HINILING ni Senator Raffy Tulfo sa Senate Blue Ribbon Committee na siyasatin ang posibilidad ng katiwalian sa ilang proyekto ng National Irrigation Administration o NIA. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Tulfo na mula 2017 hanggang 2022, umabot sa kabuuang P121 billion ang nailaan ng gobyerno para sa irrigation development and restoration projects. Gayunman, karamihan anya sa mga proyekto ng NIA na naumpisahan mahigit limang taon na ay hindi pa rin natatapos kung saan ang ilan ay hindi man lang gumana kahit taon na ang lumipas mula nabigyan ng Notice…
Read MoreCategory: NASYUNAL
MGA PULIS SA SHABU COVER-UP WALANG ‘BALLS’ – BATO
NAPIKON si Senate committee on public order and dangerous drugs Chairman Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa ilang pulis na dumalo sa pagdinig kaugnay sa sinasabing cover-up sa nakumpiskang P6.7 billion na droga sa lungsod ng Maynila. Tinawag pa ni dela Rosa na walang ‘balls’ ang mga pulis makarang magturuan kung kanino nanggaling ang impormasyon na naging sanhi ng operasyon laban kay dating P/Staff Sergeant Rodolfo Mayo. Hindi rin napiga ng mga senador ang mismong sangkot sa operasyon ng droga na si Mayo makaraang ilang ulit nitong igiit ang kanyang right…
Read MoreSOLON: AGRI SECTOR ‘DI AASENSO KAY BBM
(BERNARD TAGUINOD) HUWAG nang umasang aasenso pa ang sektor ng agrikultura kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Reaksyon ito ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro matapos aprubahan ni Marcos Jr. ang pag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal na karagdagan sa mga naunang inangkat. “It would be a monumental task indeed for the agricultural sector to improve when the default position of the Marcos administration thru the Department of Agriculture (DA) is to import agricultural products,” ani Castro. Imbes aniyang tutukan ang pagpapaunlad sa…
Read MoreMGA DATING ADIK SASANAYIN NG TESDA
UPANG tuluyang maiiwas sa kanilang bisyo, magkakaroon ng programa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga dating drug dependent. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 7721 o “An Act Mandating the TESDA to Design and Implement Technical-Vocational Education and Training and Livelihood Programs Specifically for Rehabilitated Drug Dependents” na pinagtibay ng Kamara. Sa botong 260 pabor at walang tumutol, lumusot ang nasabing panukala sa ikatlo at huling pagbasa na magbibigay pag-asa sa mga dating drug addict na magkaroon ng hanapbuhay. Base sa panukala, magtataga ang…
Read MoreMGA PULIS SA DRUG WAR NILAGLAG NA NI DUTERTE
MISTULANG inabandona na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis matapos isisi sa mga ito ang mga pag-abuso sa war on drugs ng kanyang administrasyon. Ganito inilarawan ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares ang pag-amin ni Duterte na maraming pang-aabuso sa war on drugs subalit hugas-kamay ito. “Ex-president Duterte’s admission that Pres. Ferdinand Marcos is right that abuses were committed during Duterte’s anti-drug campaign but only blamed his subordinates in the PNP for these, is practically abandoning the PNP while absolving himself of these abuses,” ani Colmenares.…
Read MoreIMPORTASYON NG ASUKAL MULING PINAKAKASA NI BBM
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang karagdagang importasyon ng asukal kasunod ng rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na i-stabilize ang presyo at palakasin ang stock ng bansa. “We agreed to additional importation of sugar to stabilize the prices. Maximum amount will be 150,000 MT but probably less,” ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang SRA na pinangungunahan ni Acting Administrator Pablo Luis Azcona at Board Member Ma. Mitzi Mangwag, kinatawan ng millers. Dumalo sa nasabing pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Presidential Legal…
Read MorePresyo ng sibuyas hindi maibaba BBM NANGANGAMOTE BILANG DA SECRETARY
(CHRISTIAN DALE) HINDI pa rin masolusyunan ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa kabila ng ikinasang importasyon kamakailan. Ang DA ay pinangangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pansamantalang kalihim. Ayon sa DA, pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat para mapababa ang presyo ng sibuyas. Sa isang panayam, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na sila sa onion farmers para matukoy kung paano nila maibababa ang farm gate price, na kasalukuyang nasa P100 hanggang P120 kada…
Read MoreDAR KAKALAMPAGIN NG GRUPO NG MAGSASAKA
KAKALAMPAGIN ng grupo ng mga magsasaka ang Department of Agrarian Reform (DAR) ngayong Lunes, Mayo 15 sa kanilang isasagawang kilos protesta dahil sa kabiguan ng ahensya na ipatupad ang tunay na repormang agraryo sa lalawigan ng Negros Occidental. Nabatid sa grupong ECJ CLOA Holders and Farm Workers Association (ECHAFAWA), samahan ng mga magsasaka sa Negros Occidental, nabigo umano ang programa ng pamahalaan na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil patuloy pa rin hawak ng iilan ang malalawak na lupain sa naturang lalawigan. Sa isang interbyu, sinabi ni Joel Nochepo, President…
Read MorePresyo tumataas na naman BBM ADMIN PATULOY AANGKAT NG SIBUYAS
(BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang gobyerno partikular na ang Department of Agriculture (DA) na tumigil sa pag-angkat ng sibuyas. Ganito ang pagtaya ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa pinakahuling pagdinig ng House committee on agriculture and foods kaugnay ng hoarding, price manipulation at cartel ng sibuyas na naging dahilan kaya umabot sa P750 kada kilo ang presyo nito noong Disyembre. “While the investigation has to come up with concrete recommendations, the Marcos Jr. administration continues to insist on onion importation,” pahayag ni Brosas. Imbes aniya na paunlarin ng DA…
Read More