PNP MAY LEAD NA SA ITINANIM NA BOMBA SA DOJ, SENADO

INIHAYAG ng Philippine National Police na meron na silang sinusundang lead sa itinanim na improvised explosive devices sa Department of Justice sa Maynila at sa Senado sa Pasay City noong Hulyo 27, araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay PNP chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., tuloy-tuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa dalawang insidente. Nauna nang sinabi ni Nartatez na isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad ay ang posibilidad na magkaugnay ang dalawang insidente.…

Read More

Bomb scare sa Senado IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE NAKITA SA INABANDONANG ‘PACKAGE’

TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang anomang uri ng intimidasyon ang maaaring makahadlang sa trabaho ng Senado para sa mamamayan. Ginawa ito ng Senate leader kasabay ng pagkondena sa pagtatangkang maghasik ng pananakot malapit sa Senado sa gitna ng State of the Nation Address ng Pangulo. Inatasan ni Gatchalian ang Office of the Sergeant-at-Arms na makipag-ugnayan sa Philippine National Police at sa Explosive Ordnance Disposal unit para sa pagsisiyasat sa natagpuang package malapit sa Senado na naglalaman ng improvised explosive device. Nanawagan din si Gatchalian sa PNP at…

Read More

Sa ikalawang regular na sesyon 5 PANGUNAHING USAPIN TUTUTUKAN NG SENADO

PORMAL na binuksan kahapon sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian ang 2nd regular session ng 20th Congress bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (DANNY BACOLOD) LIMANG pangunahing usapin ang tututukan ng Senado sa ikalawang regular na sesyon ng 20th Congress upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng publiko. Sa kanyang opening speech, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na prayoridad ng Senado ang mga isyu sa presyo ng mga pangunahing bilihin, sahod, hanapbuhay, imprastraktura at transportasyon. Tiniyak ni Gatchalian na isusulong…

Read More

DEAF EMPLOYEES, PINARANGALAN NG PHLPost

MAYNILA, Pilipinas — Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week mula Hulyo 17 hanggang 23, pinararangalan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang mga empleyado nitong bingi na sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at propesyonalismo ay nakatulong sa pagpapalakas ng operasyon ng koreo at nagsisilbing patunay ng matagal nang kultura ng inklusibong pagtatrabaho sa ahensiya. Nakatalaga sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, ang mga empleyadong ito ay gumaganap ng mahahalagang tungkulin tulad ng pagproseso, pag-uuri at paghahanda sa pagpapadala ng mga liham at parsela, gayundin ng…

Read More

DAPAT WALANG PULITIKA SA DOH – ALAN

UMAASA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magiging simula ng malalaking reporma ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos kay Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. bilang bagong Secretary ng Department of Health (DOH). Sinabi ni Cayetano na naniniwala siyang mapalalakas ni Pujalte ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino. “I really have high hopes that the new Secretary will do major reforms and will really lay the foundation for better health services and care,” pahayag ni Cayetano. Kasabay nito, iginiit ng senador na dapat mailayo ang DOH sa pulitika upang…

Read More

PAGPUTOL NG MGA PUNO SA MAYNILA IPINATITIGIL SA KORTE SUPREMA

NAGSAGAWA ng pagkilos ang mga grupo ng mga estudyante sa Korte Suprema upang hilingin ang pagpapatigil sa pagputol ng mga puno sa Maynila kaugnay ng planong pagtatayo ng Southern Access Link Expressway (SALEX). Naghain ng petisyon ang mga estudyante upang pigilan ang San Miguel Corporation (SMC) sa pagputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard bilang bahagi ng proyekto. Ayon sa isa sa mga petitioner na si Joaquin Bautista, humiling sila sa Korte Suprema na magpalabas ng Temporary Environmental Protection Order (TEPO) laban sa SMC SALEX…

Read More

DEATH PENALTY SA PLUNDER ISINUSULONG NG VACC

ISINUSULONG ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan para sa kasong plunder. Ayon kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista, maituturing na pagsabotahe sa ekonomiya ang pagnanakaw ng pondo ng bayan kaya nararapat lamang na patawan ito ng pinakamabigat na kaparusahan. Inamin ni Evangelista na mahirap maisulong ang panukala dahil maaaring maapektuhan maging ang mga mambabatas, ngunit iginiit niyang kinakailangan na itong isabatas. Kinuwestyon din niya ang umano’y pagmaniobra ng ilang opisyal ng pamahalaan sa isyu ng flood control scandal. Aniya, tila may pagtatangkang hindi…

Read More

2 SUSPEK SA PAGPATAY SA LADY VLOGGER, HAWAK NA NG PNP

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na nasa kustodiya na nila ang dalawang suspek sa pagpatay kay Alicia Lipata sa Caloocan City. Ayon kay PNP-Public Information Office chief, PCol. Allen Rae Co, naaresto ang gunman na kinilalang si alyas “MS” at driver ng motorsiklo na si alyas “JA”. Sinabi ni Co, naaresto ang mga suspek sa ikinasang manhunt operation nitong Huwebes ng umaga sa Mabalacat, Pampanga. Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang hand grenades, caliber .45 at 9mm pistol. Samantala, nasampahan na rin ang mga suspek ng kasong murder, at…

Read More

3 GRUPO PINAYAGAN MAG-RALLY SA IKA-5 SONA NI PBBM

PATULOY ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 27. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co na tatlong grupo pa lamang ang nabigyan ng permit upang magsagawa ng rally sa araw ng SONA. Kabilang dito ang grupong BAYAN, na magsasagawa ng kilos-protesta sa harap ng St. Peter Parish Church sa Commonwealth Avenue mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Pinayagan din ang…

Read More