TARGET ni KA REX CAYANONG NOONG Setyembre 11, naging makulay at makahulugan ang hapon para sa mga residente ng Barangay Del Pilar. Ito’y matapos isagawa ang programang “Bigas Para sa Masa.” Mula 12:30 PM hanggang 3:00 PM, kung saan nagtipon ang mamamayan upang makabili ng bigas sa halagang 20 pesos kada kilo na malaking tulong lalo na sa panahong patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Hindi maikakaila na ang bigas ang pangunahing pagkain ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya naman, ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga Novo Ecijano…
Read MoreCategory: OPINYON
LAWRENCE LUBIANO NAGPAPALUSOT SA KAMARA
RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI pa tapos ang mga problemang kinahaharap ni Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil matapos na mapatalsik ito sa pwesto bilang Senate president ay nasasangkot naman ito sa isyu na may kinalaman sa isang contractor na iniimbestigahan na ngayon ng Kamara at Senado, sa posibleng pagkakasangkot sa anomalya sa flood control projects. Ang Centerways Construction and Development Incorporated ay isa sa mga kumpanyang pinangalanan ni PBBM sa kanyang pinakahuling SONA, na nakakuha ng bilyong pisong halaga ng flood control projects. Dati nang ikinakabit kay Sen. Escudero ang…
Read MoreHUWAG MATAKOT
HOPE ni GUILLER VALENCIA MAYROONG 365 na beses sa Bibliya na kung saan tayo ay sinabihan na, “Huwag kayong matakot.” Sinabi ni Jesus, “Huwag matakot at sumampalataya lamang.” Huwag matakot mabigo, ito ang nais kong bigyan natin ng pansin. Kadalasan tayo ay bantulot humakbang o gumawa ng anomang bagay para sa ating gawain; maging sa negosyo, propesyon o maging sa panliligaw. Dahil nga tayo’y takot mabigo. Kadalasan daw tayo ay natatakot sa anomang mangyayari na bagaman ito’y malayong mangyari o ‘di magaganap. “Ang takot ay nasa isip lamang,” sabi nga…
Read MoreGOV. HELEN TAN: SERBISYO NA MAY PUSO AT DIREKSYON
TARGET ni KA REX CAYANONG PATULOY na ipinakikita ni Quezon Governor Helen Tan ang kanyang kakaibang istilo ng pamumuno—direkta, matapat, at laging nakatuon sa kapakanan ng kanyang mga kababayan. Kamakailan, muling pinatunayan ni Gov. Tan na hindi lamang siya nananatili sa opisina kundi personal na binibisita ang mga pasilidad tulad ng Claro M. Recto District Hospital sa Infanta. Dito, ipinaalala niya sa mga empleyado ang kahalagahan ng tamang pakikitungo sa mga pasyente. Ayon kay Gov. Tan, hindi sapat na may gamot at serbisyo kung hindi maayos ang pagtrato sa mga…
Read MoreZERO RAW SA KICKBACK PERO ZERO RIN SA RESULTA?
BISTADOR ni RUDY SIM “100% NOT TRUE!” ‘Yan ang buwelta ni Congressman Patrick Michael “PM” Vargas nang malagay sa listahan ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ayon sa Discayas, siya raw at tatlong iba pang kinatawan ng Quezon City ay kabilang sa mga nakinabang sa kickback na aabot ng 25% mula sa flood control projects. Para kay Vargas, malinaw ang depensa: Wala raw project ang Discayas sa kanyang distrito. Zero. Confirmed and certified, pa-anunsyo niya. May kasamang banta pa ng demanda laban sa mag-asawa. At syempre, hindi…
Read MoreWhitening Soap for Babies? SAKIT SA LIPUNANG MAPUTI ANG PAMANTAYAN
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN KUMALAT kamakailan sa TikTok ang isang video na may isang nanay na humihingi ng opinyon tungkol sa whitening soap para sa kanyang baby na medyo maitim ang balat. Ang dami agad nag-react. At tama lang. Iba ang paggamit ng whitening products kung ikaw ay matanda na at may desisyon ka para sa sarili mo. Pero kung bata pa at hindi pa nga marunong magsalita, tapos problema na agad ang kulay ng balat niya, iba na ‘yon. Hindi lang simpleng tanong tungkol sa sabon ang…
Read MoreBAKIT ‘DI PA TAYO GALIT?
DPA ni BERNARD TAGUINOD TAYONG mga ordinaryong mamamayan ang dahilan rin kung bakit patuloy na nagsasamantala at pinagnanakawan tayo ng mga opisyales ng gobyerno dahil ang tagal nating magalit at kung galit man ay hanggang sa salita lang. Ang dami nang ebidensya sa anomalya sa flood control projects na pinagnanawakan tayo nang harap-harapan ng mga kurakot sa Department of Public Works and Highways (DPWH), mga tiwaling kontraktor na kasabwat ng corrupt politicians pero hanggang sa pang-aasar at batikos lang ang ginagawa ng mga tao sa kanila. Oo, maingay ang mga…
Read More‘WAG PULITIKAHIN ANG FLOOD CONTROL PROJECTS ANOMALIES
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAGING kakampi man o hindi ng kasalukuyang administrasyon basta’t nadadawit sa maanomalyang flood control projects ay dapat managot. NaPUNA kasi natin sa isinagawang pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may mga kongresista na pilit na tinatanong si Ginoong Curlee Discaya kung may proyekto siya noong 2016, sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Hindi lingid kaalaman ng publiko na nais n’yong idawit si dating Pangulong Duterte sa pinakamalalang korupsyon sa kasaysayan ng Pilipinas na kinasasangkutan ng mga mambabatas, Department of Public Works and…
Read MoreSENADO AT KONGRESO, GANTIHAN SA IMBESTIGASYON?
RAPIDO ni PATRICK TULFO TILA gumanti ang Kongreso sa isinagawa nitong Tri-com (Committee on Public Accounts, Committee on Public Works and Committee on Good Governance) hearing kahapon. Nito lang Lunes ay pinangalanan ng mag-asawang Discaya ang mga kongresistang humingi umano sa kanila ng mga padulas, kabilang na rito sila House Speaker Martin Romualdez at Cong. Zaldo Co. Nakagugulat at nakagagalit ang mga binitawang pahayag ng mag-asawa, kung saan humihingi raw ng nasa 25% ang mga kongresista sa bawat proyektong aaprubahan nito. Kahapon naman (Sept. 9,2025), sa pagdalo ni dating DPWH…
Read More