BRGY. OFF’LS ‘DI DAPAT MAKIALAM SA PIRMA CAMPAIGN – COMELEC

INIHAYAG ni Comelec Chairman George Garcia na hindi dapat makialam ang barangay officials sa signature campaign sa People’s Initiative para sa Charter change (Cha-cha). Sinabi ito ni Garcia sa “Kapihan sa Manila Bay” forum, kasunod ng magkaibang pananaw o pahayag ng ilang mga opisyal ng DILG kaugnay sa pakikilahok ng barangay officials sa People’s Initiative. Sinabi ni Garcia, unang-una ang hurisdiksyon ng Comelec ay kapag nag-file ang mga kandidato ng kanilang certificate of candidacy, at kapag sila ay naproklama. Pagkatapos aniya ng panahon na iyon, ang hurisdiksyon ay nasa DILG…

Read More

HUSTISYA SA PNP-SAF 44 MAILAP PA RIN

PINANGUNAHAN kahapon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Interior and Local Government Secretary Atty. Benhur Abalos ang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng “Mamasapano massacre” o kabayanihan ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force Commandos, sa Camp Castañeda, Silang, Cavite. Siyam na taon na ang nakalipas, nanatiling mailap pa rin ang hustisya para mga kasapi ng SAF 44 na sinasabing isinakripisyo para lamang madakip sina Malaysian terrorist Zulkifli Abdhir alias “Marwan”, at Filipino terrorist Abdul Basit Usman. “The defiant stand of the Brave 44 still echoes today. It is…

Read More

REP. NOGRALES: KABATAAN BIGYAN NG EXTRA TRAINING

HINIKAYAT ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, chairman ng House of Representatives’ labor and employment committee, ang gobyerno na maglaan ng accessible avenues para sa mga kabataan na magkaroon ng extra skills sa gitna ng tumitinding kumpetisyon sa labor market. “As we commemorate Rizal Day, I hope we will be reminded of the power of education, and how it can help our youth tackle the challenges of the future,” pahayag ni Nograles. Ipinunto ng Rizal lawmaker kung paanong ang kritikal na edukasyon ng national hero ay nagpalakas sa bayani,…

Read More

Lumambot sa mga tsuper, operator PUVMP PINASUSUSPINDE NG KAMARA KAY MARCOS

INAPRUBAHAN ng House committee on transportation ang resolusyon na nananawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na suspendihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, walang tumutol sa resolusyon ni Laguna Rep. Dan Fernandez na ipasuspinde kay Marcos ang nasabing programa. Magugunita na pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline sa consolidation ng mga prangkisa hanggang Enero 31, 2024 mula December 31, 2023 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga tsuper at…

Read More

HAMON SA DOJ: QUIBOLOY IMBESTIGAHAN

HINAMON ng kinatawan ng kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang kasong isinampa laban kay Kingdom of Jesus Christ Founder at may-ari Sonshine Media Network International (SMNI) na si Apollo Quiboloy. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang nasabing panawagan sa ahensyang pinamumunuan ni Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla matapos lumabas sa pagdinig ng Senado ang mga pang-aabuso ni Quiboloy sa kababaihan sa KOJC kasama na ang dalawang Ukrainian nationals. “Yung pumupusturang ‘Appointed Son of God’, kampon pala ni Satanas. Ilang taon…

Read More

MAHIGIT 3K DAYUHAN, HINDI PINAPASOK SA PHL NOONG 2023

INANUNSYO ng Bureau of Immigration na umabot sa 3,359 na mga dayuhan ang hinarang at pinagbawalang makapasok sa Pilipinas dahil sa pagiging hindi kanais-nais at walang kaukulang legal na mga dokumento. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kung hahayaang makapasok ang nasabing mga dayuhan, malaki ang posibilidad na maging problema sila ng gobyerno at ng mga Pilipino. “Bilang gatekeepers ng ating bansa, may tungkulin ang aming mga opisyales na tiyakin na tanging mga dayuhan na may lehitimong pakay sa kanilang pagbiyahe ang bibigyan ng pribilehiyo na makabisita sa bansa. Hindi…

Read More

‘GOVERNMENT TROLLS’ PINAIIMBESTIGAHAN SA UN RAPPORTEUR

IKINAGALAK ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdating ni United Nations Special Rapporteur (UN SR) on freedom of opinion and expression, Irene Khan sa Pilipinas para sa isang official visit. Ayon kay House deputy minority leader France Castro, napapanahon ang pagbisita ni Khan lalo na’t binubusalan ang mga Pilipino na nagpapahayag ng kanilang saloobin sa gobyerno at inaakusahang mga komunista. “We are glad that UN SR Khan is here to look into the real situation of freedom of expression in the Philippines, especially considering the challenges faced…

Read More

TASK FORCE EL NIÑO BINUHAY NG DEFENSE DEPARTMENT

BINUHAY ng Department of National Defense ang Task Force El Niño bilang paghahanda sa magiging epekto ng inaasahang paglubha ng tagtuyot sa bansa. Mismong si Defense Secretary Gilberto Teodoro ang namuno sa re-activation and reconstitution ng Task Force El Niño sa ilalim ng Executive Order No. 53, sa ginanap na pagtitipon sa Camp Aguinaldo, Quezon City kahapon. Ang pulong ay pinangunahan ni Secretary Teodoro bilang siyang chairperson ng Task Force El Nino (TFEN). Ang E.O. 53 ay naging epektibo noong Enero 19, 2024, kung saan umaktong co-chairperson ng TFEN si…

Read More

BLUMENTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCT, PAHIRAP SA VENDORS?

DISMAYADO ang mga manininda sa nadoble umanong paniningil ng butaw ng engkargado ng Blumentritt Police Community Precinct, sakop ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District. Ayon sa vendor na ayaw magbanggit ng pangalan, halos wala na silang kinikita sa kanilang paninda dahil napupunta umano sa Blumentritt PCP. “Sana ibalik na lang ‘yun dating hepe, bakit nilipat pa eh maganda naman ang ginagawa nito, saka maliit lang ang butaw ng mga vendor, ngayon halos doble,” pahayag ng isang manininda. Dahil dito, nagtatanong sila kung alam ng station commander…

Read More