(BERNARD TAGUINOD) KUNG may dapat sisihin sa pagbagsak ng sektor ng mga magbubukid, sila’y walang iba kundi sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal Arroyo, ayon sa militanteng grupo ng mga magsasaka. Ayon kay dating party-list Rep. Rafael Mariano, na tumatayong chairman emeritus ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, sa ilalim ng panunungkulan bilang pangulo nina Duterte at Arroyo naitala ang pinakamataas na antas ng onion importation. Sa pagbaha ng supply ng sibuyas, unti-unti rin aniyang tumamlay ang lokal na industriya bunsod ng bagsak-presyong halaga ng sibuyas sa mga pamilihang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SENADOR MAY BABALA SA PAGLULUWAG SA NAIA
HINDI dapat isakripisyo ng airport authorities ang kaligtasan ng mga pasahero kapalit ng pagiging kumbinyente at mabilis na proseso sa pagpasok sa mga paliparan. Ito ang binigyang-diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kaugnay sa naging aberya sa Ninoy Aquino International Airport noong Enero a-uno. Sinabi ni Go na napansin niyang inalis sa NAIA ang first layer ng security check o ang Xray machines sa pagpasok sa terminals. Para kay Go, dahil sa pinaluwag na seguridad sa paliparan, tila naghihintay ang lahat ng…
Read MoreSa gitna ng problema at intriga SWITZERLAND TRIP NI PBBM TULOY
(CHRISTIAN DALE) HINDI mapipigilan ng mga kontrobersya at problemang kinakaharap ngayon sa bansa ang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggo sa Davos, Switzerland. Ito ay matapos kumpirmahin ng Palasyo na tutungo ang Chief Executive sa nasabing bansa para dumalo sa 2023 World Economic Forum. Nauna nang inimbitahan si Marcos Jr. ni World Economic Forum founder and Executive chairperson Klaus Schwab nang sila’y magkita sa ASEAN Summit sa Phnom Penh, Cambodia. Ang nasabing annual meeting ay makapagbibigay ng oportunidad sa bansa para muling mabigyang diin na “open for…
Read MorePAGKUKUMPUNI SA SCHOOLS SA MISOR PINAPAPASPASAN NI PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) sa Misamis Oriental na ipinag-utos na niya ang pagpapalabas sa P3 milyon na gagamitin para kumpunihin ang napinsalang school buildings dahil sa baha sa nasabing lalawigan. “If the LGUs can take the load, we can send you the three million plus immediately. Kasi ito ‘yung nakalista dito, for the school buildings,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang situation briefing sa Gingoog City, Misamis Oriental. “I’m talking about the school buildings for the repair. Yeah do it. By administration…
Read MoreLIFESTYLE CHECK SUNOD NA IKAKASA SA PNP
SASALANG sa lifestyle check ang may 956 Philippine National Police (PNP) senior officers na tutugon sa apelang paghahain ng courtesy resignation ng Department of the Interior and Local Government. Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, dadaan sa lifestyle check ang mga police colonel at general bilang bahagi ng pagsisikap ng PNP na linisin ang organisasyon sa mga tiwaling opisyal na may kaugnayan sa kalakaran ng droga. Ang lifestyle check ay bahagi ng pag-aaral na gagawin ng 5-man panel na siyang susuri sa mga rekord ng mga opisyal ng…
Read MoreSolon sa CAAP, DOTr HINDI LANG SORRY, MAGBAYAD KAYO!
(BERNARD TAGUINOD) HINDI sapat ang salitang sorry para maabswelto ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa kahihiyang tinamo ng bansa at perwisyong dulot sa humigit kumulang 56,000 bunsod ng kapalpakan sa operasyon ng paliparan noong Enero 1. Bukod sa CAAP, nanawagan din si House Minority Leader Rep. Bernadette Herrera sa Department of Transportation na tumbasan ng danyos ang perwisyong inabot ng mga apektadong byahero. “Apology without compensation is insufficient,” ani Herrera, kasabay ng giit na kapalpakan ang tanging dahilan sa likod ng aberya sa NAIA. “The government can…
Read More‘LOYALTY CHECK’ SA MGA SUNDALO HINDI KAILANGAN
KUMPIYANSA ang mga bagong talagang Armed Forces Chief of Staff Gen. Andres Centino at Defense Secretary Carlito Galvez sa katapatan ng mga sundalo sa nakaupong Pangulo. Sa sabayang pagharap nina Centino at Galvez sa Joint AFP-DND New Year’s Call na sinundan pa ng AFP Command Conference sa Kampo Aguinaldo, hayagang iwinasiwas ng mga bagong talagang opisyal ang umuugong na balita hinggil sa di umano’y loyalty check sa hanay ng mga sundalo. Sa halip na “loyalty check,” mas pinili nina Centino at Galvez na bigyang-pansin ang pagsusulong ng mas mataas na…
Read MoreTELCOS KINALAMPAG SA DEADLINE NG SIMREG
KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang lahat ng telecommunication companies na patindihin ang kampanya sa pagpaparehistro ng lahat ng mobile phone subscriber ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) alinsunod sa itinakda ng batas na magtatapos sa Abril 26, 2023. Sa pahayag, sinabi ni Poe, awtor at isponsor ng SIM Card Registration Act, na kailangan palakasin pa ng telcos ang kampanya sa paghimok na magparehistro ang mobile phone users ng kanilang SIM card bago matapos ang deadline na itinakda sa batas. “No amount of days will be enough if most of…
Read MoreCentino unang hinirang na Ambassador 2 PWESTO NG AFP CHIEF DAPAT IPALIWANAG NG PALASYO – BIAZON
(CREMA LIMPIN) SA gitna ng usap-usapan ng di umano’y kudeta, isang panawagan ang hirit ng isang retiradong heneral sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – personal na linawin ang dahilan sa likod ng urong-sulong na pagtatalaga ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa isang panayam sa telebisyon, hayagang hinamon ni dating Senador Rodolfo Biazon Sr. na minsang nanungkulan bilang AFP Chief of Staff, ang Palasyo na plantsahin ang pagkadismaya ng mga sundalo kung nais pahupain ang pag-aalimpuyo ng ilang dismayadong opisyal ng sandatahan. “This situation requires…
Read More