10 NASAGIP SA SEX DEN SA LAGUNA, BUGAW TIKLO

NAILIGTAS ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung kababaihan, kabilang ang apat na menor de edad sa isinagawang operasyon laban sa umano’y sex trafficking sa San Pablo City, Laguna. Isang lalaki ang naaresto sa operasyon at kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI. Ayon sa NBI, isinagawa ng NBI-Calabarzon Regional Office ang operasyon noong Pebrero 12 sa Barangay Sta. Veronica, San Pablo City. Lumabas sa imbestigasyon na umano’y ibinibenta ang mga biktima sa halagang P3,000 kapalit ng serbisyong sekswal. Naglatag ng entrapment operation ang mga awtoridad na nagresulta…

Read More

‘FRANCIS LEO MARCOS’ NAKA-LIVE NA INARESTO SA PATUNG-PATONG NA KASO

INARESTO ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group–NCR ang vlogger na si Norman Mangusin, mas kilala bilang “Francis Leo Marcos,” sa loob ng Sheraton Hotel nitong Martes. Hinuli si Mangusin habang naka-live sa kanyang social media page at nanananghalian. Nag-ugat ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Parañaque City RTC Branch 294 na konektado sa multiple counts ng unjust vexation. “I confirm that Norman Mangusin, also known as Francis Leo Marcos, was arrested today by the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group…

Read More

DOJ TINANGGAP ANG KARAGDAGANG EBIDENSIYA NG NBI LABAN KAY JINGGOY

TINANGGAP ng Department of Justice (DOJ) ang mosyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsumite ng karagdagang ebidensiya at bagong mga respondent sa reklamong plunder kaugnay ng umano’y flood control scandal laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pa. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inihain ang mosyon sa isinagawang preliminary investigation nitong Lunes. Binigyan ng mga piskal ang NBI hanggang Pebrero 26 upang maibigay sa mga respondent ang kopya ng mga dagdag na ebidensiya. Kapag natanggap ito, may hanggang Marso 9 ang mga respondent upang magsumite ng…

Read More

2 SUSPEK SA ‘BASAG-KOTSE’ ARESTADO SA FOLLOW-UP OPERATION NG QCPD

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamamagitan ng Pasong Putik Police Station 16, ang dalawang suspek na sangkot sa insidente ng “basag-kotse” sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Sa ilalim ng superbisyon ni QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio, kinilala ni PLtCol. Gemmer Tubiera, Station Commander ng PS 16, ang mga suspek sa mga alyas na “Regie,” 34, residente ng Pasong Tamo, at “Justin,” 29, residente ng Brgy. Kaligayahan. Batay sa ulat, dakong alas-3:55 ng madaling araw noong Pebrero 17, 2026, binasag ang bintana ng gray na Toyota…

Read More

NBI CHIEF KAY ROQUE: UMUWI AT HARAPIN MGA KASO SA PH

HINIMOK ng bagong talagang National Bureau of Investigation (NBI) Director na si Atty. Melvin Matibag si dating presidential spokesperson Harry Roque na umuwi ng Pilipinas at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng isyu ng human trafficking sa POGO hub. “Come home and face all the charges,” pahayag ni Matibag matapos ang courtesy call sa Department of Justice (DOJ). Nauna nang sinabi ni Roque na ang pagkakatalaga kay Matibag sa NBI ay gantimpala umano sa paghahain nito ng disbarment complaint laban sa kanya kaugnay ng “polvoronic” video.…

Read More

Tiniyak ni Mayor Isko P66.8-M ALLOWANCES MATATANGGAP NA NG MANILA LGU EMPLOYEES

TINIYAK ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mababayaran na ngayong linggo ang naantalang sahod ng Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel mula sa Manila Health Department at mga ospital na pinatatakbo ng lungsod para sa Enero 2026. Ito ay matapos ianunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa Monday flag raising ceremony, ang pagpapalabas ng P66,821,000 bilang clothing allowance para sa mahigit 9,000 kawani ng pamahalaang lungsod. Sinabi ni Domagoso, makatatanggap ng P7,000 bawat isa ang 8,543 regular na empleyado bilang kanilang clothing allowance para sa 2026. “Imbes…

Read More

PEOPLE POWER 40 KICK-OFF CONCERT, NILAHUKAN NG HIGIT 20,000

MAHIGIT 20,000 katao ang dumagsa sa Quezon Memorial Circle para sa People Power 40 Kick-Off Concert na nagsilbing makulay na panimula sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Batay sa pagtaya ng pamahalaang lungsod ng Quezon City, lumobo sa higit 20,000 ang dumalo sa event na inorganisa ni Mayor Joy Belmonte at ng Mayors for Good Governance, kasama si Senador Bam Aquino at ang Kaya Natin! Movement. Sa temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon,” tampok ang pagtatanghal ng mga mang-aawit, rock bands, rappers, comedians at dance groups…

Read More

REP. ZAMORA HUMIRIT NG DAGDAG-PONDO SA FLOOD CONTROL

HINILING ni Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora sa administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang karagdagang pondo para sa flood control projects matapos mapatunayang epektibo ang mga ito sa gitna ng matinding pag-ulan dulot ng shear line na tumama sa malaking bahagi ng Mindanao. Ayon kay Zamora, malaki ang naitulong ng mga proyekto lalo na sa paligid ng Kalaw Bridge sa kahabaan ng Agusan River sa bayan ng Monkayo, Davao de Oro. “We’re proud to say na yung ating mga flood control projects dito sa ating distrito ay…

Read More

LONG-TERM SOLUTIONS KONTRA BAHA TINATRABAHO NA

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko nitong Sabado na aktibong tinatrabaho ng kanyang administrasyon ang mga pangmatagalang solusyon upang matugunan ang problema sa pagbaha sa bansa. Pinangunahan ng Pangulo ang inspeksyon sa nagpapatuloy na operasyon sa ilalim ng Oplan Kontra Baha sa Sagop Creek sa Barangay Triangulo, Naga City. Ininspeksyon din niya ang Barangay Concepcion Pequeña. “This is only the beginning. Ito, desiltation lamang ito. Kagaya ng mga ginagawa natin sa ibang lugar, this is not going to be one time,” pahayag ng Pangulo matapos ang inspeksyon.…

Read More