MAHIGIT 7K BAGONG PULIS NANUMPA

SABAY-SABAY na nanumpa nitong Miyerkoles ang mahigit sa 7,000 pulis bilang bahagi ng pagpapalakas ng hanay ng Philippine National Police ngayong taon. Sinabi ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang 5,100 ay kabilang sa attrition quota habang nasa 2,000 naman ang regular recruitment quota para sa 2026. May paalala naman ang hepe ng Pambansang Pulisya sa mga bagong pulis na maging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin. Naging mahigpit ang proseso sa mga bagong recruit kabilang ang sistemang faceless, contactless at nameless para maiwasan ang paboritismo sa recruitment. Samantala,…

Read More

IPO PROSPECTS NG MYNT INC. POSITIBO; PRESYO, MAAARING MAS MABABA SA P10

NANANATILING positibo ang ilang financial analyst sa inaabangang Initial Public Offering (IPO) ng Mynt Inc., ang parent company ng GCash, kahit inaasahang maaaring mas mababa sa P10 ang magiging final offer price nito. Ayon kay BDO Capital President Eduardo Francisco, maaaring nasa P7.50 hanggang P8.50 kada share ang magiging presyo ng IPO, mas mababa sa maximum na P10 kada share. Sinabi ni Francisco na maaaring magbigay ito ng mas mababang entry point para sa mga investor sakaling ma-lista at magsimulang i-trade ang shares ng kumpanya. Samantala, sinusuportahan umano ng independent…

Read More

PADILLA KAKASTIGUHIN NG DOJ SA PAGTULONG MAKATAKAS SI ‘BATO’

KAKASTIGUHIN ng Department of Justice (DOJ) si Senator Robinhood Ferdinand Carino Padilla matapos siyang padalhan ng subpoena kaugnay ng umano’y pagtulong niya kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na makatakas sa Senate building noong Mayo 13, 2026. Nahaharap si Padilla sa reklamo sa ilalim ng Presidential Decree No. 1629 o kasong obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders. Iniuugnay ang reklamo sa umano’y pagtulong ni Padilla kay Dela Rosa na makalabas ng Senate building habang kasagsagan ng putukan noong Mayo 13. Batay sa CCTV footage, nakita umanong kasama ni…

Read More

REMULLA, TUTULAK SA FRANCE PARA HADLANGAN ASYLUM BID NI ZALDY CO

NAKAPLANO ang biyahe ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa France upang tutulan ang iniulat na asylum bid ng puganteng dating Ako-Bicol party-list Representative Zaldy Co. Sa press briefing nitong Martes, Setyembre 15, kinumpirma ni Remulla na nasa France si Co at humihiling ng asylum. Ayon kay Remulla, layunin niyang kumbinsihin ang mga awtoridad ng France na hindi dapat pagkalooban ng asylum si Co at sa halip ay ibalik ito sa Pilipinas upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. “Batay…

Read More

KONGRESISTA HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA OMBUDSMAN

TINIYAK nina Surigao del Norte 1st District Representative Francisco “Lalo” Matugas at dating kinatawan Francisco “Bingo” Matugas II ang kanilang kahandaang makipagtulungan sa Office of the Ombudsman kaugnay ng mga alegasyong iniuugnay sa Mahayhay-Tuburan Road project sa Del Carmen, Surigao del Norte. Ayon sa mag-ama, iginagalang nila ang mandato ng Ombudsman na imbestigahan ang mga alegasyon laban sa mga pampublikong opisyal at handa silang sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanila. Iginiit nina Matugas na dapat suriin ang mga alegasyon batay sa buong rekord ng proyekto at hindi lamang sa…

Read More

Para sa BARMM election BUONG MINDANAO NAKA-FULL ALERT

(TOTO NABAJA) INILAGAY na rin ng Philippine National Police (PNP) sa pinakamataas na alerto ang buong Mindanao nitong Lunes, Setyembre 14, kasabay ng idinaraos na kauna-unahang BARMM Parliamentary Election. Nauna nang isinailalim sa full alert status ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) dahil sa halalan. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., naka-full alert na rin ang mga Police Regional Offices sa Regions 9, 10, 11, 12 at 13 hanggang sa katapusan ng Setyembre. Magtatagal ang election period sa BARMM hanggang Setyembre 29. Nauna nang inanunsyo ng…

Read More

2 PULIS, 3 PA ARESTADO SA SLOT FOR SALE SA PNP

TIMBOG ang limang indibidwal kabilang ang dalawang aktibong pulis, sa ikinasang entrapment operation sa Pampanga. Sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, ibinunyag ni PNP chief, PGen. Melencio Nartatez Jr., inaresto ang lima kabilang ang dalawang aktibong pulis, sa umano’y extortion scheme na tumatarget sa mga aplikante ng PNP. “Huwag natin gawing negosyo ang ating uniporme,” bahagi ng talumpati ni Nartatez. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, nakabatay sa merit, qualification at integrity ang recruitment sa PNP, at walang slot na ibinebenta o ipinangangako. Makaraang…

Read More

ACTING VICE MAYOR PWEDENG UMAKTONG PRESIDING OFFICER NG SP – OMB REMULLA

NILINAW ni Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla na kasama sa tungkulin ng isang Acting Vice Mayor ang pagiging presiding officer ng Sangguniang Panlungsod. Ang paglilinaw ay ginawa ni Remulla kasunod ng mga tanong tungkol sa awtoridad ni San Pablo City Acting Vice Mayor Shaira Aliyah Diaz. Nagsimula ang isyu matapos suspendihin ng Ombudsman sina San Pablo City Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr. at Vice Mayor Justin Colago. Dahil kapwa suspendido ang dalawang halal na opisyal ng lungsod, umiral ang kaukulang order of succession kung saan naging Acting Mayor si First…

Read More

Mga Obispo tutol sa kontrobersyal na kasunduan ng SOCOTECO II at Ignite

Sumali na rin ang Simbahang Katolika sa lumalakas na pagtutol laban sa panukalang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) at Ignite Power and Energy Holdings na suportado nina Enrique Razon at Manny Pacquiao. Sumulat ang dalawang obispo kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla upang hilingin ang preventive suspension ng mga miyembro ng Board of Directors ng SOCOTECO II. Sa isang liham noong Setyembre 1, nanawagan sina Obispo Cerilo Casicas ng Diyosesis ng Marbel at Caritas Philippines President Obispo Gerardo Alminaza ng Diyosesis…

Read More