10 MUNISIPYO, LUNGSOD SA BULACAN GINAWARAN NG SGLG AWARD

TUMANGGAP ng ika-7 Seal of Good Local Governance (SGLG) award ang Provincial Government ng Bulacan sa pangunguna ni Gob Daniel Fernando at Bise Gob. Alex Castro gayundin ang sampung munisipalidad at lungsod sa pangunguna nina Angat Mayor Reynante Bautista, DRT Mayor Ronaldo Flores, Marilao Mayor Henry Lutao, Plaridel Mayor Jocell Casaje, Baliwag City Mayor Ferdie Estrella, Pandi Mayor Enrico Roque, Pulilan Mayor Maritz Montejo, Guiguinto Mayor Agatha Cruz, Santa Maria Mayor Bartolome Ramos at Balagtas Mayor Eladio Gonzales sa ginanap na 2023 Seal of Good Local Governance National Awarding Cluster…

Read More

BATA NAGLUPASAY SA NATANGGAP SA EXCHANGE GIFT

NAGLUPASAY sa pagkadismaya ang isang bata dahil sa natanggap na regalo sa exchange gift sa kanilang Christmas party sa eskwelahan. Ayon sa FB post ng magulang ng bata, nag-iiyak ang kanyang anak nang makita ang laman ng kanyang natanggap na regalo. Unang inakala na isang brand ng fresh milk ang kanyang natanggap subalit pinagbalutan lamang pala ito. Ang laman ng kahon ay dalawang putol ng sabong panlaba, isang sabong pampaligo, dish washing liquid at dish washing scrubbing pad. Mensahe ng magulang sa nagbigay ng regalo: “Grabe naman kayo, momentum ng…

Read More

CARETAKER TINAGA SA BOUNDARY NG LUPA

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang caretaker ng lupa matapos tagain ng isa ring katiwala ng katabing lupa sa Sitio Kulasisi 3, Brgy. San Luis, sa lungsod noong Sabado ng gabi. Idineklarang patay sa Antipolo City Hospital System Annex 3 – Cabading ang biktimang si Samuel Selajes dahil sa mga tama ng taga sa ng katawan. Ayon sa report ng Antipolo City, dakong alas-6:30 ng gabi nang magkainitan ang biktima at ang suspek na si alyas “Roperto. Nagtalo umano ang dalawa hinggil sa boundary ng magkatabing lupa na kanilang pinamamahalaan.…

Read More

MAHIGIT P1-M SHABU NASABAT SA TULAK

BATANGAS CITY – Natimbog ng mga awtoridad ang isang high value individual sa buy-bust operation sa lungsod at nakumpiska ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ng mga awtoridad ang arestadong suspek na si “Jay Balita”. Ayon sa ulat, isinagawa ng mga tauhan ng Batangas City PNP Drug Enforcement Unit ang operasyon sa suspek sa kanyang bahay sa Brgy. Dela Paz Proper, dakong alas-11:00 ng gabi Nakumpiska ng mga awtoridad ang 11 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 170 grams…

Read More

2 PATAY SA PAMAMARIL SA ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang babae at ang driver ng isang tricycle matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa Brgy. San Jose, sa lungsod noong Huwebes ng umaga. Kapwa dead on the spot ang biktimang si Catherine Argota at ang tricycle driver na si Ricardo Saligao Sr. dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan. Ayon sa report ng Antipolo City Police, dakong alas-6:20 ng umaga nang parahin ni Argota ang tricycle ni Saligao sa Kaysakat Road, sakop ng Sitio Canumay, Brgy. San Jose para sumakay. Subalit…

Read More

‘BROMANCE’ SA FASTFOOD MALA-TELESERYE

cavite

CAVITE – Mistulang eksena sa shooting ng isang teleserye ang insidenteng nangyari sa loob ng isang sangay ng fastfood chain, nang magkaroon ng sampalan at labo-labo habang saksi ang mga customer nang komprontahin ng isang lalaki ang kanyang lover na service crew hinggil sa lumalamig nilang relasyon sa Cavite City noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga sangkot na sina alyas “Carlo”, 25, service crew; “Justin”, “John”, 19, service crew at kaibigan ng una, at “Joshua” na kaibigan ni “Justin”. Ayon sa ulat, dakong alas-3:04 ng hapon nang nagsimula ang…

Read More

NEGOSYANTE PATAY SA NAKA-LUXURY SUV

BATANGAS -Patay ang isang negosyante nang barilin habang nakikipag-inuman, ng isang lalaking dumating sakay ng mamahaling SUV sa Lipa City, nitong Huwebes ng madaling araw. Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Lipa ang biktimang si Lorenzo Abadinas Del Rosario, 38, tubong Gapan, Nueva Ecija, residente ng Brixton Homes, Brgy. Balintawak Lipa City. Ayon sa report, mag-aala-una ng madaling araw, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang 40-anyos na suspek na si Jose Leoncio Mea na sakay ng isang BMW SUV. Kinompronta…

Read More

‘KILLER’ NG PULIS BULAGTA SA ENGKWENTRO

CEBU – Bulagta ang most wanted person ng Central Visayas matapos makipagbarilan sa aarestong mga pulis sa Purok 2 Campo, Barangay Tapul sa Talisay City, noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang napatay na suspek na si Jenecy Rafols alyas “Atong”, 25, pangunahing suspek sa pagkamatay ng pulis na si Police Staff Sergeant Ryan Baculi noong Nobyembre 15. Si Sergeant Baculi na miyembro ng Regional Drug Enforcement Unit, ay napatay umano ni Rafols sa buy-bust operation sa Barangay Inayawan. Nagtago ito mula noon. Subalit natunton ng mga awtoridad ang pinagtataguan nito…

Read More

ANAK, MASTERMIND SA TWIN SHOOTING SA LOOB NG BUS

LUMITAW na ang anak ng babaeng biktima sa Nueva Ecija bus shooting incident, ang utak sa likod ng twin murder, ayon sa pulisya matapos magbigay ng extra judicial confession ang isa sa mga suspek. Nabatid na pormal nang sinampahan ng kaso ng Philippine National Police ang apat na indibidwal na may kaugnayan sa pagpatay sa dalawang pasahero ng Victory Liner bus sa Nueva Ecija. Ito ang iniulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office hinggil sa mga bagong development sa nasabing krimen makalipas ang halos isang buwan matapos na madakip ang…

Read More