TINAPOS ni Rey Suerte ang kanyang maikling collegiate career sa pamamagitan ng pag-akay sa University of the East sa 79-77 win laban sa National University ngayong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena. Nagbangon naman si Jamie Malonzo ng seven triples tungo sa 89-63 win ng La Salle Green Archers laban sa Adamson Falcons. Ang Fil-Am forward ay umiskor ng career-best 34 points sa kanyang huling laro para sa Green Archers at may kasama pang 12 rebounds. Sa kanyang pamamaalam sa koponan, umiskor si Suerte ng 25 points para wakasan ng…
Read MoreCategory: SPORTS
RENOBASYON NG RMSC: TAPOS BAGO MAG-SEAG
(NI VT ROMANO) MATATAPOS bago magsimula ang 30th SEA Games ang mga renobasyon ng sports facilities sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC). Ito ang kumpiyansang inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, base na rin aniya sa pahayag ng mga contractor ng anim na major facilities na gagamitin sa biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Ayon kay Ramirez, ang Rizal Memorial Coliseum (RMC), na sumasailalim sa major rehabilitation sa unang pagkakataon spol noong 1953, ay inaasahang matatapos sa Nobyembre 14, habang ang Ninoy…
Read MoreUST JUNIOR BATTERS, KAMPEON
NAITAKBO ng University of Santo Tomas ang 4-3 panalo laban sa Ateneo sa Game Three at ibulsa ang UAAP Season 82 Juniors’ Baseball crown kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Walang nag-akalang magagawa ng UST na mag-kampeon, matapos ang last place finish sa Season 81. “Overwhelming, yun lang masasabi ko. Lahat ng credit sa laro na ito ay sa mga bata. Lumaban sila,” lahad ni Junior Golden Sox head coach Jeffrey Santiago, matapos nilang angkinin ang ikalawang titulo sa tatlong taon. Angat ng isa sa seventh inning, 4-3, si UST…
Read MoreKAMPEON SA UAAP MEN, WOMEN CHESS EVENTS; FEU ‘DI NAGPAAWAT
HINDI naging sagabal sa FEU Tamaraws ang pagkatalo sa kamay ng UST Tigers, 1.5-2.5 sa final round, para angkinin ang UAAP Season 82 men’s chess crown. At doble selebrasyon ito para sa FEU, matapos na ang Lady Tams ay manaig naman laban sa UST, 2.5-1.5 at hablutin ang ikalimang titulo ng torneong ginanap sa UST Quadricentennial Pavilion noong Linggo. Ito ang ika-15 korona ng Tamaraws, pinakamaraming bilang sa mga kasaling UAAP schools sa chess event. Ang FEU ay tinapos ang 14 round na may 43 points, 7.5 points ang layo…
Read MoreKNOTT, UBAS KUMULEKTA NG GINTO
(NI JEAN MALANUM) HANDANG-HANDA na sina sprinter Kristina Knott, long jumper Janry Ubas at ang batang si Hocket delos Santos sa pagsabak sa 30th SEA Games matapos magtala ng impresibong panalo sa test event sa New Clark City. Sinungkit ni Knott ang gintong medalya sa 200-m women, habang si Ubas ay wagi sa long jump at sa pole vault event naman si Delos Santos para pangunahan ang pambansang koponan sa test event na huling torneo na dedermina sa bubuo sa 62 atletang isasabak sa athletics event ng biennial meet. Nagtala…
Read MoreTORRES-SUNANG, WAGI SA TEST EVENT
(NI JEAN MALANUM) SA kanyang ikaapat na subok, nakalundag si Marestella Torres-Sunang ng distansyang 6.20 meters upang magreyna sa women’s long jump ng Southeast Asian Games athletics test event kahapon sa New Clark City Athletics stadium dito. Tinalo ni Torres-Sunang ang karibal na Thai at Vietnamese upang dumikit sa kanyang target na 6.45 meters na nagkaloob sa kanya ng bronze medal noong 2017 edition ng SEAG sa Kuala Lumpur. “Nagpractice na ako dito. Pero this time, may mga foreigners. Hindi naman namin ito focus kasi, siningit lang ito sa training,”…
Read MoreROCKETS, RUMESBAK
HOUSTON – Umiskor si James Harden ng 29 points, habang ikalawang sunod na triple-double naman ang iniambag ni Russell Westbrook, 28 points, 13 assists at 10 rebounds, para akayin ang Houston Rockets sa 126-123 win laban sa New Orleans Pelicans. Hinirit ni Westbrook ang dalawa niyang clutch free throws para ibigay sa Rockets ang three-point lead sa huling 6.1 seconds. At nagmintis si Josh Hart sa kanyang tres kasabay ng pagtunog ng buzzer na nagkaloob ng panalo sa Houston. Pambawi ito ng Rockets buhat sa 111-117 pagkatalo sa kamay ng…
Read MoreWINNING MOMENT
Umaatikabong karera ang nasaksihan sa ginanap na 7th National Press Club-Philippine Racing Commission Benefit Race sa Manila Jockey Club race track, SLLP sa Carmona, Cavite. Kuha ni MJ Romero 555
Read MoreUAAP JUNIORS BASEBALL TITLE: ABOT-KAMAY NG BLUE EAGLETS
(NI JJ TORRES) HALOS abot-kamay na ng defending champion Ateneo ang back-to-back crowns. Ito’y matapos paglaruan ang University of Santo Tomas sa five innings, 15-3 nitong Huwebes sa Game One ng best-of-three UAAP Season 82 Juniors Baseball Finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Kailangan na lang ng Blue Eaglets na manalo sa Sabado para tuluyang angkinin ang ikalawang sunod nitong kampeonato. Agad ipinaramdam ng Ateneo ang husay nang magpakawala ng six-run second inning tampok ang four walks, three errors at three hits nang sina Emilio Perez, Kean Agcaoili, Gabby Mendoza,…
Read More