CAVITE – Hindi nakapalag ang dalawang pulis at ang kasama nilang isang sibilyan nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang entrapment operation nitong Martes ng tanghali sa Bacoor City. Sa press briefing nitong Miyerkoles sa Kampo Crame, sinabi ni PNP chief, Police Major General Benjamin Acorda, Jr., parehong nakatalaga sa Bacoor City Police Station ang dalawang suspek na parehong police non-commissioned officers. Isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek matapos magreklamo ang iba’t ibang mga TODA at transport group sa Cavite sa pangongotong…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PBBM MAGTATALAGA NG BAGONG PCG COMMANDANT
NAKATAKDANG mamili at humirang ng bagong Philippine Coast Guard Commandant si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa susunod na mga araw. Bunsod ito ng nakatakdang pagreretiro ni Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu sa Oktubre 19, 2023. Nabatid na limang senior officers ng Philippine Coast Guard ang kabilang sa tinaguriang shortlist ng pangulo o mga nominado ngayon bilang susunod na pinuno ng PCG na babakantehin ni Admiral Abu. Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, kabilang sa mga napipisil na pumalit kay Abu ay sina Vice Admiral Rolando Lizor…
Read More‘KILLER’ NG MILITARY OFFICER SA QUEZON, TIKLO SA RIZAL
MAKARAAN ang 28 taong pagtatago sa batas, natimbog ng mga awtoridad sa lalawigan ng Rizal ang isang dating pulis na wanted sa kasong pagpatay sa isang sundalo sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa report ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) Calabarzon, naaresto noong Martes ng umaga ng mga tauhan ng PNP Intelligence Group sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal ang suspek na si Joel Consuelo Villanueva sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 56 ng Regional Trial Court (RTC) ng Lucena City, para sa kasong homicide.…
Read MorePRANGKISA NG PALPAK NA ELECTRIC COOPS PINABABAWI
INATASAN ng isang grupo ng mga mambabatas sa Kamara ang mga kaukulang komite sa kapulungan na imbestigahan ang mga electric cooperatives na hindi maayos ang serbisyo at bawiin ang kanilang prangkisa kung kinakailangan. Sa House Resolution (HR) 1302 na inakda ni House deputy majority leader Erwin Tulfo at mga kasamahan nito sa ACT-CIS party-list, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Tulfo, panahon na anila para imbestigahan ang mga non-performing na kooperatiba sa kuryente. Ayon sa nasabing resolusyon, sangkaterba ang reklamo laban sa electric cooperatives dahil hindi maayos…
Read More3 NABITAG SA DRUG DEN
CAVITE – Timbog ang tatlong hinihinalang tulak nang salakayin ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam sa tinatayang P82,800 halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Prudencio Fabian y Guanzon, alyas “Bachi”, 52; Reynaldo Adonis Aurelia, alyas “Rey”, 59, at Benizer Centis y Fabila, alyas “Benjie”, 43-anyos. Si Fabian umano ang maintainer ng nasabing drug den habang mga customer sina Aurelia at Fabila. Ayon sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang…
Read MoreP100K PATONG NG PNP SA ULO NG KILLER NG LADY LAWYER
NAG-ALOK ng P100,000 halaga ng pabuya ang mga awtoridad sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng dalawang suspek sa pagpaslang kay Abra lady lawyer, Ma. Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate. Inilabas na rin ng Abra Police Provincial Office sa kanilang Facebook page ang mga larawan ng dalawang suspek nakuha mula sa CCTV footages sa lugar. Hinikayat nila ang mga may impormasyon na agad ipagbigay-alam ito sa kanilang himpilan o saan mang pinakamalapit na police station. Tiniyak ng PNP na magiging confidential ang identity ng magbibigay ng impormasyon. Maging ang…
Read MoreBSKE TULOY SA NEGROS ORIENTAL
WALA nang dapat ipangamba ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Negros Oriental dahil itutuloy na ang halalan sa nasabing lalawigan sa Oktubre 30. Ito ay sa kabila ng apela para sa pagpapaliban nito dahil sa napaulat na karahasan sa pulitika sa lalawigan. Gayunman, ipinunto ni Chairman George Garcia na ang buong probinsya ay isasailalim sa Comelec control at ang mga kinakailangang guidelines kung paano ito ipatutupad, ay ilalabas sa lalong madaling panahon. Sa press conference, sinabi nito na nagdesisyon ang Comelec en banc na ituloy…
Read MoreSa pag-arangkada ng e-TURO ng RYR Innovation ELEMENTARY PUPILS HIGHTECH NA SA 2024
ASAHAN na ang pagiging hightech ng mga mag-aaral sa elementarya sa susunod na pagbubukas ng klase sa 2024 dahil na rin sa inilunsad na pilot program ng e-TURO sa lalawigan ng Romblon noong Abril 11, ngayong taon. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Louie Ryan Rivera-Rafanan, CEO ng RYR Innovation, kalahati ng 82 lalawigan sa bansa, ang nakaaalam na sa e-TURO. Binigyang-diin ni Rafanan na kailangan makasabay ang mga mag-aaral na Pinoy sa digital world para hindi mapag-iwanan ng ibang mga bansa sa pagiging hightech. Sa ngayon aniya ay patuloy…
Read More15 WAR VETERANS KINILALA SA BULACAN
LABING-LIMANG buhay na Bulakenyong beterano ang kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 641-T’2023 na kumikilala sa katapangan at mahalagang partisipasyon ng mga beterano sa World War II sa ginanap na “Ika-80 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan Military Area (BMA) at Paggawad ng Parangal sa mga Beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig” kamakailan sa Bustos Gymnasium at BMA Park sa Bustos, Bulacan. Labing-isa sa 15 miyembro ng Veterans Federation of the Philippine (VFP) ang dumalo at tumanggap ng plake ng pagkilala at kopya ng resolusyon kabilang sina…
Read More