MATAPOS ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, at Bataan, nag-desisyon ang COVID-19 Interagency Task Force (IATF) na ibaba sa MECQ ang restriksyon sa nasabing mga lugar. Ito ay simula sa ika-21 ng Agosto hanggang sa katapusan ng buwan para sa Metro Manila at Laguna. Samantala, sa ika-23 ng Agosto magsisimula ang MECQ sa Bataan. Kaugnay nang patuloy na pagkalat ng COVID-19, umabot sa 17,231 ang bagong kaso noong ika-20 ng Agosto. Ito ang naitalang pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa loob ng isang araw mula nang…
Read MoreCategory: OPINYON
MANNY PACQUIAO: THE GREATEST BOXER
NABIGO man na mabawi ang WBA super-welterweight belt mula kay Yordenis Ugas ng Cuba, para sa kolumnistang ito at sa halos lahat ng mga Pilipino, mananatili si eight-division champ Manny Pacquiao bilang ‘The Greastest Boxer’ sa kasaysayan ng isport. Sabi ng ilang kritiko, ang resulta ng laban nina Pacquiao at Ugas ang magpapatibay sa pamanang iiwan ng Pambansang Kamao. Na para bang ang mga nagawa ng Fighting Senator sa nagdaang mahigit dalawang dekada ay hindi pa sapat para siya ay ibilang sa mga dakilang boksingero sa mundo. Sino bang boksingero,…
Read MoreGULA-GULANIT NA ANG PINOY
USONG-USO raw ang trangkaso sa probinsya. Kahit dito sa Metro Manila ay marami na ang may trangkaso dahil siguro sa papalit-palit na panahon. Uulan ngayon, mamaya sobrang init naman. Pami-pamilya ang nagkakatrangkaso ngayon sa mga probinsya at ayaw nilang pumunta sa doctor dahil baka raw sabihin sa kanila na COVID-19 ang kanilang nararamdamang sintomas. Bihira sa atin ang hindi nagkakatrangkaso kada taon pero dahil sa COVID-19 pandemic, nagkakalituhan dahil halos pareho ang sintomas ng trangkaso at COVID-19. Base sa mga eksperto, kabilang sa mga sintomas ng trangkaso o influenza virus,…
Read MoreDADAMPUTING SUSPEK SA SALAMIDA SLAY, ‘DI SANA FALL GUY
NANGANGAMBA ang malalapit na mga kaibigan, katrabaho at kamag-anak ni Gwen Salamida na mauwi lamang sa pag-aresto ng mga awtoridad sa “fall guy” na mga suspek sa pagpatay sa biktima. Kaya hiling nila ngayon sa mga awtoridad na nag-iimbestiga na silipin ang lahat ng mga anggulo sa pamamaril. Hindi kasi kapani-paniwala ang motibo ng pamamaril kina Gwen Salamida at Oliver Perona na holdap. Una, naka-lockdown nang mangyari ang insidente ng pamamaril kina Salamida at Perona noong Agosto 17 habang nasa loob sila ng GOTT salon and spa sa Quezon City.…
Read MoreNAMNAMIN DIN NATIN ANG TAGUMPAY NG OWWA
NAKALULUNGKOT na natabunan ang maraming kabutihan na nagampanan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng dahil lamang isang porsiyento ng gawain na kinukwestiyon ng Commission on Audit (COA). Kamakailan, nagpatawag si OWWA Administrator Hans Cacdac ng informal meeting sa mga private sector member ng Board of Trustees na aking kinabibilangan. Dito ay aming pinag-usapan ang ibinigay na audit report ng COA ukol sa paggamit ng pondo ng OWWA. Masaya kaming lahat ng aming mabasa ang nasabing report, dahil sa halos 99.9 porsiyento ng pondo ng OWWA mula sa General Appropriation…
Read MoreJUSTICE FOR GWENN
POSIBLENG pinalabas lamang na holdap ng isang hinihinalang hired killer na bumaril at nakapatay sa Saksi Ngayon advertising manager na si Gwenn Salamida noong Martes sa beauty salon ng biktima sa Kaingin Road corner EDSA, Quezon City, ang insidente upang mailigaw ang imbestigasyon sa tunay na motibo nito. Ang biktima kasama ng kanyang kinakasama ay nagtungo sa kanilang business establishment upang maglinis at pag-handaan ang muling pagbubukas ngayong malapit nang matapos ang lockdown sa buong NCR. Ayon sa nakasaksi sa krimen, isang riding in tandem ang pumarada sa harap ng…
Read MoreSi Pacquiao at mga taksil
SA Linggo (oras sa Maynila), tatangkain ni eight division champ Manny Pacquiao na magwagi laban kay Cubanong WBA welterweight titlist Yordenis Ugas sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Matatandaan na noong bago dumating ang pesteng coronavirus sa mundo noong nakaraang taon, na nagparalisa sa halos lahat ng mga bansa kabilang ang Pilipinas, parang laging lockdown din sa buong bansa sa tuwing may laban si Manny. Halos walang makikitang naglalakad o bumibiyahe sa kalye dahil halos lahat ay nakikinig sa radyo o nanonood ng TV. Ang mga nakaaangat sa buhay ay…
Read MoreMAY KAPALIT PA RIN
SABI ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala raw hiningi ang China na kapalit sa isang milyong doses ng Sinovac na donasyon nila sa Pilipinas, kahit isang ballpen maliban sa payagang manatili ang kanilang mga fishing boat sa territorial water ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Hindi ko alam kung sinadya o nadulas lang ang Pangulo pero ang malinaw, may kapalit pa rin ang ibinigay na COVID-19 vaccines ng China. Mas mahal ang kapalit at mas maraming buhay ang maililigtas. Kung ang halaga ng isang milyong doses ng Sinovac ay $15…
Read MoreHEALTH WORKERS PROTEST VS DUQUE TULOY!
HINDI titigil ang ilang health workers mula sa mga pribado at pampublikong ospital sa bansa sa kanilang panawagan na magbitiw si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque. Ito ang pagtitiyak ni Union President of St. Luke’s Medical Center Employees Association Roldan Clumia. Ito ang inihayag ni Clumia sa panayam sa kanya ng mga taga-media kamakailan. “Huwag n’yo kaming lokohin. Kaya kami nandito, ubos na at sagad na, ang budget na ‘yun hindi galing sa gobyerno. Wala silang alalay na binigay sa private hospital,” dagdag pa niya. Kamakailan, sinabi ng…
Read More