(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa man nakaka-isang taon sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., biyak na ang kanilang Uniteam ni Vice President Sara Duterte kaya hindi malayong manganib ang kanyang administrasyon. Ganito ang basa ni ACT party-list Rep. France Castro matapos tuluyang masira ang Uniteam nang patalsikin bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Kamara si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. Sa press conference ng Makabayan bloc, sinabi ni Castro na may dahilan kung bakit tinanggal si Arroyo at hindi lamang ito prerogatibo ng liderato ng Kamara. “Ang tinitingnan natin…
Read MoreCategory: NASYUNAL
TUBIG, KURYENTE TIPIRIN – PBBM
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko at local government units na magtipid sa paggamit ng tubig at power resources dahil sa pagharap ng Pilipinas sa El Niño ngayong taon. “The Philippines’ power demand far exceeds the supply in the country, and the 35 percent decrease in rainfall has already affected several dams, irrigation systems and hydroelectric power plants,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang YouTube vlog. “Ang DILG inatasan natin na paratingin sa mga LGU ang kampanya natin sa pag-mitigate ng impact ng El Niño gaya ng pagtitipid…
Read MoreARTIKULO SA GAMOT SA HYPERTENSION FAKE NEWS – DOH
BINALAAN ng Department of Health (DoH) ang publiko kaugnay sa kumakalat na maling artikulo tungkol sa gamot para sa hypertension. Nilinaw rin ng DoH, na ang nasabing post ay hindi aprubado o rekomendado ng ahensya at na affiliated agencies nito. Pinaalalahanan din ng ahensya ang lahat na ang non-communicable diseases at comorbidities tulad ng hypertension ay maiiwasan. Paalala nito, ugaliin ang health habits at healthy lifestyle gaya ng tamang diet at ehersisyo bukod sa iba pa. Siguraduhin din na regular na magpatingin at komunsulta sa doktor upang maiwasan magkasakit. Patuloy…
Read MoreMARCOS CRONIES PANALO SA AMYENDA NG EPIRA
WALANG mapapala ang mga hilahod na konsyumer sa isinusulong na amyenda ng Department of Energy (DOE) sa Republic Act 9163 na mas kilala sa tawag na EPIRA Law. Para kay House deputy minority leader France Castro, tanging mga crony ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang makikinabang sa sandaling amyendahan ang ilang tampok na probisyon sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA). Ganito inilarawan ni House deputy minority leader France Castro ang panukala na idinepensa ni DOE Undersecretary Sharon Garin sa House committee on energy (DOE) kamakalawa.…
Read MoreGMA SINIBAK BILANG SENIOR DEPUTY SPEAKER
(BERNARD TAGUINOD) HINDI totoong nais lang mabawasan ang trabaho ni dating pangulo at ngayo’y House deputy speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya tinanggal ito bilang “Senior Deputy Speaker” kundi sinibak ito. Ayon ito sa ilang mambabatas sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan matapos alisin si Arroyo bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Kamara kasunod ni House Speaker Martin Romualdez. Ang pananaw ng mga impormante ay base sa pahayag ni Arroyo na “It’s the prerogative of the House” hinggil sa pagkakatanggal sa kanya bilang Senior Deputy Speaker bago natapos ang…
Read MoreMGA KONGRESISTA AYAW NANG PUMASOK SA KAMARA?
HINDI pinalusot ng isang militanteng kongresista ang mga kapwa mambabatas na aniya’y biglang naglaho sa plenaryo pagkatapos ng roll call. Para kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng grupong Gabriela, halos mabakante ang buong plenaryo dahil sa aniya’y kawalan ng physical quorum para sa itinakdang pagtalakay ng mga priority bills na isinusulong ng Palasyo. “Mr. Speaker, I would like to ask, how can we be like this? We are talking of a national framework on the national land use bill and there is no physical quorum right now,” ani…
Read MoreGOBYERNO DAPAT MAGKAROON NG PERMANENTE AT MALINAW NA ESTRATEHIYA SA ISYU SA WEST PH SEA
NAIS ni Senador Alan Peter Cayetano na bumalangkas ang gobyerno ng malinaw na estratehiya o mga hakbagngin upang mapangalagaan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. Sa ngayon, puna ni Cayetano ay walang malinaw na paraan ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo dahil tuwing magpapalit ng administrasyon ay nababago din ang estratehiya ng bansa. Napansin ng senador na sa mga naupong Pangulo, mayroong pro-China, anti China, pro-US at anti-US. Ibinabala ng senador na kung ganito palagi ang sistemang paiiralin sa West Philippine Sea ay tiyak na “recipe” ito sa tuluyang…
Read MoreSRP NG DA SA SIBUYAS WALANG SILBI
MAITUTURING na propaganda lang ang suggested retail price (SRP) na nais ipatupad ng Department of Agriculture (DA) sa sibuyas upang maibaba ang presyo nito sa merkado dahil walang parusang laan sa lalabag dito. Ito ang lumalabas sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on agriculture and food sa hoarding, price manipulation at cartel sa sibuyas na naging dahilan para tumaas ang presyo nito ng hanggang P750 kada kilo noong Disyembre. Sa pagtatanong ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., kinumpirma ni Bureau of Plant Industry (BPI) director Glenn Panganiban na naghahanda…
Read MoreECONOMIC SABOTAGE SA GOV’T OFFICIALS NA KASABWAT NG AGRI SMUGGLERS
NAIS ni Senador Risa Hontiveros na papanagutin sa kasong economic sabotage ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na nakikipagsabwatan sa agricultural smugglers. Sa kanyang Senate Bill No. 2205, nais ni Hontiveros na amyendahan ang mga probisyon ng Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act upang i-criminalize ang government employees and officials na mapatutunayang nakikipagkuntsaba sa large-scale agricultural smugglers. Pinuna ng senadora na simula nang ipatupad ang batas noong 2016, wala pa ring napapanagot sa kasong agricultural smuggling kahit marami na ang mga nasasabat na smuggled products. Alinsunod…
Read More