INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinadalhan ng radio challenge ng BRP Teresa Magbanua ang barko ng China Coast Guard na namataan sa karagatan ng Zambales. Sinabi ng PCG, ang barko ng CCG ay naispatan 70-80 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales at nagpakita ng “erratic movements”. Bilang pagpapakita ng kanilang pangako sa pagprotekta sa maritime sovereignty ng bansa, pinadalhan ng radio challenge ng mga tripulante ng BRP Teresa Magbanua ang sasakyang pandagat ng China. Ayon sa PCG, ito ay upang ipaalam na ito ay tumatakbo sa loob…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
700K TONS NG BASURA INALIS SA PAMPANGA RIVER
HALOS 700,000 tonelada ng silt at solid waste ang inalis sa Pampanga River mula sa inisyatiba ng San Miguel Corporation (SMC), sa pagsisikap nitong makatulong na mapawi ang pagbaha sa buong Luzon. Ito ang inanunsiyo ng SMC kaugnay sa pagkumpleto ng malawakang pagsisikap sa paglilinis ng Pampanga River, sa pag-alis ng nasabing dami ng silt at solid waste. Mula kalagitnaan ng Agosto hanggang Disyembre, inalis ng SMC ang humigit-kumulang 694,372 cubic meters ng silt at solid waste mula sa 26.3 kilometro ng Pampanga River, bilang bahagi nang matagal nang inisyatiba…
Read MoreKA-DUET NG GF TINANGKANG SAKSAKIN NG BF
QUEZON – Arestado ang isang 19-anyos na estudyante matapos nitong tangkaing saksakin ang isa ring estudyante na naka-duet ng kanyang girlfriend sa pagkanta habang nag-iinuman sa Brgy. Malabanban Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kakasuhan ng grave threat at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 ang suspek na si alyas “John”, 19-anyos, 1st year college student, matapos na ireklamo ito ng biktimang si alyas “Jake”, 3rd year college student, at schoolmate ng una. Ayon sa report, bandang alas-10:40 ng gabi, nag-iinuman ang magkakabarkada nang mag-duet…
Read More‘Di umubra angas RETIRED COP PINOSASAN SA TRAFFIC VIOLATION
CAVITE – Arestado ang isang retiradong police office dahil sa paglabag sa batas trapiko at kawalan ng plaka ng kanyang sasakyan at nanutok ng baril sa isang traffic enforcer saka tumakas sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong threat, direct assault at paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code at R.A. 10591 ang suspek na si alyas “Regino”, 62, isang retired police officer, at residente ng La Union. Ayon sa nagreklamong si Marvin Salas y Era, 30, miyembro ng Bacoor Traffic Management Division, pinara nito ang…
Read MoreNANGOTONG SA CAVITE BUKING NA PEKENG HPG
CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang buko vendor na nagpapanggap na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG), at umano’y nangongotong sa mga motorista, matapos mabaril habang nakikipagbuno sa isang awtoridad sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang suspek na si alyas “Lawrence”, binata, ng Phase 1, Parklane Subd., Brgy. San Francisco, Gen. Trias City dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan mula sa service firearm ni Police Chief Master Sergeant Elan Demate, 45, ng PHPT-Cavite Camp Pantaleon Garcia, Imus City. Ayon sa…
Read MoreP1-M DROGA NASABAT SA LAGUNA
LAGUNA – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Concepcion sa bayan ng Lumban sa lalawigan dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Huwebes. Arestado sa operasyon ang suspek na si alyas “Axcel”, itinuturing na isang high value individual (HVI) sa operasyon ng droga sa rehiyon. Ayon sa Lumban Municipal Police Station, isinagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Lumban Drug Enforcement Team, katuwang ang PDEA. Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu…
Read MorePNP MAY PERSON OF INTEREST NA SA SEA GAMES MEDALIST KILLER
INIHAYAG ng Philippine National Police na may tinututukan nang person of interest ang mga imbestigador sa pananaksak at pagpatay kay SEA Games gold medalist Mervin Guarte na kasapi rin ng Philippine Air Force. Sa ipinarating na report ng Oriental Mindoro PNP sa punong himpilan ng Pambansang Pulisya sa Camp Crame sa Quezon City, sinasabing tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga aktibidad ng itinuturing nilang person of interest. Magugunitang si Guarte ay pinaslang habang natutulog noong Martes ng madaling araw sa bahay ng kaibigan nitong barangay kagawad sa Calapan City,…
Read More7 BUS NASUNOG SA GARAHE
LAGUNA – Sugatan ang isang lalaki habang pitong bus ang natupok nang masunog ang garahe sa Pulo-Diezmo Road, Barangay Pulo, Cabuyao City, bandang alas-8:00 ng umaga noong Martes. Ayon sa imbestigasyon ng BFP Cabuyao, apat na mga tauhan ng isang junkshop ang nagbabakbak ng lumang bus para sa scrap sa garahe ng shuttle services corporation, nang biglang sumiklab ang apoy. Sumaklolo naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cabuyao at idineklarang fire-out pasado alas-9:16 ng umaga. Nasugatan sa insidente ang 46-anyos na isang under-chassis mechanic na dumanas…
Read More7 CREW MEMBERS NASAGIP SA LUMUBOG NA BARKO
QUEZON – Nasagip ang pitong crew members matapos lumubog ang sinasakyang cargo vessel sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Patnanungan sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon sa report, bandang alas-10:15 ng umaga nang magsimulang pasukin ng tubig ang cargo motorize boat na M/B Krystal Faith, matapos maabutan ito ng malalaking alon at masamang panahon habang patungo sa port sa bayan ng Atimonan galing sa Patnanungan island. Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Patnanungan PNP at sinagip ang mga sakay…
Read More