SA ikatlong pagkakataon, muling isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila Plus Bubble habang panga-lawa sa iba pang probinsya na may mataas na kaso ng COVID-19 mula kahapon, Agosto 6 hanggang 20. Ibig sabihin nito ay lockdown. Walang lalabas ng bahay maliban sa mga essential worker kaya makukulong na naman tayo sa loob ng ating mga bahay sa loob ng dalawang linggo. Kawawa ang mga tao lalo na ‘yung mga arawan ang kita dahil wala na naman silang income kaya ‘yung anong meron sila ngayon ay kailangan nilang…
Read MoreCategory: OPINYON
KATAS NG KOTONG SA CHINESE GAGAMITIN SA ELEKSYON?
BAGAMAT nalalapit nang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kanya-kanyang diskarte naman ang ilang tiwaling opisyales ng Bureau of Immigration (BI) sa pangongotong sa mga dayuhan partikular sa Chinese nationals para sa kanilang sariling ambisyon sa buhay. Sa tuwing nakakarinig ng balitang aalis na sa ahensya si BI Commissioner Jaime Morente ang mga ordinaryong empleyado ng BI, para silang mga palakang kokak na nababasa ng ulan kung makapag-ingay dahil nais na nilang matapos ang inutil umanong pamamalakad ni Morente sa ahensya kung saan ang kanyang mga tauhan sa…
Read MorePANAWAGAN NG MGA BILANGGO KAY AMBASSADOR ALONTO
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP SUNOD-SUNOD na text messages mula sa mga OFW na nakabilanggo sa Deportation Jail sa Riyadh, Saudi Arabia ang aking natanggap kahapon. Marahil ay nabasa ng mga OFW sa loob ng deportation area ang ating isinulat sa ating kolum noong Lunes, kung kaya sumubok din ang iba pang mga nakabilanggong OFW na magpadala ng kanilang pakiusap na sila ay matulungan. Kabilang sa nagpadala ng mensahe si Malyn Camitan na taga Plaridel, Bulacan. Ayon kay Malyn ay anim na buwan na siyang nakakulong sa Jawazat…
Read MoreKAUNTING TIIS PA PARA MAKA-SURVIVE
MULING magkakaroon ng lockdown sa Agosto 6-20, sa ilalim ng mahigpit na “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Metro Manila (MM). Sa panahong ito, limitado ang papayagang makalabas sa kanilang mga tahanan. Siyempre, kapag limitado ang paglabas ng mga tao mula sa kanilang mga tahanan ay hihina rin ang negosyo. Kapag humina ang mga negosyo, marami sa mga negosyante ang mapipilitang magbawas ng kanilang manggagawa. Kaakibat din ng lockdown ang pagbabawal na magbukas ang ilang mga negosyo na hindi esensiyal tulad ng mga salon, resto bar at maraming iba pa. Kaya,…
Read MoreKALOKOHAN ANG PANGAKO TUNGKOL SA TAMBALANG LACSON-SOTTO
TULOY na tuloy na ang pagtakbo ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagkapangulo sa halalan sa Mayo 2022. Si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kandidato ni Lacson sa pagkapangalawang pangulo. Sa kasalukuyan, si Davao del Norte Rep. Pantaleon ”Bebot” Alvarez ang masugid na nagsasalita sa media tungkol sa tambalang Lacson-Sotto. Kinampihan na ni Alvarez si Lacson matapos niyang ‘opisyal’ na bitawan si Pangulong Rodrigo Duterte. Opisyal na rin siyang umalis sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban). Si Alvarez na ngayon ang pangulo ng…
Read MorePH sa 1932 L.A. Olympics PAGOD, GINAW AT GUTOM TINIIS NI SIMEON TORIBIO
TATLONG medalyang tanso ang napanalunan ng Pilipinas noong 1932 Los Angeles Olympics, na tinanghal na pinaka-matagumpay na partisipasyon ng bansa sa Olimpiyada sa nakalipas na halos 90 dekada. Ang swimmer na si Teofilo Yldefonso at boksingerong si Jose “Cely” Villanueva, tulad ni Simeon Toribio ay nakakuha rin ng bronze medal sa L.A. Ikalawang bronze na ito ni Yldefonso, na unang nagkame-dalya noong 1928 sa Amsterdam. Sa L.A. pa rin ay pumang-apat si Martin Gison sa shooting, at panlima si Jikirum Adjuladdin sa swimming. Makaraan ang 89 taon, nahigitan ng 19…
Read MoreKORAPSYON INAMIN SA SONA
MISTULANG nakapuntos si Senator Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Pangulong Mayor Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa isiniwalat ng pambansang kamao na mas mataas ang korapsyon ng kasalukuyang administrasyon kaysa mga nakalipas. Kung inyong matatandaan mga ka-SAKSI, nagalit si Pangulong Mayor Duterte kay Senador Pacquiao dahil sa alegasyon nito kung saan hinamon pa nito ang pambansang kamao na maglabas ng datos o ebidensya kaugnay sa kanyang mga paratang at binalaan pa nito si Pacquiao na sa oras na hindi nito mapatunayan ang kanyang alegasyon ay kanya itong ikakampanya na huwag iboto…
Read MoreNAKAKULONG NA OFW SA RIYADH, HUMINGI NG TULONG
DUMULOG sa AKOOFW si Lourdes dela Cruz na nakakulong sa deportation jail ng Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa ipinadala niyang mensahe sa aking telepono, labing isang buwan na siyang nakakulong sa nasabing kulungan. Ngunit, bago pa man siya madala sa deportation center jail (jawasat), isang taon at pitong buwan siyang nakulong sa Malaz jail. Ayon kay Lourdes: “Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo na matulungan kaming mailapit at makahingi ng tulong sa ating pamahalaan para sa mga katulad ko na may money claims dito po sa jawazat”. Idinagdag…
Read MoreKAWAWA NA NAMAN TAYO KAPAG ECQ NA
DELIKADO na naman ang buhay ng nakararami sa mga residente sa National Capital Region (NCR) simula sa Agosto 6 na tatagal hanggang 20 dahil muling ipatutupad dito ang “enhanced community quarantine” (NCR). Napakarami na namang mga manggagawa na itinuturing na hindi esensiyal ang matitigil ang hanapbuhay. Kung hindi sila magtatrabaho, siyempre wala silang suweldo sa loob ng labinglimang araw. Pokaragat na ‘yan! Ang sagot ng administrasyong Duterte ay bibigyan ng P1,000 bawat manggagawang apektado ng ECQ. Magiging P4,000 kada pamilya kung apat ang miyembro nito dahil P1,000 nga bawat isa.…
Read More