IT-BASED JOBS SA MGA PINOY DADAGSA

UMAASA ang top diplomat ng Pilipinas sa China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa Filipino customer service providers. Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Pilipino na makakuha ng “technology at technological knowledge” mula sa China, inaasahan ni Ambassador Jaime FlorCruz na ang Chinese companies ay magsisimulang tumanggap ng mga pilipino bilang kanilang backbone para sa customer support. “Call center po halimbawa. Marami pong Chinese…

Read More

Maniobrang pulitika? ‘DUTERTE GENERALS’ NAGBABALIK

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG nagtagumpay ang political maneuver ng mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos maibalik sa pwesto ang tinaguriang “Duterte Generals” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Lalo ring luminaw ang dahilan kung bakit tinanggap ni Marcos ang pagbibitiw ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez maging ang pagsibak sa unang appointees na pinaghihinalaan ng paksyon sa Malacañang na konektado sa dating “little president”. “The supposed game of the generals happening now at the Department of National Defense (DND) and the Armed Forces of the…

Read More

PCC WALANG SILBI SA KARTEL NG SIBUYAS

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG natutulog sa “sibuyasan” ang Philippine Competition Commission (PCC) dahil hindi nila nagawa ang tungkulin na sugpuin ang kartel na nagdudulot ng labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa bansa. Sa kanyang House Resolution (HR) 681 na nag-aatas sa House committees on economic affairs at committee on trade and industry na imbestigahan ang posibleng kartel sa sibuyas, pinuna ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang PCC sa hindi pag-aksyon sa nasabing problema. Ipinaliwanag ng mambabatas na itinatag ang Republic Act (RA) 10667 o Philippine Competition Act (PCA) para…

Read More

FAUSTINO NAGBITIW, GALVEZ PASOK SA DND

TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of National Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. Tinanggap naman ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang posisyon bilang Defense secretary. “It is with deep regret that the President has accepted the resignation of DND OIC Sr. Usec. Jose Faustino Jr.  The President has offered the position of DND Secretary to Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Sec. Carlito Galvez Jr. and he has accepted,” ayon kay PCO OIC Sec.…

Read More

PAGPAPABUTI SA TRANSPORT SYSTEM TINIYAK NI PBBM

DESIDIDO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ituloy ang pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas. Sa Metro Manila Subway Project Launching ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, siniguro ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno para mag- invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa. Mas marami pa aniyang proyekto ang kanilang itutulak sa mga susunod na taon sa gitna ng target nila na magkaruon ng mas madaling access ang publiko sa kanilang trabaho, pagnenegosyo at iba pang lugar na mapupuntahan gamit ang maganda at maayos na…

Read More

KUDETA PAPABOR KAY VP SARA

(BERNARD TAGUINOD) HINDI ang mga tinaguriang “dilawan” ang makikinabang kapag nagkaroon ng kudeta at mapatalsik ang kasalukuyang administrasyon kundi ang pangalawang pangulo. Ito ang nilinaw ng isang miyembro Liberal Party (LP) na hindi na nagpabanggit ng pangalan kasunod ng umano’y ‘internal conflict” sa Armed Forces of the Philippines (AFP). “Under the law of succession, yung sitting vice president ang papalit kapag nagkaroon ng coup at matanggal ang presidente,” paglilinaw ng opisyal sa nasabing partido. Si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang nakaupong bise presidente ni…

Read More

PRESYO NG SIBUYAS SA PINAS ‘PANG-GUINNESS’

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE) MAAARI nang mailagay sa Guinness World Records ang Pilipinas bilang bansa na may pinakamahal na sibuyas sa buong mundo bukod sa asukal. Sa isang TV interview kay Albay Rep. Joey Salceda, inamin nito na ang presyo ng sibuyas sa bansa ngayon ang pinakamahal sa buong mundo matapos itong umabot sa P720 kada kilo noong Disyembre. “We now have the world’s most expensive domestic onion prices. We have some of the world’s most expensive domestic sugar prices,” ani Salceda, chairman ng House committee on ways and means. Dahil…

Read More

HUSTISYA SA PINAS PINUNA NG SOLON

LALONG lumakas ang duda ng publiko na ang hustisya ay para sa mayayaman at makapangyarihan lamang. Ito ang pahayag ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil sa bilis ng pag-usad ng kaso ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Remulla III habang libu-libo ang nananatili sa kulungan dahil sa bagal ng paglilitis sa mga ito. “Di tuloy natin masisi ang karamihan sa ating mga kababayan na mag-isip na ang batas at hustisya sa Pilipinas ay nakakiling sa mga mayayaman at makapangyarihan samantalang…

Read More

‘Wag sanang mauwi sa kudeta – solon ‘INTERNAL CONFLICT’ SA AFP NAKABABAHALA

(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may nangyayaring “internal conflict” sa kanilang hanay, labis pa rin itong ikinabahala ng isang mambabatas sa Kamara. “Nakakabahala ang ganitong mga sinasabing ‘squabblings’ sa loob ng AFP dahil kung may ganito ay maaaring magkaroon na naman ng mga coup d’etat tulad nung dati at magkaroon uli ng sandamakmak na human rights violations at pagdanak ng dugo,” ani House Deputy Minority Leader France Castro. Noong Sabado ng hapon ay kumalat ang impormasyon na nagkaroon ng mass resignation sa Department…

Read More