48% PINOY POBRE PA RIN — SURVEY

KUMPARA sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon, mas maraming Pilipino ang naniniwalang sadlak pa rin sila sa kahirapan dulot ng kabi-kabilang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin sa merkado. Sa pinakahuling resulta ng survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS) sa huling bahagi ng buwan ng Hunyo, tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kumbinsidong pasok sila sa kategorya ng maralita. Mula sa 43% noong Abril, umakyat sa 48% ng 1,500 respondents ang nagsabing  nabibilang sila sa mahihirap na pamilya. Mula sa 34% bumaba naman…

Read More

QC TOP PERFORMING CITY – DOF

ITINANGHAL ang Quezon City bilang top performing city sa bansa sa usapin ng revenue collection, ayon sa Department of Finance’s Bureau of Local Government Finance. Sa memorandum circular ng bureau na may petsang Hulyo 29 ngunit inilathala noong Martes, ipinakita ang Quezon City na nakaipon ng mahigit P22.91 bilyong buwis noong nakaraang taon. “Ang kita sa buwis ng lungsod ay nagmula sa buwis sa real property, buwis sa negosyo at iba pang buwis, tulad ng amusement, transfer, at mga kontratista bukod sa iba pa,” sabi ng pamahalaang Lungsod Quezon noong Miyerkoles.…

Read More

47.2 PERCENT NG BARANGAY WALANG HEALTH CENTERS

SA gitna ng mga isyung may kinalaman sa kalusugan, iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng pagtatayo ng barangay health centers kasabay ng pagsusulong ng mga specialty hospital sa iba’t ibang rehiyon. Sinabi ni Cayetano na nasa 47.2 percent ng barangay sa buong bansa ang walang health centers. Ipinaliwanag ng senador na mahalaga ang papel ng mga barangay health centers para sa pagpapatupad ng mga healthcare programs. Iginiit ni Cayetano na katulad ng mga specialty hospital, mahalagang mayroon ding health centers dahil ito ay nakatutok sa pagpapanatili ng…

Read More

VETERAN NEWSMAN BAGONG DSWD USEC FOR OPERATIONS

ITINALAGA bilang undersecretary for operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang beteranong mamamahayag na si Jerico Francis L. Javier. Ang 46-anyos na si Javier, nasa industriya ng pamamahayag sa loob ng 25-taon, ay pormal na nanumpa sa tungkulin nitong nakalipas na Martes, Agosto 2. Bilang beteranong mamamahayag, nag-cover ito sa Philippine National Police (PNP) at Department of National Defense (DND) para sa pahayagang People’s Journal at People’s Tonight. Tumatak naman sa taumbayan ang isiniwalat nitong balita bilang segment producer ng TV5 sa umano’y talamak na transaksyon ng…

Read More

PINAS MAY 2 KASO NA NG CENTAURUS SUBVARIANT

DALAWANG kaso na ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA 2.75 o “Centaurus” ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa isinagawang genome sequencing. Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang dalawang kaso ay nasa Western Visayas. Ngunit kapwa nakarekober na mga ito. Isa sa kanila ang “partially vaccinated” habang ang isa ay hindi pa nababakunahan ng pangontra sa COVID-19. Patuloy na inaalam pa ng DOH ang mga impormasyon nila kabilang ang travel history, mga nakasalamuha at lagay ng kanilang kalusugan sa ngayon. Bagama’t itinuturing na mas nakahahawa kaysa ibang subvariants,…

Read More

P32-B SUPPLEMENTAL BUDGET SA SCHOOLS IPASA NA – SOLON

IGINIIT ni House Deputy Minority Leader France Castro sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa na ang kanilang resolusyon na bigyan ng P32 billion supplemental budget ang public schools upang hindi na magastusan ang mga guro sa paghahanda sa kanilang mga eskwelahan. Ginawa ni Castro ang nasabing panawagan sa liderato ng Kamara matapos simulan ng Department of Education (DepEd) ang Brigada Eskwela para ihanda ang mga paaralan bago magsimula ang school year sa Agosto 22. “Most teachers and school heads rely heavily on donations from parents to repair…

Read More

KULONG SA MALILIGO, MAGLALABA SA BANGKETA

HANGGANG anim na buwang pagkakakulong o kaya multang P30,000 ang parusang ipapataw sa mga gumagamit ng bangketa para sa kanilang negosyo at mga personal na dahilan. Sa House Bill (HB) 1252 o “Unobstructed Sidewalks Act”  na inakda ni Pangasinan 5th District Rep. Ramon Guico Jr., pagmumultahin din ng hanggang P500,000 ang local officials na mabibigong ipatupad ang batas sa kanilang nasasakupang lugar. “Public places then, such as sidewalks are not to be used for personal purpose,” ani Guico, subalit maraming bangketa aniya ngayon sa bansa ang hindi mapakinabangan ng mga tao dahil…

Read More

MAG-INA RUMAMPA SA CENTER ISLAND, 1 PATAY

CAVITE – Patay ang isang 67-anyos na babae na naka-angkas sa motorsiklo ng kanyang anak nang rumampa sa concrete center island ang kanilang sasakyan sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Parehong dinala sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mag-inang sina Gloria Benasa at Jerome Benasa, 37, kapwa residente ng Pactus Compound, Brgy. Salawag, Dasmariñas City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang una. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police, ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ni Jerome ang kanyang motorsiklong…

Read More

PAGBUBUKAS NG KLASE SA AUG. 22 KASADO NA

ALL-SET na ang pagsisimula ng School Year (SY) 2022-2023, na nakatakda ngayong Agosto 22, ayon sa Department of Education (DepEd). Sa unang araw ng Agosto ay sinimulan ang 2022 National “Brigada Eskwela” Kick-off sa Imus Pilot Elementary School sa Cavite. Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, ang pagbubukas ng klase ngayong taon ay posibleng magdulot ng kagalakan at pagkabahala sa ilang mga guro, magulang at mag-aaral. Aminado si Duterte na bukod sa COVID-19 ay maraming iniisip ang bawat isa na malaking hamon sa pang-araw-araw lalo na sa…

Read More