DOJ kumunsulta sa prison expert PAMAMALAKAD NI BUCOR CHIEF BANTAG NAPUNA

MATAPOS tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections (BuCOR) at ang kontrobersyang kinasasangkutan nito ay nakasisira sa imahe ng bansa, kumonsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international prison reform expert para sa pagbalangkas ng plano sa pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa. Ang pakikipagpulong ni Remulla kay Prof. Raymund Narag, dating inmate na nakulong ng 7 taon subalit ngayon ay associate professor na Southern Illinois University ay tila dagok naman sa pamumuno ni BuCor chief Gerald Bantag. Sinabi ni Atty. Nico Clavano…

Read More

Tauhan laglag sa drug buy-bust CALOOCAN SUB-STATION POLICE OFFICIALS, SINIBAK

IPINAG-UTOS ni Northern Police District  (NPD) Director Brig. Gen. Ulysses G. Cruz  na sibakin sa puwesto ang hepe ng Caloocan City Police Station (CCPS) Bagong Silang Sub-station (Sub-station 13) at ilan pang mga opisyal nito kasunod ng pagkakaaresto sa isa nitong tauhan sa isinagawang drug buy-bust operation sa nabanggit na lungsod noong Huwebes, Agosto 4 ng taong kasalukuyan. Ayon sa NPD, kabilang sa mga dinisarmahan ang commander ng Sub-Station 13, assistant commander, shift supervisor at team members kasunod ng pagkakaaresto sa pulis na kinilalang si P/Cpl. Mark Jefferson Lopez, 30, ng Samson Road, Caloocan City.       …

Read More

SKILLED WORKERS NG NAVOTAS NADAGDAGAN PA

TULOY sa pagdami ang skilled workers ng Navotas City matapos ang virtual graduation ng 198 technical at vocational trainees ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute noong Biyernes. Sa mga nagtapos, 12 ang nakakumpleto at nagkamit ng national certification (NC) II para sa Shielded Metal Arc Welding; 10, Dressmaking; 13, Housekeeping; 16, Massage Therapy, at 13, Hairdressing. Bukod dito, 15 trainees ang nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II, at tig-16 para sa Barista at Food and Beverages NC II. May 25 karagdagang trainees din na nakakumpleto ng…

Read More

21 PULIS KINASUHAN SA PAGKAMATAY NG KABARO

PORMAL nang sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang 21 pulis ng 503rd Maneuver Platoon, Regional Mobile Force Battalion 5 na itinuturing na responsable sa pagkamatay ng kabarong pulis na si Jaypee De Guzman Ramores noong Hulyo 26, ayon sa PNP Police Regional Office 5. Isinampa ang kaso sa Masbate prosecutor’s office nitong Huwebes. Ayon kay Police Major Malou Calubaquib tagapagsalita ng Bicol PNP, isinugod sa Ticao District Hospital si Ramores noong July 22 nang mag-collapse ito matapos umanong magsagawa ng noontime road run sa bayan ng San Jacinto.…

Read More

SQUADRON NG PAF RESERVISTS PLANONG BUUIN SA PASIG

BUMISITA sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga pinuno ng 1st Air Force Wing Reserve (AFWR) ng Philippine Air Force sa pamumuno ni Wing Commander BGen. Charito Plaza upang hikayatin ang pamahalaan lungsod ng Pasig City na mabuo ang squadron ng mga reservist. Layunin nito na palakasin ang paghahanda at kasanayan ng mga laang kawal lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sakuna. Kabilang sa mga opisyales ng AFRW na dumalo sa pulong sina LtC Ritza Ann Jovellanos-Commanding Officer, LtC Donald Lim, Major Cesar Pareja, 2Lt…

Read More

10 MOBILE ATM MACHINES INILUNSAD SA MAYNILA

PINANGUNAHAN nina Mayor Maria Sheilah “Honey Lacuna- Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul” Nieto ang paglulunsad ng 10 ATM mobile machines ng Landbank sa Rajah Solaiman, Malate, Manila. Nakibahagi sa programa si Landbank Director Virgilio Robles at pangulo ng Leasing and Finance Corporation at CEO Michael Arañas, Land Bank Executive vice President Alex Lorayes; Alan Bornas, Carel Halog, Vice President Randolf Montesa at iba pang mga panauhing pandangal. Inasistihan naman ni Retired General Romeo Sapitula, chief Security ng Land Bank ang paglulunsad ng mobile ATMs. Layunin ng grupo na…

Read More

LALAKI NAG-SUICIDE SA NAIA DEPARTURE AREA

PALAISIPAN sa mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagpapakamatay ng isang 26-anyos na lalaki na tumalon sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAA) Terminal 1 noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Michael Laureno, 26, tubong Barangay Sto. Niño, South Cotabato, at nagtratrabaho bilang helper sa Sto. Tomas, Batangas. Batay sa report ng mga awtoridad, nadala pa ang biktima sa Pasay City General Hospital ngunit binawian ng buhay sa naturang pagamutan. Sa kasalukuyan, hindi pa malaman ang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima. Sinisikap naman…

Read More

PULIS, 1 PA NATIKLO NG PDEA SA P3.4-M SHABU

UMABOT sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3,400,000 ang halaga ang nakumpiska mula sa isang aktibong pulis at kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA RO-NCR noong Huwebes ng hapon sa Caloocan City. Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR, Northern District, sa panulukan ng Zabarte Road at Camarin Road, Brgy. 172, Caloocan City na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek. Batay sa report ng mga operatiba kay RO-NCR Regional Director Christian O. Frivaldo, sa ilalim ng direktiba ni Director General Wilkins M. Villanueva,…

Read More

250 KASO NG EJK HINIHIMAY NG NBI

ISINASAILALIM na sa masusing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 250 pang kaso ng “extra-judicial killings”. “Prior to our assumption to office there are 250 other cases referred to the NBI by Secretary [Menardo] Guevarra and the NBI is working on them,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Nilinaw pa nito na ang 250 kaso ay iba sa 52 kaso na unang isinumite ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice. Sa naunang 52 kaso, sinabi ni Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na anim na ang nabasura…

Read More