MGA LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 4:30 P.M. — COLUMBIAN VS MERALCO 7:00 P.M. — TNT VS GINEBRA (NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) TARGET ng TNT KaTropa na masungkit ang twice-to-beat advantage kasama ang bagong addition na si Ray Parks Jr., kontra Barangay Ginebra San Miguel ngayong gabi sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum. Susuotin ni Parks sa unang pagkakataon ang KaTropa jersey sa second game na magsisimula ng alas-7:00 ng gabi, kung saan susubukan niyang magbigay ng magandang kontribusyon para sa kanyang bagong koponan. Nakuha ng…
Read MoreCategory: SPORTS
EKSPEKTASYON SA LIFTERS, MATAAS
(NI JEAN MALANUM) MATAAS ang ekspektasyon ng taumbayan sa weightlifting sa darating na 30th Southeast Asian Games, kaya malaki rin ang pressure sa national lifters na pangunguna ni 2018 Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz na mag-deliver. Kasalukuyang nagsasanay at lumalahok sa mga tournaments sa abroad si Diaz para makamit ang pangarap na makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics. Hindi siya pinalad na manalo sa Beijing (2008) at London (2012) ngunit bumangon sa Rio de Janeiro (2016) upang makopo ang silver medal sa 53kg category at maging unang Pinay na medalist…
Read MoreSINO’NG TATAPAT SA SAN BEDA?
ISKEDYUL BUKAS: (CUNETA ASTRODOME, PASAY CITY) 1:00 P.M. – SSC-R VS LYCEUM (JRS) 4:00 P.M. – LYCEUM VS LETRAN (SRS) SINO’NG makakasagupa ng defending champion San Beda Red Lions sa best-of-three series? Sasagutin ng Lyceum of the Philippine University Pirates at Letran Knights na magbabalyahan para sa huling Finals berth ng NCAA men’s basketball tournament. Sasalang sa step-ladder semifinals ang dalawang koponan sa alas-4:00 ng hapon. At ang survivor ang siyang makakasagupa ng San Beda simula sa Martes. Ang second-ranked Pirates ay umaasang makaharap ang Red Lions sa ikatlong…
Read MoreFIL-AMS RIKE, JOHNSON, NAG-U TURN
(NI JOSEPH BONIFACIO) MARAMI ang nag-aabang kina Fil-Am sensations Franky Johnson at Troy Rike nang magpahayag na sasali sa 2019 PBA Rookie Draft. Pero nag-u turn ang dalawa. Hindi na muna sila sasali sa draft upang pagtuunan ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 team na sasabak sa 2020 FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament at makakalaban nila ang iba pang koponang nakapasok sa top 20. Sina Rike at Johnson ang ikinukunsidera sa final line-up ng Pilipinas na ipapadala sa Marso 2020 sa India, kung saan tatlo mula sa 20 qualified teams ang mabibigyan…
Read MoreHARDEN, ROCKETS NAGPASABOG
NAGSUMITE si James Harden ng 44 points at may 10 rebounds nang pangunahan ang Houston Rockets sa 107-100 win laban sa host Memphis Grizzlies. Inakay ni Harden ang koponan para makabawi buhat sa back-to-back losses sa kamay ng Brooklyn Nets at Miami heat nitong weekend. Ang Houston ay lumarong wala si Russell Westbrook na ipinahinga sa unang pagkakataon ngayong season. Sa Minneapolis, nagtala si Giannis Antetokounmpo ng 34 points at 15 rebounds nang kaldagin ng Milwaukee Bucks ang Minnesota Timberwolves, 134-106. Si Antetokounmpo, tinanghal na Eastern Conference Player of the…
Read MorePH SOFT TENNIS TEAM, MATAAS ANG MORALE
(NI JEAN MALANUM) DUMATING na sa huling yugto ng training para sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) ang national team na kasalukuyang lumalaban sa 16th World Soft Tennis Championships sa Taizhou, Zheijang Province, China. Mataas ang morale ng 11-member na koponan sa pangunguna nina Joseph Arcilla, Noel Damian Jr., Bien Zoleta-Mañalac at Princess Catindig dahil sa magandang performances nila sa mga nakaraang top-level tournaments. Nanalo si Arcilla ng bronze medal sa men’s singles noong 2011 samantalang si Zoleta-Manalac ay nagwagi ng bronze sa women’s singles noong 2015. Si Josephine Paguyo…
Read MoreLAGLAGAN NG KNIGHTS, STAGS
MAGLALAGLAGAN ang Letran Knights at San Sebastian Stags sa pag-arangkada ng NCAA men’s basketball step-ladder semifinals ngayon sa Cuneta Astrodome. Alas-4:00 ng hapon ang laro at ang mananalo ay haharapin ang No. 2 team na Lyceum of the Philippines University sa isa pang knockout duel sa Biyernes. Ang four-peat seeking San Beda Red Lions ay dumeretso sa championship round, matapos walisin ang 18 games ng double-round eliminations. Nakatakda ang best-of-three series sa Martes, Nobyembre 12 sa Mall of Asia Arena. Inisplit ng Knights at Stags ang kanilang elimination round match.…
Read MoreCARLOS YULO: GYMNASTICS PARA RIN SA MAHIHIRAP
(NI EDDIE G. ALINEA) TALIWAS sa paniniwala ng nakararami, si Carlos Yulo ay lumaki sa anino ng kalye-Leveriza sa Malate, Lungsod ng Maynila, kasama ang dalawang kapatid na babae at isang lalake, Lolo at Lola sa tuhod, amang ang pinagkakakitaan ay ang pagiging mensahero at inang part-time caterer. Hindi sila maituturing na mahirap at ‘di rin ganon kayaman gaya ng akala ng marami dahil sa kanilang apelyido na katunog ng angkan ng nagmamay-ari ng isang malaking asyenda ng asukal sa Laguna. Nang manalo si Caloy (tawag sa kanya ng mga…
Read MoreSEA GAMES TORCH, SININDIHAN
(NI JEAN MALANUM) SININDIHAN sa Davao City ang 30th Southeast Asian (SEA) Games torch na maglalakbay sa ilang pangunahing lungsod sa Pilipinas. Pinangunahan nina national athletes Nesthy Petecio, Mikee Selga at Sydney Sy Tancontian ang ceremonial torch lightning sa SM Lanang at nilahukan ng 3,000 participants. Naroon din sina Senator Bong Go, Davao Vice Mayor Baste Duterte, Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Director Jojit Alcazar, Presidential Assistant for the Visayas Secretary Mike Dino, Philippine Sports Commission (PSC) Commissioners Charles Maxey at Celia Kiram, at Philippine Olympic Committee (POC) Executive…
Read More