PATAY ang isang lalaki makaraang saksakin ng isang trike driver na dati umano nitong kaalitan sa Barangay 53, Zone 4, Tondo, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Alejandro Navajas, ng Tondo, Manila habang tinutugis naman ng mga operatiba ng Manila Police District ang suspek na si Carlo Calugay, 22, tricycle driver. Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD-Homicide Section, bandang alas-9:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Gabriela Street sa nabanggit na barangay. Nauna rito, nagkaroon…
Read MoreCategory: METRO
FEB. 9 AT 10 HOLIDAYS -MALAKANYANG
TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year. Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang Pilipino matapos magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 453 nito lamang Enero 18, na nagdedeklara ng special non-working day sa araw ng Biyernes, Pebrero 9 para sa nasabing okasyon. Karagdagan ito sa Proclamation No. 368, na may petsang Oktubre 11, 2023, na nagdeklara naman sa…
Read MoreRBH6 O PI?
TILA nilatagan ng kondisyon ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Senado na kung nais ng mga ito na mamatay ang People’s Initiative (PI) ay dapat ipasa ng mga ito ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na inakda ni Senate President Juan Miguel Zubiri. “If you want to stop People’s Initiative dead in the water, just pass the Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, ” mensahe ni House Majority Leader and Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe sa mga senador. Bukod kay Zubiri, author din…
Read MoreMARCOLETA DISMAYADO SA PAGTUTOL NG SENADO SA CONSTITUTIONAL AMENDMENTS
DISMAYADO si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa patuloy umanong pagtanggi ng Senado na maamyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constituent assembly. “For the longest time, the House of Representatives has been inviting the Senate to meet with us on a constituent assembly, and the Senate repeatedly refused us. This is on record,” ani Marcoleta na ang pinatutungkulan ay ang pagdedma ng Senado sa mga resolusyong inaprubahan ng Kamara. Ipinahayag ni Marcoleta ang kanyang pagkadismaya sa pagdalo nito sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation,…
Read MoreAFP INTEL WALANG HAWAK NA DOSSIER NA GUMAGAMIT NG DROGA SI PBBM
NILINAW rin kahapon ng Armed Forces of the Philippine na wala silang hawak na impormasyon hinggil kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na gumagamit ito ng ipinagbabawal na droga. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Col. Xerxes Trinidad, “As far as we know we don’t have that kind of information”. Sinabi rin ng AFP information officer na hindi dapat ang AFP ang tinatanong hinggil dito dahil wala umano silang mandato, “We have no mandate on checking on other people, except for our personnel that we have to conduct our…
Read MoreSENADO DAPAT NANG MAGTRABAHO
BAGAMAT mayroong pagdududa sa kakayahan ng liderato ng Senado, hinamon ni House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. na tuparin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kanyang self-imposed deadline na ipapasa ang panukalang magsusulong ng economic amendments sa Konstitusyon. “Ang worry ko lang na baka si Bro, si Sen. Migz, hindi niya makukuha ‘yung ¾ votes. Baka wala silang 18 botong makukuha dito sa RBH (Resolution of Both Houses No. 6). ‘Yun lang ang worry ko, ‘yun lang ang iniisip ko,” ani Gonzales sa isang press conference. Hinamon…
Read MorePDEA NILINIS PANGALAN NI PBBM SA DROGA
NILINIS ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at itinangging kasama ito sa drug watchlist ng ahensya. Kasunod ito ng naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na noong alkalde pa lang siya ng Davao, may ipinakitang ebidensya ang PDEA kung saan nasa listahan ang pangalan ng kasalukuyang Pangulo. Ayon sa statement na inilabas ng PDEA, naupo bilang mayor ng Davao si Duterte mula 1988 hanggang 1998; 2001 hanggang 2010 at 2013 hanggang 2016, pero ang nasabing ahensya ay na-activate lang noong 2002. Dagdag…
Read MoreROMUALDEZ SA MGA DUTERTE: ITIGIL ‘BUDOL-BUDOL STORY’
HINAMON ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sebastian Duterte na patunayan ang kanilang mga alegasyon laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ni Romualdez na maaaring ang mga sinabi ng mag-amang Duterte sa naganap na rally sa Davao City noong Linggo ng gabi ay “budol-budol stories” na naman. “Uulitin ko, tigilan nyo na ‘yung mga budol-budol n’yo ‘di ba. Dapat seryoso na tayo at igalang na lang natin ang ating Presidente na nagtatrabaho nang maigi. Masipag…
Read MoreKAMARA WALANG PLANONG BUWAGIN ANG SENADO
TINIYAK ng mga lider ng Kamara de Representantes na wala silang plano na buwagin ang Senado sa kanilang isinusulong na reporma sa Konstitusyon. Ito ang sinabi nina Rizal Rep. Jack Duavit, lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bloc sa Kamara, Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Bataan Rep. Albert Garcia, ang secretary general ng National Unity Party (NUP). Sinabi ng mga ito na ang pangamba na plano ng Kamara na buwagin ang Senado ay nasa isip lamang…
Read More