SSS PABABABAIN ANG LOAN INTEREST, SELF-EMPLOYED COVERAGE

(Ni Tracy Cabrera) DILIMAN, Lungsod Quezon — Sa pagnanais na mapaigting ang kanilang serbisyo sa mga pensyonado, nakatakdang pababain ng Social Security System (SSS) ang interest rates sa salary at calamity loan program nito at gayun din sa self-employed coverage. Sa talatang inilabas nito, hinayag ng SSS na inaasahan nilang maipapatupad ang pagbabawas sa loan interest at self-employed coverage ngayong taon upang mapadaling sundin ng mga pensyonado ang mga requirement at iba pang proseso ng beripikasyon na kailangang isumite. Ayon kay SSS president at chief-executive-officer Robert Joseph De Claro, pinag-aaralan…

Read More

COMELEC NAG-ABISO HINGGIL SA ABSENTEE VOTING

INABISUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga piling indibidwal kaugnay sa local absentee voting na itinakda sa Abril para sa 2025 elections. Sinabi ng Comelec na lahat ng government officials at empleyado kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at media practitioners kasama ang kanilang technical at support staff na pansamantalang naka-assign para gampanan ang kanilang election duties o para ikober ang pagsasagawa ng halalan, ay maaring ma-avail ang local absentee voting para sa botohan ngayong taon. Ang government officials…

Read More

9-ANYOS TOTOY MALUBA SA RESBAK SA AWAY-BATA

NASA malubhang kalagayan ang 9-anyos na batang lalaki matapos barilin ng isa sa tatlong suspek bilang ganti sa ginawa umanong pagbugbog ng biktima sa kapwa bata sa Navotas City. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas “Angelo”, residente ng Market 3, Brgy. NBBN, matapos isailalim sa operasyon sa tama ng bala sa dibdib na tumagos sa likod. Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Navotas City Police Station ang hinihinalang gunman na si alyas “Aljhun”, 31, ng Brgy. NBBS Proper, habang hinahanap pa ang dalawa…

Read More

3 OBRERO ARESTADO SA RAPE SA ESTUDYANTE

ARESTADO na ang tatlong construction workers na sangkot sa panggagahasa sa isang estudyante sa Pasig City, sa operasyong isinagawa ng mga operatiba ng Pasig City Police Station Intelligence Section kasama ang RIU-NCR, NISG-NCR, RMFB4A 404th A Maneuver Company at iba pang unit. Ayon sa report na tinanggap ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kusang isinuko sa mga awtoridad ng mga kamag-anak ang mga suspek noong Pebrero 13, 2025, dakong alas-12:50 ng hapon napagkasunduang lugar sa P. Gomez Street, Brgy. San Jose, Pasig City. Kinilala ang mga…

Read More

GRAB RIDER INARESTO SA ATTEMPTED HOMICIDE

INARESTO ng mga operatiba ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District ang isang 47-anyos na Grab driver sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted homicide noong Huwebes ng hapon sa Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si “Rolando” residente ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Donald Panaligan, hepe ng Theft and Robbery Section, kay Police Lieutenant Damaso Burgos, OIC ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD), bandang alas-5:55 ng hapon nang matunton ang suspek sa Herbosa Street sa Tondo. Inaresto ang…

Read More

WATER PHILIPPINES PRESS CONFERENCE & EXHIBITOR BRIEFING

WATER PHILIPPINES, the leading international water supply, sanitation, industrial wastewater treatment, and purification event, is set to take place from 19 to 21 March 2025 at the SMX Convention Centre in Pasay City. This year’s theme, “Shaping the Future of Water Management”, is of paramount importance as the Philippines strives to enhance water security, improve resource management, and ensure accessible, high-quality water for all. (Photo by ITOH SON) 51

Read More

5 PATAY SA MATINDING BAHA SA PALAWAN

(JESSE KABEL RUIZ) LIMA katao ang iniulat na nasawi sanhi ng malawakang pagbaha sa bayan ng Aborlan sa lalawigan ng Palawan dulot nang walang tigil na pag-ulan dala ng nararanasang epekto ng shear line. Ayon sa inisyal na ulat ng local disaster response team, narekober ang katawan ng limang namatay matapos matangay ng baha sa Aborlan noong gabi ng Linggo, Pebrero 9. Samantala, isang bata ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Rescue team mula sa insidente. Sa kasalukuyan, unti-unti nang humuhupa ang baha sa 24 barangay na…

Read More

200 PAMILYA APEKTADO NG SUNOG SA CALOOCAN

NASA 200 pamilya ang nawalan ng tahanan at ari-arian makaraang tupukin ng apoy sa Caloocan City, Miyerkoles ng madaling araw. Dakong alas dos ng madaling araw nang magising ang mga residente ng Kawal Purok 5, Barangay 28 dahil sa biglaang paglaki ng apoy na agad kumalat at tumupok sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials. Tumagal ng mahigit apat na oras ang sunog bago ganap na naapula. Bagamat naging mabilis ang pagresponde ng mga bumbero ay nahirapan ang mga ito na pasukin ang nasabing lugar dulot ng…

Read More

AMERIKANO BUMULUSOK MULA SA 8TH FLOOR NG CONDO

PATAY ang isang American national matapos umanong mahulog mula sa ika-walong palapag ng isang condominium sa Valenzuela City. Kaagad nalagutan ng hininga ang biktimang si alyas “Robert” 59, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos bumagsak sa lobby ng naturang condo. Lumabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente, Lunes ng alas-9:40 ng umaga sa Tower A Condominium, Isabelle de Valenzuela, Brgy. Marulas. Batay sa pahayag sa pulisya ng 52-anyos na lady guard ng condominium na si alyas “Anita”, laking gulat na lang niya nang bumagsak…

Read More