CAVITE – Patay ang isang 15-anyos na rider at angkas nito nang mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang tractor head matapos pumasok sa kabilang lane ng kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Naisugod pa sa Estrella Hospital ang biktimang si Mickaella Baysa y Mendoza, 15, at angkas nito na si Melboy Biceda y Haplic, 30, subalit kapwa namatay habang nilalapatan ng lunas. Kinilala naman ang driver ng Mercedes Benz 206 tractor head na si Ray Anthony, 32-anyos. Ayon sa ulat, binabagtas ng mga…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ANGELES CITY VICE MAYOR, 12 PA KINASUHAN NG GRAFT
PAMPANGA- Nahaharap sa kasong graft and corruption ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Angeles City matapos ireklamo sa Office of the Ombudsman ng United Pilipino Against Crime and Corruption (UPACC) noong Huwebes. Inihain ang reklamo kasama ang motion for issuance of immediate preventive suspension laban sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Angeles City, Pampanga na umano’y kumuha ng “ghost employees” noong 2022. Kabilang sa mga respondent sina Vice Mayor Ma. Vicenta Vega Cabigting at ang mga Konsehal ng Lungsod na sina Joan Crystal Aguas, Marino Bañola, Crisanto Cortez,…
Read MoreSa Kalangitan Landfill closure KORTE NAGLABAS NG TRO KONTRA BCDA, CDC
NAGLABAS ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Regional Trial Court sa Capas, Tarlac laban sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) at Clark Development Corporation (CDC) upang pigilin sa pag-takeover ng 100-ektaryang Kalangitan Sanitary Landfill. Ito ay dahil sa nakatakdang kunin ng CDC at BCDA ang nag-iisang engineered sanitary landfill na may pang-araw-araw na kapasidad sa koleksyon ng basura na 4,000 tonelada hanggang 5,000 tonelada. Ito ay nagsisilbi sa 150 local government units sa Central at Northern Luzon, kabilang ang mga ospital sa Metro Manila. Parehong naghahanda ang CDC at BCDA…
Read More4 PATAY SA BAGSIK NG PATIS SA BULACAN
BULACAN – Apat na kalalakihan ang namatay dahil sa suffocation sa loob ng concrete fermentation tank sa isang abandonadong pagawaan ng patis sa Barangay Panghulo, sa bayan ng Obando sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Rodolfo Tolentino, caretaker; Michael Lumukso, Eduardo Salomag, at Raffy Felix, 44, pawang mga construction worker. Ayon sa imbestigasyon, natagpuang patay ang mga biktima dakong alas-2:00 ng hapon sa abandonadong pagawaan ng patis na “Tentay Patis” dahil sa suffocation bunsod ng masangsang na amoy. Nabatid na nakatanggap ng tawag…
Read MoreBULACAN ABC PREXY, DRIVER PATAY SA AMBUSH
BULACAN – Patay ang presidente ng Association of Barangay Captain (ABC) sa lalawigan, gayundin ang driver nito, matapos tambangan habang sakay ng sports utility vehicle sa Barangay Ligas sa Lungsod ng Malolos, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si ABC President Ramil Capistrano at ang driver nito na si Shedrick Suarez, kapwa lulan ng itim na Mitsubishi Montero na may plakang CBZ-6532. Wala pang malinaw na impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek na bigla na lamang sumulpot sa harapan ng sasakyan ng mga biktima at ilang beses pinaputukan ang…
Read MoreNPA REGIONAL MOST WANTED HULI SA BITAG
HULI sa bitag ang isang lalaki na itinuturing na most wanted New People’s Army rebel sa Caraga region, na may mga kaso ng pagpatay, matapos ang ikinasang law enforcement operation ng Philippine National police at Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Brig. Gen. Alan Nazarro, PNP-Police Regional Office-Caraga (PRO-13) director, nahuli sa ikinasang law enforcement operation ang communist rebel na kinilalang si “Rudy Amara,” 31, napaulat na vice commanding officer ng NPA Guerrilla Front 30. Naaresto ito sa Carmen, Surigao del Sur ng pinagsanib na pwersa ng militar at…
Read More6 MIYEMBRO NG SALISI NA NAKA-TOYOTA VIOS, NASILO
CAVITE – Hindi umubra ang modus operandi ng anim na hinihinalang miyembro ng salisi gang matapos maaresto nang maplakahan ang isang Toyota Vios na ginamit nila sa pagtakas sa Imus City noong Huwebes ng hapon. Hawak na ng Imus Component City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Roy”, 52; “Rey Bakla”, 52; “John Rey”, 32; “Bukol”, 34; “Beng”, 28, at “Weng”, 46. Ayon sa ulat, abala ang biktimang si alyas “Nestor” sa kanyang tindahan nang dumating ang mga suspek bandang alas-3:20 ng hapon at nagpanggap na mga customer.…
Read MoreOPERATORS NG LUMUBOG NA 2 TANKERS KINASUHAN NG PCG
NAGSAMPA ng kasong administratibo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa operators ng dalawang tankers na lumubog sa baybayin ng Bataan noong Hulyo. Sinabi ng PCG na ang nasabing reklamo ay inihain laban sa operators ng MV Mirola 1 at MTKR Jason Bradley dahil sa hindi pagtupad sa deklarasyon ng Master ng pag-alis para sa kaligtasan at pag-alis sa daungan nang walang pre-departure inspection at clearance mula sa PCG. Parehong mga paglabag sa ilalim ng PCG Memorandum Circular (MC) 05-12 at MC 07-12, ayon sa pagkakasunod. Kasalukuyang nakadaong ang MV…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY SA EX-COP TODAS SA ENGKWENTRO
BATANGAS – Napaslang ng mga awtoridad ang itinuturong suspek sa pagpatay sa isang retiradong miyembro ng PNP, matapos na manlaban sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad mula sa Tanauan City, Batangas na nagtapos sa Calamba City, Laguna noong Martes ng gabi. Noong Lunes dakong alas 8:00 ng gabi, natagpuang walang buhay sa damuhan sa bakanteng lote sa Sitio Hipit, Brgy. Janopol Oriental, Tanauan City, Batangas ang biktimang pulis na si retired PEMS Arnel Tobes na hinihinalang pinatay sa pamamagitan ng suffocation gamit ang plastic bag na isinaklob sa…
Read More