DROGA BUMABAHA PA RIN SA PINAS

(BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA ang chairman ng House committee on dangerous drugs na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tuloy-tuloy ang pagdating ng mga imported na droga sa bansa. Patunay aniya rito ang nakumpiskang 575 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4 Billion mula sa Chinese national na si Hui “Tan” Ming sa Baguio City noong Miyerkoles. “Oo tuloy-tuloy ang pag-iismuggle dito sa Pinas nyan. Ang pagkakahuli ng malaking volume ng droga ay patunay na pinapalusot ito sa atin mga ports,” pahayag ni Barbers. Dahil dito, iminungkahi ng…

Read More

PAGLULUNSAD NG PROGRAMA LABAN SA MALNUTRISYON PINANGUNAHAN NI PBBM

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) na may temang “Better Bodies and Minds.” Sa naging talumpati sa nasabing event sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na committed ang kanyang administrasyon na mamuhunan sa 110-million strong population ng bansa, kinokonsiderang “main drivers” ng ekonomiya. Binigyang- diin ni Pangulong Marcos na kailangang hasain ng gobyerno ang mamamayan para maging “industrious, potent at productive Filipinos”, na malakas at matatag, matiisin sa kahirapan upang mabuhay nang matagal at i-enjoy ang buhay. “This is the…

Read More

Hiring ng teachers nagawa nina PNoy, PDu30 – solon NPA ‘DIVERSION’ NI SARA SA PROBLEMA SA EDUKASYON

MISTULANG ginagamit ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang sinasabing pang-aatake ng New People’s Army (NPA) para iiwas ang usapin sa problema sa edukasyon. Sinupalpal ng kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list na si Rep. France Castro si Duterte sa kanyang pahayag na ‘hindi makatotohanan at imposible” ang mungkahi ng nasabing grupo sa pagkuha ng karagdagang 30,000 guro kada taon hanggang 2028. Naniniwala si Castro na iniiwas ni Duterte ang usapin sa kakulangan ng guro at silid-aralan na nagpapalala sa kalagayan ng edukasyon…

Read More

KINATAWAN NG ICC NAIS IPATAWAG SA SENADO

POSIBLENG ipatawag ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang kinatawan ng International Criminal Court o ICC. Ito ay kaugnay sa ikakasang imbestigasyon sa resolution na humihiling sa Senado na depensahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisiyasat ng ICC na may kinalaman sa inilunsad na drug war noong nakaraang administrasyon. Sinabi ni Senador Francis Tolentino na nais niyang malaman muna sa kinatawan ng ICC ang iginigiit nitong kulang sa pleading ng Office of the Solicitor General kaya’t ibinasura ang apela para suspendihin ang pagsisiyasat. Kasabay nito, kinumpirma ni…

Read More

Sa laban sa ICC – Colmenares BUWIS NI JUAN ‘WAG LUSTAYIN KAY DUTERTE

HINDI dapat ginagastusan ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan ang pagdepensa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). Ginawa ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares ang pahayag kasabay ng pagbubunyi na tinabla ng ICC Appeals Chamber ang kahilingan ng Marcos-Duterte administration na suspendihin ang imbestigasyon sa war on drugs ng dating pangulo. “We reiterate our demand that the Philippine government withdraw any use of public funds for the defense of ex-president Duterte considering the budget deficit and extreme economic conditions that the country…

Read More

PNP KINALAMPAG SA KIDNAPPING NA INUUGNAY SA POGO

KINALAMPAG ng ilang senador ang Philippine National Police upang muling busisiin ang pagkakasangkot ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa mga insidente ng kidnapping at iba pang krimen. Ito ay sa gitna ng karumal-dumal na pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessman na posible umanong may kinalaman sa operasyon ng POGO. Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na lumabas na sa mga naunang imbestigasyon na ginagamit ang POGO para sa pagpasok ng mga criminal syndicate sa bansa. Iginiit ng senador na dapat muling suriin ng PNP ang mga aktibidad ng POGO…

Read More

GOBYERNO NAGPABAGSAK SA SEKTOR NG PAGSASAKA

SA halip tulungan upang umunlad ang kanilang buhay, gobyerno mismo ang naging dahilan ng pagbagsak ng kabuhayan ng mga magsasaka. Ito ang pahayag ng women’s peasant group na Amihan, kaugnay ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang magsasaka at mangingisda ang pinakamahirap na sektor sa lipunan. Ayon kay Zenaida Soriano, chairperson ng Amihan National, mula 2019 nang ipatupad ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law (RTL), nalugmok lalo sa kahirapan ang mga magsasaka. Nawalan kasi aniya ang mga ito ng tinatayang P261 billion mula 2019 hanggang…

Read More

Pagsasanib ng Landbank at DBP nilarga ni PBBM JOBLESS PINOY MADARAGDAGAN

(CHRISTIAN DALE) MADARAGDAGAN na naman ang bilang ng mga walang trabaho ngayong inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP). Kaugnay ito sa layunin ng pamahalaan na pagtitipid. Sa pagtaya ng gobyerno, aabot sa P5.3 bilyon sa unang taon at aabot naman sa P20 bilyon para sa unang apat na taon ang maisusubi sa nasabing pagsasanib. Sa Malacanang Press briefing, sinabi Finance Secretary Benjamin Diokno na target nilang maipatupad ang merging bago matapos ang taon.…

Read More

Hangga’t dedma si Marcos Jr. KAHIRAPAN TITINDI PA

HANGGA’T dinededma o hindi pinakikinggan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang suhestiyon ng mga magsasaka at mangingisda, mamamatay na mahirap ang mga ito. Reaksyon ito ni dating congressman Rafael Mariano sa resulta ng survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mga mangingisda at magsasaka ang pinakaprobre sa bansa. “Palaging pinakamahirap pa rin ang mga magsasaka dahil walang tunay na reporma sa lupa at walang tunay na pag-unlad ng kanayunan at industriyalisasyon ng rural economy,” ani Mariano, chairman emeritus ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Sa datos na inilabas ng…

Read More