MULING nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa mga residente ng coastal communities kaugnay ng posibleng pagbagsak ng rocket debris mula sa rocket na inilunsad ng China. Pinayuhan ng PhilSA ang mga residente sa coastal communities na agad ireport sa lokal na awtoridad ang anumang hinihinalang debris matapos makumpirma ang paglulunsad ng China sa Long March 8A rocket nitong Miyerkules ng gabi. Ayon sa PhilSA, inilunsad ang rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, bandang alas-9:33 ng gabi, Philippine time. Batay sa scientific calculations ng ahensya,…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
MATUGAS ITINUTULAK NATIONAL LAND USE ACT, IKINATUWA AKSYON NG SENADO
ITINUTULAK ni Surigao del Norte 1st District Representative Francisco “Lalo” Matugas ang pagpasa ng National Land Use Act (NLUA), kasabay ng pagtanggap sa patuloy na pagtalakay ng Senado sa panukalang ilang dekada nang isinusulong sa Kongreso. Si Rep. Francisco “Lalo” Matugas, chairman ng House Special Committee on Land Use at principal author ng House Bill No. 8466, ay nagsabing pagkakataon ang deliberasyon ng Senado upang higit pang mapahusay ang panukalang pambansang balangkas sa paggamit ng lupa. “Lubos nating pinahahalagahan ang seryosong pagtalakay ng Senado sa matagal nang panukalang ito. May…
Read MoreCONFIDENTIAL FUNDS NG DOJ, HINILING NA IBALIK SA 2026 LEVEL
HINILING ng Department of Justice (DOJ) sa Senado na ibalik sa 2026 level ang confidential funds ng ahensya upang hindi maapektuhan ang mga operasyon nito sa 2027. Sa budget hearing ng Senado nitong Huwebes, sinabi ni Justice Secretary Fredderick A. Vida na nais ng DOJ na mapanatili ang humigit-kumulang ₱1.1 bilyong confidential funds ngayong taon sa halip na ang nakatakdang humigit-kumulang ₱579.4 milyon para sa 2027. “Ang amin pong hiling sana maibalik man lang yung 2026 level para hindi maapektuhan nang malaki ang aming mga operasyon,” pahayag ni Vida. Ayon…
Read MoreCAYETANO KINUWESTIYON ANG HURISDIKSYON, ‘TIMING’ NG IMPEACHMENT COURT SA PAGREPASO NG VOTE THRESHOLD
KINUWESTIYON ni Senator-judge Alan Peter Cayetano ang hurisdiksyon at timing ng Impeachment Court sa pagrepaso sa voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Cayetano nitong Miyerkules, Setyembre 23, ang Supreme Court ang dapat magpasya sa usapin ng voting threshold at dapat sana itong nalutas bago pa man naipasa ng Senado ang rules para sa impeachment trial. Ginawa ni Cayetano ang pahayag habang nagpapatuloy ang talakayan ng Impeachment Court sa bilang ng mga botong kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte. Dinidinig…
Read More3 PASAHERO ARESTADO SA P18.6M KUSH SA NAIA
NASAMSAM ang P18,679,000 halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o kush sa anim na bagahe ng tatlong pasaherong mula sa Bangkok, Thailand nang dumating ang mga ito sa NAIA Terminal 3 nitong Huwebes, Setyembre 24. Sa isinagawang physical examination at X-ray screening ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) 6) sa mga bagahe na umano’y naglalaman ng foodstuff, ito ay natuklasang may lamang hinihinalang high-grade marijuana o kush. Lumalabas sa paunang pagsusuri na nasa humigit-kumulang 18,679 gramo ng hinihinalang kush ang nakumpiska na tinatayang P18,679,000 ang halaga. Patuloy…
Read MoreKahit magkaroon ng ‘aregluhan’ DOJ KUMPIYANSANG MAAARESTO SI ATONG ANG
KUMPIYANSA ang Department of Justice (DOJ) na madadakip at maghihimas ng rehas na bakal si gambling tycoon Charlie “Atong” Ang kaugnay ng missing sabungeros. Reaksyon ito ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon nang matanong ng media sa posibleng kahinatnan ng kaso sa civil aspect matapos mawalan ng ganang dumalo sa pagdinig ang karamihan ng pamilyang nagsampa ng kaso laban sa tinaguriang pugante. Tiniyak ni Fadullon na malabong maapektuhan ang kaso sa kabila ng sinasabing aregluhan. Nasa kamay na ng law enforcement agencies ang operasyon para matunton ang kinaroroonan nito…
Read MoreP10.16-B OP BUDGET, LUSOT NA SA HOUSE PLENARY
Pormal nang tinapos ng House of Representatives ang plenary deliberations para sa panukalang P10.16-bilyong pondo ng Office of the President (OP) para sa 2027. Ayon kay House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson at Bataan Rep. Albert Garcia, na nagsilbing budget sponsor sa plenaryo, karamihan sa pondo ng OP ay nakalaan para sa operating expenses, kabilang ang ₱7.46 bilyon para sa maintenance and other operating expenses (MOOE). “This is an office that tightened its own belt before asking our people or any agency,” ani Garcia. Mas mababa ng 64.02% ang…
Read MoreKARAMIHAN SA PAMILYA NG MISSING SABUNGEROS, ‘DI NA NAKIKIPAG-UGNAYAN SA DOJ
ISA-ISA nang nawawala sa komunikasyon ang mga kaanak at pamilya ng mga missing sabungeros na nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban kay gambling tycoon Charlie “Atong” Ang at iba pang respondents. Ito ang kinumpirma ni DOJ Prosecutor General Anthony Fadullon, na nagsabing hindi na makausap ng mga prosecutor ng DOJ ang karamihan sa mga pamilyang dati nang pursigidong ituloy ang mga kaso kaugnay sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. “Napansin namin na unti-unti nawawala na yung complainants at totally hindi na nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan sa…
Read MoreSHOW CAUSE ORDER VS VIRAL RIDING IN TANDEM
SINUSPINDE ng Land Transportation Office o LTO ng 90-araw ang lisensya ng isang rider na umano’y bumato sa batang sakay ng tricycle sa Antipolo City, Rizal. Naglabas din ang LTO ng Show Cause Order laban sa rider at kanyang backrider, na inatasang humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office sa Setyembre 29 para magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang dokumento. Naka-alarm status naman ang motorsiklo habang isinasagawa ang kaukulang proseso, at maaari ring tuluyang bawiin ang lisensya ng rider kung mapatutunayang hindi siya karapat-dapat…
Read More