ISANG magandang contractual employee ng Bureau of Immigration (BI) ang na-promote bilang Immigration Officer matapos umanong makipagrelasyon ito sa kanyang opisyal. Ayon sa ating source, itatago na lamang natin sa pangalang Kim na talaga naman umanong kutis porselana at sexy kung kaya’t nahulog ang underwear ng kanyang boss na isa sa mataas na mga opisyal ng BI na may sabit na rin sa buhay at madalas umanong makita ang mga ito na mag-check in sa isang hotel sa Roxas boulevard. Bukod sa kapalit ang pag-promote sa kanya bilang immigration officer…
Read MoreCategory: OPINYON
UMARANGKADA NA SA NCR ANG KUSINA NG BAYAN
PORMAL nang nagsimula ang pagkakaloob ng ayudang pagkain ng ating grupong AKOOFW sa mga bayan sa National Capital Region (NCR) sa pamamagitan ng ating mobile kitchen na tinaguriang AKOOFW Kusina ng Bayan. Layunin ng programang Kusina ng Bayan ang maghatid ng mga bagong lutong pagkain sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan. Kabilang dito ang mga lugar na maraming driver ng pedicab, tricycle at pamilya ng mga ito. Ang sektor kasi na ito ay mga umaasa lamang sa araw-araw na kinikita sa pamamasada, at ilan sa mga…
Read More‘YAN ANG PRESIDENTIABLE!!!
NAKATATAAS talaga ng respeto kung ang isang katulad ni dating Senator Ferdinand (Bongbong) R. Marcos Jr. (BBM) ang iyong kakapanayamin at tatanungin kaugnay ng sitwasyon ng kasalukuyang pamahalaan na mayroon ang bansa. Kasi sa sagot ni BBM nang interbyuhin siya ni Anthony Taberna ng “DOS POR DOS” na naka-live sa Facebook at YouTube, sinabi niyang bagama’t mayroon siyang napapansin na may pagkukulang ang kasalukuyang administrasyon ay naroroon pa rin ang pagrespeto o paggalang niya sa mga namumuno. Naroon din ang pag-unawa niya sa mga taga oposisyon, kung bakit puro batikos…
Read MorePARA SA MAY PERA NA LANG ANG EDUKASYON
NAGSIMULA na ang online-classes ng mga pribadong paaralan noong Agosto 2, para sa school year (SY) 2021-2022 na mas maaga ng 5 linggo kaysa pampublikong paaralan dahil magsisimula pa lamang sila sa Setyembre 13. Hunyo pa lamang ay tumatanggap na ng enrollees ang private schools at kahit nasa gitna ng pandemya, marami-rami pa ring enrollees dahil siguro, nais siguraduhin ng kanilang mga magulang na may matutunan ang kanilang mga anak. Kahit nabawasan ang income dahil sa pandemya na dulot ng pagtatago ng China ng impormasyon sa COVID-19 kaya kumalat na…
Read MoreMGA PASAWAY, DAHILAN NG PAGKALAT NG COVID-19
TINUMBOK ng Social Weather Stations (SWS) na ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay maraming Filipino ang pasaway. Sa SWS survey noong Abril 28 hanggang Mayo 2, mayroong 79 porsiyentong adult Filipino ang nagsabing paglabag sa health protocols ang pangunahing dahilan sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Labing-isang porsiyento naman ang nangatwirang kakulangan sa kahandaan ng gobyerno ang dahilan ng malalang COVID-19 at 10% lang ang naniniwalang bagong COVID-19 variants ang dahilan. Anu-ano ba ang hindi sinusunod ng mga pasaway? Ito ay ang ‘di…
Read MoreTagumpay sa Tokyo, utang sa mga atleta
SALAMAT sa mga Pilipinong atleta naging matagumpay ang Pilipinas sa katatapos lang na XXXII Games of the Olympiad. Kabayanihang nagtampok na naman sa ating bansa at mga Pinoy sa buong daigdig, sa gitna ng mahigit isang taon nang COVID-19 pandemic. Saludo ang SAKSI NGAYON SPORTS kina weightlifter Hidilyn Diaz, ang nagbigay ng kauna-unahang Olympic gold medal sa Pilipinas, at mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam, kapwa silver medalist, at bronze medalist Eumir Marcial, maging sa iba pang miyembro ng 19-atletang Pambansang Delegasyon. Na sa kabila ng kasalatan sa…
Read MoreMGA UMUWING OFW NANAWAGAN SA LGU
MARAMING mga OFW ang nadismaya nang unang nagdeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong nakaraang taon. Marami kasing mga Local Government Unit at maging ang Department of Social Welfare & Development (DSWD) ang tumangging bigyan ng ayuda ang mga dating OFW o mga umuwing OFW. Katwiran ng ilang LGU officials ay mga OFW naman sila kung kaya inaasahan na may pera sila at hindi nangangailangan ng ayuda. Napakarami kong natanggap na tawag sa telepono at maging sa aking Messenger account na umiiyak na dating OFW at inirereklamo ang kanilang LGU…
Read MorePAGIGING EPEKTIBO NG LOCKDOWN NAKASALALAY SA ATING LAHAT
NAKAPASOK na sa bansa ang kinatatakutang Delta variant ng COVID-19. Nag-uumpisa na ang muling pagtaas ng kaso sa bansa. Noong ika-7 ng Agosto ay umabot sa 11,021 ang bilang ng naitalang bagong kaso ng virus. Ito ang pinakamataas na bilang na naitala simula noong ika-17 ng Abril ng taong ito, kung saan nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,101 na kaso. Kasalukuyang nasa higit 1.6 milyon na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Umabot sa 76,063 ang naitalang aktibong kaso. Ito rin ang pinakamataas na bilang…
Read MoreHERD IMMUNITY MALABONG MAKAMIT SA DEC. 2021
LAGING ipinagmamalaki ng gobyerno lalo ng Department of Health (DOH), na pagsapit ng Disyembre 2021 ay magkakaroon na ng herd immunity ang mga Pinoy. Tila suntok sa buwan ang statement na ito dahil hanggang sa ngayon ay wala pa sa 1/4 ng kabuuang populasyon ang nababakunahan. Sa nakuhang data, ang Philippines coronavirus (COVID-19) vaccination total dose, as of July 05, 2021, ay 11.4M doses ang naikalat na sa buong bansa. Kung lahat ng ito ay naiturok na ay aabot lamang ng mahigit sa limang milyong katao ang nabakunahan sa buong…
Read More