembre ng nakaraang taon. Si Michael Novecio, driver at bodyguard ng apat na Chinese national, ay aminadong kasabwat at informant ng mga pulis sa naturang krimen. Ani Novecio, dahil sa takot, nagpatulong siya kay Tulfo para sumuko kay House committee on public order and safety chair at Sta. Rosa, Laguna Cong. Dan Fernandez, na kasalukuyang dumidinig sa naturang…

Read More

Solons sa ilang senador: PAREHAS LANG TAYONG PILIPINO

HINDI nagustuhan ng mga kongresista ang pahiwatig ng ilang senador na mas mataas ang mga ito kaysa sa kanila. Sa isang press briefing, tinanong ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang kasama nitong si House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez kung may nakasaad ba sa Konstitusyon na Upper House at Lower House? Sagot ni Suarez, “wala.” “Meaning to say parehas lang tayo. Baka sasabihin natin Lower House at Slower House. Hindi ko alam, pero wala akong sinasabing ganun, sinasabi lang sa labas yun. Pero sa Constitution walang lower house…

Read More

‘RECTO UNIVERSITY’ NATUPOK

NATUPOK ng apoy ang tinaguriang “Recto University” o pagawaan ng mga pekeng dokumento tulad ng diploma, sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng hapon. Umabot sa ika-5 alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-3:00 pasado ng hapon sa naturang lugar. Agad namang inutos ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez kay Police Captain Rowell Robles ng Plaza Miranda PCP, ang pagpapatupad ng seguridad sa lugar. Mabilis na dumating ang mga truck ng bombero mula sa iba’t ibang lugar kabilang ang fire volunteers upang tumulong na maapula…

Read More

MGA BATANG MAY DIPERENSYA SA PUSO OOPERAHAN SA V DAY

OOPERAHAN sa Pebrero 14 ang mga paslit na nangangailangan ng patent ductus arteriosus, o PDA, isang depekto sa puso sa mga bagong silang. Ayon sa grupong Jaden and Friends Inc., buong Enero ay tatlo ang kanilang naging “happy heart missions.” “We are so busy in preparation for the next couple of months, Heart Month and World Down Syndrome Day in March targeting 100 children with PDA. Very much grateful for our generous sponsors! We are bringing many patients especially from Vis-Min to Manila for their much needed heart surgery and…

Read More

TARIMA NG ANGLERS DINARAYO SA VALENZUELA

PATULOY na dinudumog ang isang palaisdaang naging pamosong picnic pond na rin sa Dulong Tagalag, Valenzuela. Ito ay ang 3 Kids Picnic Pond na pag-aari ng mag-asawang Shiela at Enrico Candido. Dati lamang simpleng palaisdaan ang lugar hanggang maging picnic pond at maging sentro ng fishpond marketing, kung saan pwede mong bilhin ang nabingwit mong isda. Ang angler ay Ingles ng namimingwit. Ilan nang pangkat ang nagdaos ng kani-kanilang okasyon sa 3 Kids Picnic Pond, kabilang dito ang Pinoy Anglers Club, na nagdaos ng fun fishing tournaments. Kabilang sa pinaglabanan…

Read More