DISMAYADO ang mga senador nang makumpirma na malaking porsyento ng kita ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay napupunta sa dibidendo ng mga shareholders nito. Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy kaugnay sa operasyon ng NGCP, iprinisinta ng NGCP ang kanilang financial statements. Sa datos noong taong 2019, lumalabas na sa P20.3 billion na net income o kita ng NGCP ay nasa P15 billion ang napunta sa dibidendo na katumbas ng halos 75 percent ng kita ng kumpanya. Tugon naman ni NGCP Asst. Corporate Secretary Atty. Ronald…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Sa Degamo murder KATOTOHANAN ‘DI MATANGGAP NI REMULLA
(RUDY SIM) TILA hindi umano matanggap ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang katotohanan sa malagim na Pamplona massacre na ikinamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ito ay matapos ang magkakasunod na pagbawi ng testimonya ng apat sa 11 suspek sa nasabing krimen na nagdidiin kay Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Sinabi ni Remulla na kumpiyansa pa rin ang DOJ na maipapanalo nila ang isinampang kaso ng National Bureau of Investigation laban kay Teves sa kabila ng pagbaliktad sa naunang testimonya ng apat na suspek at pagsisiwalat…
Read MoreGMA, ROMUALDEZ NAGPLASTIKAN?
TINGIN ng mga miron, nagplastikan lang sina House Speaker Martin Romualdez at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa kanilang pagtatagpo noong Lunes. Ito ay dahil tikom ang bibig ni Arroyo nang tanungin kung nagkaayos na sila ni Romualdez. Sa isang chance interview, tumangging magsalita si Arroyo sa nasabing isyu at maging sa nilagdaan ng kanilang partidong Lakas-CMD sa PDP-Laban na ‘partnership agreement’. Ang tanging sagot ni Arroyo ay naglabas na ito ng pahayag noong nakaraang linggo kung saan itinatanggi nito na may plano siyang palitan si Romualdez bilang House Speaker…
Read MoreItinuro sa importasyon ng asukal PBBM NILAGLAG NI PANGANIBAN
(DANG SAMSON-GARCIA) NAGBIGAY-BAWI si Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa pagtuturo kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa pag-aapruba ng importasyon ng asukal sa ‘selected importers’. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sinasabing iregularidad sa importasyon ng asukal nitong Pebrero, sinabi ni Panganiban na ipinag-utos ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng National Economic Development Authority ang importasyon bunsod ng tumataas na inflation rate. Nangyari anya ito matapos ang meeting ng Pangulo sa binuong Inter-Agency Group na nagbabantay sa galaw ng suplay at presyo ng pagkain at mga…
Read MoreWALA PANG NATUTUPAD, BBM NANGANGAKO NA NAMAN – NETIZENS
KANTYAW ang inabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga netizen na nakapanood sa kanyang Tweet na nag-aanunsyo ng topic ng kanyang bagong vlog. Sa tweet ng Presidente nitong Mayo 20, ganito ang nakasaad: BBM VLOG 242: Ang Init!! Sa isang #BagongPilipinas, sapat at murang kuryente ang handog natin para sa lahat! Ngunit sinopla ito ng mga netizen dahil yun naunang pangako ng Pangulo na magiging P20 ang kada kilos ng bigas ay hindi pa nito nabibigyang katuparan. Wala pa umanong natutupad sa mga naunang ibinida ay nangangako na…
Read MoreSOLON PUMIYOK SA TENSYON SA KAMARA
INAMIN ng isang mambabatas sa Kamara na may tensyon sa mababang kapulungan ng Kongreso. “Hindi tayo makapag-speculate pero meron talagang tensyon,” ani Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo Bongalon sa isang panayam subalit hindi ito nagbigay ng karagdagang impormasyon. Magugunita na noong Miyerkoles ng gabi ay tinanggal bilang Senior Deputy Speaker si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo o pangalawa sa pinakamataas na lider ng Kamara. Dahil dito, kumalat ang impormasyon na may planong ikudeta ni Arroyo ang kanyang kapartido sa Lakas-CMD na si House Speaker Martin Romualdez, bagay na itinanggi…
Read MorePERA NG MGA OBRERO ‘ISUSUGAL’ NI BBM
(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T nasa alanganin ang global financial system, nais pa ring isugal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pera ng mga obrero. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pahayag dahil nakatakdang ipasa ng Senado ang kanilang bersyon sa Maharlika Investment Funds (MIF) kung saan kabilang sa huhugutan ng pondo ang pera ng mga manggagawa sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Pag-IBIG fund at PhilHealth. Ang mga nabanggit na financial institution ay literal na pag-aari ng mga obrero dahil sa kanilang buwan-buwang kontribusyon.…
Read MoreSEX OFFENDERS BINALAAN
BINALAAN ni Undersecretary Janella Ejercito Estrada ng National Authority for Child Care (NACC) ang mga sex offender kasunod ng pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulations ng R.A. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act. “Ilang taon din tayong nangapa kung paano ba talaga mapipigilan ang sexual crimes laban sa mga bata gamit ang ICT at digital world. Nakakadismaya noon dahil tila wala tayong magawa maski sa mga online sex crimes na mga magulang mismo ang may gawa…
Read MorePanukala sa Senado DEATH PENALTY SA PULIS, POLITIKONG SANGKOT SA DROGA
NAIS ni Senator Robin Padilla na isulong ang parusang kamatayan sa mga alagad ng batas at sa mga halal na opisyal na masasangkot sa operasyon ng ilegal na droga. Batay sa Senate Bill 2217, aamyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang ilagay ang probisyon na mapatawan ng death penalty ang sinomang officer o member ng AFP at PNP o kahit ano pa mang uniformed o law enforcement agency. Parusang kamatayan din ang ipapataw sa mga elective local o national official na mapatutunayang nakinabang sa drug trafficking o tumanggap…
Read More