SAYANG ANG BUWIS NATIN

DAPAT bantayan ng national government ang mga proyektong ginagawa ng local ­government units (LGUs), lalo na sa mga probinsya at tiyakin na matatag ang mga proyekto upang hindi ­masayang ang buwis natin. Linawin ko lang, hindi lahat ng LGUs ay magnanakaw, o kinukupitan ang mga proyekto nila na mula sa kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) dahil marami naman ang matitino kahit papaano. Napansin ko kasi na maraming proyekto na gawa ng LGUs sa mga probinsya ang hindi nagtatagal tulad ng ­concreting, lalo na ‘yung mga inner road na napakadaling masira.…

Read More

“TAO KO ANG UNA” SA BAKUNAHAN SA CALOOCAN?

BAGO pa magpandemic ng COVID-19, ito na ang slogan ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan: “Tao Ang Una”. Pero, pagdating ng COVID-19 ay nag-iba ang ihip ng hangin. Mula sa “Tao Ang Una” sa slogan ng ‘di malapitan… este ni Malapitan ay naging “Tao Ko Ang Una” ngayon sa bakunahan. Anyare meyor? Sa vaccination sites kasi ng Caloocan City ay naging palakasan. Tulad na lamang sa Caloocan City Complex mass vaccination site nitong mga nakalipas na araw, kapag wala kang kakilalang barangay at Caloocan City officials ay napakahigpit nilang…

Read More

ALYANSA NG MGA BAGSAK SA SARBEY AT TALUNAN SA HALALAN

DISMAYADO ako nang todo sa 1SAMBAYAN nang malaman kong alyansa pala ito ng mga bagsak sa sarbey at talunan sa halalan. Inaabangan ko pa naman ang Hunyo 12 kung saan ­inanunsiyo ng 1SAMBAYAN ang mga kandidatong ipantatapat sa kandidato ng ­administrasyon sa halalang mayo 2022. Ngunit, si Bise – Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo numero uno sa listahan ng 1SAMBAYAN. Si Robredo ay palaging nakapuwesto sa duluhan ng mga politikong tatakbo sa pagkapangulo sa 2022. Ibig sabihin, bagsak! Mahinang kandidato si Robredo dahil madalas siyang malapit sa duluhan ng mga…

Read More

Unang gold sa pole vault para sa Pilipinas at Asya, abot-kamay ni EJ Obiena

SA rekord na nakalap ng kolumnis-tang ito, iisang Asyano pa lamang ang nanalo ng medalya sa Olympic Games sa pole vault mula nang ang disiplinang bahagi ng athletics ay napabilang sa kalendaryo ng kada apat na taong palaro simula noong 1896 sa Athens, Greece. Siya ay ang Hapones na si Shuhei Nishida na kumatawan sa kanyang bansa ng dalawang beses sa 1932 Summer Games sa Los Angeles at 1936 sa Berlin kung saan ay nakapag-uwi siya ng tig-isang silver medal sa men’s division. Mula nang ang Pilipinas ay nagsimulang lumahok…

Read More

MAGKANO ANG TARA NI SIR?

MATAGAL nang kalakaran sa Bureau of Immigration (BI) na hindi nawawala ang tinatawag na “tara”, o lingguhan, o buwanang parating, ng mga korap na opisyal sa isang mataas na opisyal ng ahensiya. Mula sa kanilang kinikita sa mga pinoprosesong dokumento nanggagaling ang ­ibinibigay na tara sa opisyal. Isa rito ay ang tinaguriang “Macho Chiquito” ng BI na kumikita umano ng halos higit sa kalahating milyong piso kada araw. Kaya, tila bulag, pipi at ­bingi si “Sir” tuwing may sumbong na katiwalian na nangyayari sa kanyang nasasakupan at sa huli ay…

Read More

PAGLALAMBING SA INA, HULING PAALAM NA PALA

NAKADUDUROG ng puso ang problema na inilapit ng isang ina ng OFW sa programang “Rise and Shine Pilipinas” ng PTV4 kahapon kung saan ako ang guest. Sa nabangit na programa, ipinakita ang sitwasyon ni John Carlo Crisostomo na pitong taon nang nagtatrabaho sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA), bilang isang network technician. Bago pa man nag-abroad si John Carlo ay talagang napakaganda ng kanyang mga pangarap at plano para sa kanyang nanay Cely na isa nga biyuda. Sa kanyang pitong taong pagtatrabaho ay malimit itong tumatawag sa kanyang ina…

Read More

PAGCOR, BIR, AMLAC AT PNP DAPAT KUMILOS LABAN SA POGO

NAPAGTANO kong kai-langang – kailangan ng pera ng pamahalaan dahil kahit sugal ay ginagawa nitong legal tulad ng tupada, o ang ilegal na pagpapasabong ng mga manok. Naisip at ginawa ng mga ‘henyo’ sa ilegal na sugal na ilabas ang sabong sa online upang masamantala ang pamamayagpag ng social media, internet at ibang mukha ng modernong teknolohiya at midyum ng komunikasyon. Kaya, mayroon tayong electornic sabong, o e-sabong. Pokaragat na ‘yan! Ilang buwan ding naging ilegal ang buong industriya ng online hanggang dalawa sa limang korporasyon ay naging legal. Naobliga…

Read More

KAWAWANG SIBILYAN KAPAG GINAWAN NG PULIS NG SENARYO

MALINAW na ngayon na ambush talaga ang dahilan ng pagkamatay ni Calbayog City Mayor Ronald Aquino at dalawa pang kasama niya noong nakaraang Marso. Matapos na magbigay ng sinumpaang salaysay ang 53 witnesses, kasama pa ng CCTV footages na nakalap ng National Bureau of Investigation – Eastern Visayas (NBI – EV), sa pamumuno ni Jerry Abiera. Isiniwalat ni Abiera sa isinagawang pagdinig sa Senado nitong Hunyo 9 na ‘yan ang lumabas sa kanilang preliminary investigation kaugnay sa pagpatay kay Aquino. Nakakuha rin ang NBI – EV ng dalawang cellphones na…

Read More

‘HUAYI’, NAGPAPASOK NG MGA CHINESE SA POGO

MARAMING Chinese sa Pilipinas na nagnenegosyo, o nagtatrabaho. Hindi ‘yan nakapagtataka. Hindi rin nakagugulat. Katunayan, kahanga-hanga ang ilan sa kanila dahil mahusay silang gumawa ng iligal na pagkakakitaan. Tapos, hindi nahuhuli. Kayo na ang humusga kung bakit? Isa ang pangkat ng mga Chinese na “Huayi” kung tawagin. Ayon sa source na mayroong nalalaman sa raket ng Huayi, mayroong opisina ang pangkat na ito sa Lungsod ng Pasay. Pokaragat na ‘yan! Ang Huayi ay nagpapasok umano ng mga Chinese sa Pilipinas. Mula China hanggang Pilipinas, inaasikaso ng Huayi ang lahat ng…

Read More