KOMPREHENSIBONG PLANO PARA SA FOOD SECURITY

EDITORIAL LUMABAS sa pagtataya ng United States’ Department of Agriculture (USDA) na inaasahang mangunguna pa rin ang Pilipinas bilang rice importer sa buong mundo sa 2025. Sakali, ito ang ikatlong magkakasunod na taon na mananatiling nasa unahan ang Pilipinas sa pag-angkat ng bigas. Base sa report ng USDA Economic Research Service, 4.2 million metric tons ang inaasahang aangkatin ng Pilipinas sa susunod na taon upang matugunan ang lumalaking kakailanganin para sa dumaraming populasyon. Kakailanganin ang komprehensibong plano sa pagsusulong ng seguridad ng pagkain at sariling kakayahan para paunlarin ang lokal…

Read More

DAHIL ‘YAN SA KORUPSYON

DPA ni Bernard Taguinod KUNG walang katiwalian hanggang sa ibaba ay hindi basta-basta makapapasok ang mga dayuhan na kuwestiyonable ang mga pagkatao at maging ang kanilang mga gagawin sa ating bansa ay hindi maisasakatuparan, kaso malala ang korupsyon eh, kaya nangyayari yan. Ang bulung-bulungan dati ay nasa Malacañang lang ang mga tiwali lalo na noong panahon ng diktadurya pero ngayon ay nahawa na hanggang sa ibaba dahil may ordinaryong mga empleyado na ang nasasabit sa katiwalian. Kaya hindi ako nagtaka na maraming Chinese nationals na wanted sa China ang nakapagnenegosyo…

Read More

MAPANGHAMON AT AGRESIBONG HAKBANG NG CHINA

PUNA ni Joel O. Amongo SA kabila ng pagiging kalmado ng bansang Pilipinas ay patuloy namang nagiging mapanghamon at agresibo ang ginagawa ng China sa mga karagatan ng lahi ni Juan dela Cruz. Nitong nakaraang Mayo 11, ang Pilipinas ay nagtalaga ng mga barko sa pinag-aagawang lugar sa South China Sea, kung saan ang China ay naglalagay ng artificial island gamit ang nasirang corals. Ang Philippine Coast Guard ay nagpadala ng barko sa lugar para magbantay sa ilegal na mga aktibidades ng China katulad ng pagbubuo ng artificial island. Ibang…

Read More

MASAYANG NPC ELECTION

At Your Service Ni Ka Francis ILANG taon makalipas ang pananalasa ng pandemya ng COVID-19 ay muling isinagawa ang National Press Club (NPC) election. Nitong nakaraang Linggo, Mayo 5, 2024 ay muling nagkaroon ng eleksyon ang NPC, may mahigit sa dalawang daang miyembro nito, mula sa iba’t ibang media outlets, ang nakiisa. Muling bumalik ang dating sigla ng halalan ng NPC dahil nagkaroon ng dalawang kandidato sa pagkapangulo na sina Leonel “Boying” Magistrado Abasola at Joey Venancio. Bagama’t magkalaban sa pagka-pangulo sina Abasola at Venancio ay naging maayos naman at…

Read More

TUNAY NA LAYUNIN NG AO 22 NI MARCOS JR., PINAGDUDUDAHAN

BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang special committee para sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Pilipino. Ang pagbuo ng Special Committee on Human Rights Coordination ay upang maipatupad ang Administrative Order no. 22, na magpapabuti ng mga paraan sa pagsusulong ng proteksyon ng karapatang pantao sa bansa. Ang special committee ay pamumunuan ng Executive Secretary at magiging Co-chairman ang kalihim ng Department of Justice. Miyembro ng komite ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs at kalihim ng Department of the Interior and Local Government, habang magsisilbing…

Read More

PRESYO NG TUBIG SA CAMIGUIN KALBARYO SA CONSUMERS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY kasabihan na “Water is life, and clean water means health.” Pero taliwas ata ito para sa consumers ng Camiguin na dumaranas ng pasakit at alta-presyon dahil sa mataas na singilin sa tubig na halos doble kumpara noon na hindi pa pumapasok sa isang kasunduan ang local cooperative at isang pribadong kompanya. Mababatid na ang Camiguin Integrated Water System Cooperative (CIWASCO) at Camiguin Water Company (CWC) ay lumagda sa isang joint venture and lease agreement noong Setyembre ng taong 2022, upang magtatag ng pinagsama-samang sustainable at…

Read More

INVESTMENT SCAM NG MAG-AMA SA DPWH

BISTADOR ni RUDY SIM GAMIT ang kanilang posisyon sa gobyerno, isang mag-ama na tila nag-uumpisa pa lamang ng kanilang investment scam upang makapangbiktima umano ng government employees, ang inirereklamo dahil sa kanilang pangakong napako. Ang dalawa ay kapwa empleyado umano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatalaga sa Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office. Ayon sa reklamong ating natanggap, ang mag amang-sina “Jaime” at “Loui” ay nang-eengganyo umano na mag-invest sa kanilang kompanya na nagsu-supply ng mga materyales sa mga contractor. Madali umano para sa mga ito na…

Read More

‘SERBISYONG TATAK AMANTE AT TARRIELA’

TARGET ni KA REX CAYANONG NAPAKALAKING hakbang ang ginawa ni Congressman Loreto “Amben” S. Amante, kasama ang suporta ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at DSWD Laguna SWAD Team, matapos magkaloob ng tulong pinansyal sa 1,007 benepisyaryo mula sa Ikatlong Distrito ng Laguna. Ang nasabing assistance, na ipinamahagi sa San Pablo City Central School Gymnasium kamakailan ay naglalayong magbigay-ginhawa sa mga indibidwal na nasa krisis na sitwasyon. Hindi lamang ito ang kanyang naging accomplishments. Sa kanyang pangunguna bilang Vice Chairman ng Committee on Senior Citizens at bilang miyembro ng Committee…

Read More

AGAPAN ‘E-CIGARETTE EPIDEMIC’ SA KABATAAN

EDITORIAL MARAMI ang nagkakasakit sa baga dahil sa vaping. Ito ang nakaaalarmang pahayag ng isang health expert bunsod ng dumaraming kaso ng e-cigarette o vape-associated lung injury (EVALI), lalo ang mga kabataan. Ayon kay Dr. Maricar Limpin, isang pulmonologist and Smoking Cessation Program director sa Philippine Heart Center, ang mga pasyente ay nagrereklamo na madaling mapagod at nahihirapang huminga kahit ang mga ito ay walang asthma, infection, o ubo. Karamihan daw sa mga ito ay dating naninigarilyo at lumipat sa e-cigarette. Sinabi ng eksperto na parehong nakapipinsala ang vaping at…

Read More