TODO-DEPENSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatalaga kay General Andres Centino bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang katwiran ng Pangulo, kailangan “i-rationalize” ang seniority sa military. “We are rationalizing seniority. Andy Centino has four stars and Bob Bacarro had three stars,” ayon sa Pangulo na kasalukuyang nasa Switzerland para dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos. “So we need to adjust that so as not to cause confusion below,” dagdag na wika nito. Pinalitan ni Centino ang unang naitalagang si Lieutenant General Bartolome Bacarro.…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Sa pagkakalat ng fake news BADOY, SMNI NI QUIBOLOY KAKASUHAN
MATAPOS paratangang extortionist ang militanteng hanay ng mga guro, patong-patong na kasong kriminal ang nakatakdang isampa ni ACT partylist Rep. France Castro laban kay dating National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NFT-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy at isang nagpakilalang miyembro ng komunistang grupo. Bukod kay Badoy, pinag-aaralan na rin ani Castro ang pagkaladkad sa Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy na nagsilbing presidential spiritual adviser ni former President Rodrigo Duterte. “We will file necessary legal remedies,” ani Castro laban sa Badoy at isang nagngangalang Jeffrey…
Read MorePBBM pinagbibitiw sa DA FARMERS: IMPORTASYON TRABAHONG TAMAD
(BERNARD TAGUINOD) HABANG nasa biyahe si President at Department of Agriculture Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama ang 70 iba pa para para dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland, sumugod ang mga magsasaka sa kanyang tanggapan upang iprotesta ang mataas na presyo ng mga bilihin. Sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, iprinotesta rin ng mga raliyesta ang anila’y patuloy na pag-iimport ng mga produktong agrikultura tulad ng sibuyas na itinuturing nilang ‘trabahong tamad’. “Solusyon ng tamad ang importasyon. Ang dapat palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain,…
Read MoreEX-SOLON KAY PBBM: WATCH YOUR BACK
NAGLABAS ng kanyang unsolicited advice si dating Congressman at Bayan Muna chairperson Neri Colmenares kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos n itong muling italaga ang mga heneral ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “Watch your back.” Ang babala ni Colmenares sa Pangulo matapos nitong italaga bilang National Security Adviser ang dating Interior and Local Government secretary ni Duterte na si Eduardo Año. Si Año ang ikatlong tinaguriang “Duterte general” na itinalaga ni Marcos sa defense key position ng kanyang administrasyon kasunod nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of…
Read MoreMORE INVESTORS TARGET NI PBBM SA SWITZERLAND
LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Davos, Switzerland ngayong Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa World Economic Forum (WEF). Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya. “The World Economic Forum is hosting a Country Strategy Dialogue for us where we are given the opportunity to promote the Philippines as leader and driver of growth and a gateway to the Asia-Pacific region –…
Read MorePRICE HIKE SA IBA PANG PRODUKTO HINIRIT
ASAHAN na ang pagtaas din ng presyo ng sardinas, meat loaf, corned beef, kape at sabon matapos humirit sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer nito. Nakatanggap na ang DTI ng notice of price adjustment mula sa mga ito ngunit pinag-aaralan pa umano nila ito. Pagsusumikapan nila na maging reasonable ang presyo para sa kapakanan ng mga mamimili. Agosto 2022 nang huling magpalabas ang DTI ng suggested retail price (SRP) guide para sa ilang items. Samantala, noong Biyernes, magkasamang binisita nina DTI Secretary Alfredo Pascual at Senador…
Read MoreLoyalty pinagdududahan ng solon PBBM ‘DI NAKASISIGURO SA ‘DUTERTE GENERALS’?
(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG pinagdududahan ang loyalty ng mga tinaguriang “Duterte Generals” sa kanilang bagong among si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagbalik sa kanila sa puwesto. Duda si House deputy minority leader France Castro dahil sa unang pitong buwan pa lamang ni Marcos ay tatlong generals na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naibalik sa kapangyarihan. Kasunod ito ng pagtatalaga kay dating Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser kapalit ni Prof. Carlita Carlos. Unang nakabalik sina Carlito Galvez bilang bagong Secretary ng Department…
Read MoreMAHARLIKA FUND IBIBIDA NI PBBM SA SWITZERLAND
ILALATAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang Sovereign Wealth Fund sa pagbisita nito sa Davos, Switzerland sa susunod na linggo. Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta, kabilang ang wealth fund sa tatalakayin ng Pangulo sa World Economic Forum (WEF) na nakatakda mula Enero 16 hanggang 20. “It’s really more of a soft launch, to introduce it,” ani Sorreta sa press briefing. “I understand it is evolving, we have the fullest respect for the Congressional process, and the open hearings that they’re having, and how to work out the…
Read More167 LUGAR LUBOG PA RIN SA BAHA
NAKALUBOG pa rin sa tubig baha ang nasa 167 lugar sa Southern Luzon at Visayas. Ito ang Inihayag ni Diego Agustin Mariano, head ng joint information center ng Office of the Civil Defense sa Laging Handa public briefing sa harap ng nararanasang Low Pressure Area o LPA, 380 km East ng Surigao City. Sinabi ni Mariano na mayorya ng mga lugar na lubog sa baha ay nasa Region 8, mayroon din sa Region 9, Region 6, 3, 5, Mimaropa maging sa BARMM. Kung pag-uusapan aniya ang mga apektadong pamilya, ito…
Read More