QUEZONIAN KAWAWA?

DAHIL daw sa ­matamlay, o malamya, na pangangasiwa ng Governor’s Office, o ni Quezon Gov. Danny Suarez sa paglaban sa nakakamatay na ­COVID-19, sa lalawigan? Kawawa ang mga Quezonian. Gov., abay mayroon pang panahon upang matugunan n’yo ‘yang pangamba, o reklamo, ng mga ­Quezonian na diumano’y hindi ninyo inaalam ang tunay na estado ng lalawigan at wala, o malamya ang kilos ng Governor’s Office sa kinakaharap nating pandemya? Sa pinakahuling datos na nakalap ng Pro Hac Vice, eh halos 600 na ang nasawi sa kabuuan, sa lalawigan dahil sa COVID-19,…

Read More

DOBLE DAGOK ANG DINARANAS NG OFW SA RIYADH

SOBRANG sakit sa kalooban ang pinag-daaraan ng OFW sa Riyadh dahil sa mala-pelikulang pangyayari sa kanyang buhay. Si James Stroup ay nagtatrabaho sa Consolidated Contractors Company simula noong Nobyembre 5, 2014. Isa siyang construction worker na nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng driver’s license sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Noong April 21, 2021, dahil sa pangangailangan sa pera ay nagmaneho siya patungo sa kanyang kaibigan upang mangutang ng pera. Nakipagtagpo siya sa kanyang kaibigan sa Manila Plaza sa Batah, Riyadh. Paghinto ng kanyang sasakyan sa isang ­parking area ay may…

Read More

MALAYA NA BA TALAGA TAYO?

NITONG Sabado, Hunyo 12, ang ika – 123 taon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya na nanakop sa ating bansa ng 377 taon, o mula 1521 hanggang 1898. Nagbuwis ng buhay ang ating mga ninuno para sa ­ating kalayaan. Umabot muna ng 375 taon bago nag-aklas ang mga Filipino sa pangunguna ni ­Andres Bonifacio. At sa loob ng dalawang taong pakikibaka ay nakalaya ang lahing Kayumanggi sa mga mapang-aping Espanyol. Pagkatapos ng Espanya, Amerika naman ang nanakop sa atin matapos tayong ibenta sa kanila ng mga Espanyol. Pero, ang…

Read More

P1.5-B PER DAY NG E-SABONG NAPUPUNTA SA IILANG BULSA

DAPAT nang paspasan ng gobyerno ang pagpasok sa kaban ng bayan ng ­malaking kinikita mula sa electronic – sabong (e-sabong). Pumapalo sa P1.5 bilyon kada araw ang kita sa e-sabong, ngunit sayang ito kung napupunta lang sa iilang bulsa. Hindi lingid sa kaalaman natin na pinagkakaabalahan ng mga “lord” sa sugal ngayong matindi ang ­pandemya ng COVID-19 sa bansa ang e – sabong. Kung ang mga ordinaryong manggagawa ay problemado sa kita dahil sa COVID-19, iba ang mga taong nasa likod ng e-sabong na nagkakamal ng bilyun-bilyong pera. Ika nga…

Read More

CAYETANO, INILAGLAG NG ADMINISTRASYON AT OPOSISYON

HINDI kasama ang pangalan ni Taguig – Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagpipilian ng administrasyon na pambato nito sa pampanguluhang halalan sa Mayo, 2022. Wala rin si Cayetano sa 1SAMBAYAN, gayong dati siyang talunan sa eleksyon. Nangangahulugan lamang na inilaglag si Cayetano ng administrasyon at ng oposisyon. Pokaragat na ‘yan! Ngunit, nitong nakaraang linggo ay lumabas sa ilang piling pahayagan ang inanunsyo ni Cayetano na sasabak siya sa pampanguluhang halalan. Handa rin daw siyang makatambal ang sinomang politiko tulad ni Senador Emmanuel…

Read More

Bayaning atleta na, sundalo pa

NOONG Sabado, ika-12 ng Hunyo, ipinagdiwang natin ang ika-123 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Gaya ng taunang selebrasyong ginagawa sa araw na iyon, ginunita rin ng ­sambayanan ang kabayanihan ng mga kababayan nating buong katapangang ibinuwis ang kanilang buhay sa pagtatanggol sa bayan. Lingid sa kaalaman ng marami, kabilang ang mga matataas nating opisyal sa palakasan, 52 Filipinong atleta kasama ang siyam na Olympian, na bukod sa nagpakilala ng kanilang kakayahan sa maraming kampanya sa kompetisyong pang-internasyonal ay nagsakripisyo rin ng kanilang buhay sa larangan ng digmaan. Kabuoang bilang na…

Read More

BOHOL NAGPAKITA NG PAGMAMALASAKIT SA OFWs

NITONG Martes, Hunyo 8, tumulak ako patungong Bohol bilang pagtugon sa imbitasyon ni Rep. Aris Aumentado ng ika-2 Distrito ng Bohol. Sa kanyang imbitasyon, ipinakiusap ng kongresista na magsagawa ng “information Caravan” sa mga munisipyo na sakop ng kanyang distrito hinggil sa programa para sa OFWs, kabilang ang bayan ng Ubay na pinamumunuan ni Mayor Constantino H. Reyes. Kung hindi nga lamang sa ipinapatupad na heath protocols ng Inter – Agency Task Force (IATF) na naglilimita sa bilang ng mga maaaring dumalo sa anomang pagtitipon para masiguro ang “social ­distancing”,…

Read More

PAGPAPATULOY NG EKONOMIYA SA GITNA NG PANDEMYA

TUMAAS ang antas ng walang trabaho sa bansa, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics ­Authority (PSA). Ito ay iniugnay sa muling pagpapatupad nang mahigpit na quarantine sa Metro Manila (MM) matapos muling tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 dito. Mula 7.1% noong Marso ng taong kasalukuyan, ­umakyat ito sa 8.7% ng sumunod na buwan. Sa madaling salita, mula sa bilang na 3.1 milyong Filipino, umakyat sa bilang na 4.14 milyon ang bilang ng walang trabaho. Kaugnay nito, ipinahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary…

Read More

PULIS ‘BAGMAN’ NI SIR SA BI

NABIBIGYAN ng ‘magandang puwesto’ ang mga tiwalang opisyal sa Philippine National Police (PNP), partikular sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na nakapagbibigay sa mga ‘dapat ­paratingan’ ng lingguhang “tara”, o tuwing “15/30”, mula sa illegal activities/vices. Isa raw ito sa nais linisin ni General Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP. Mayroon din kayang ganitong nangyayari sa ibang ahensya ng pamahalaan, lalo’t ilang retiradong opisyal ng PNP ang nabigyan ng magandang puwesto sa pamahalaan? Kahit miyembro ng PNP ay puwedeng italaga rin sa ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng BI. Nabisto…

Read More