BEERMEN, HOTSHOTS; PAGANDAHAN NG RECORD

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) MGA LARO NGAYON: (MALL OF ASIA ARENA) 4:30 P.M. — COLUMBIAN VS BLACKWATER 7:00 P.M. — SAN MIGUEL VS MAGNOLIA   TARGET ng San Miguel Beermen at defending champion Magnolia Hotshots Pambansang Manok na pagandahin ang kanilang record sa paghaharap nila ngayong gabi sa PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena. Ang laban sa pagitan ng sister teams na Beermen at Hotshots ay magsisimula ng alas-7:00 ng gabi, kung saan ang mananalo ay aakyat sa second spot sa team standings. Wala pa ring…

Read More

4 GINTO TARGET NG BILLIARDS TEAM

(NI JEAN MALANUM) KAYANG manalo ng apat na gintong medalya ang national billiards team sa 30th SEA Games na gagawin sa Manila Hotel Tent City mula Disyembre 3-10. Ayon kay Billiards and Snookers Congress of the Philippines secretary general Robert Mananquil, mataas ang morale ng mga atleta at handa silang lampasan ang dalawang ginto, isang silver at dalawang bronze medals na napanalunan nila sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017. Sinabi ni Mananquil na malalim ang kanilang bench na pinangungunahan nina world no. 3 Rubilen Amit, world No. 4 Carlo Biado,…

Read More

5TH STRAIGHT WIN, IKOKONEKTA NG TNT

MGA LARO NGAYON: (CUNETA ASTRODOME) 4:30 P.M. — NORTHPORT VS TNT 7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS PHOENIX (NI JJ TORRES) DEPENSA ang magiging pangunahing focus ng TNT KaTropa sa kanilang tangka na makuha ang ikalimang sunod na panalo ngayong hapon kontra NorthPort Batang Pier sa PBA Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome. Itataya ng KaTropa ang kanilang unbeaten record sa laro na magsisimula ng alas-4:30 ng hapon, ngunit aminado sila na hindi lang puro opensa ang kailangan nilang atupagin. Kahit tinalo nila ang Phoenix Pulse Fuel Masters at Columbian…

Read More

PINOY GYMNAST, SWAK SA TOKYO OLYMPICS

SWAK si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo sa 2020 Tokyo Olympics. Kabilang si Yulo sa 12 atletang nakakuha ng spot sa Olympic Games sa pamamagitan ng resulta ng kanilang paglahok sa ginaganap na 49th Artistic Gymnastics World Championships in Stuttgart, Germany. Ang 19-anyos na si Yulo ay tumapos na pang-16 sa individual all-around qualification, para maging ikalawang Filipinong atletang nakahablot ng pwesto para sa Tokyo Games. Tumapos din ang 4’11” Pinoy na pampito sa floor exercise at 19th sa all-around performances para makapasok sa finals. Una nang nakakuha ng Olympic berth…

Read More

TEST EVENT, NAKALINYA

seagames6

(NI JEAN MALANUM) MATAPOS ang matagumpay na staging ng Asean Grand Prix na nagsilbing test event ng volleyball sa Los Banos, Laguna ay nakatuon naman ang pansin ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) sa lima pang kompetisyon na gagawin bago magsimula ang 30th SEA Games sa Nobyembre 30. Nakatakdang idaos sa Subic Bay Boardwalk (Zambales) ang modern pentathlon sa Oktubre 9-10, samantalang gagawin ang athletics at diving (Oktubre 26-27) at waterpolo (Oktubre 28) sa mga pasilidad na itinayo sa loob ng New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac. Ang…

Read More

SAN SEBASTIAN, KAKAPIT PA

BASTE-1

SUSUNGKITIN ng San Sebastian College ang ika-siyam na panalo sa pagharap sa Lyceum of the Philippines University para mapanatili ang target na makausad sa Final Four ng 95th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre. Umaasa si Stags coach Egay Macaraya na malulusog ang kanyang mga alipores para makipagbakbakan sa Pirates sa alas-2:00 ng hapon. Kung magwawagi ang Stags (8-6),  aangat sila ng dalawang laro laban sa pahingang Mapua (7-8). Sa panig naman ng LPU, hangad nitong makalawit ang No. 2 ranking sa Final Four o ‘di…

Read More

ATENEO, KAMPEON PA

Geva De Vera-Chanelle Lunod

KINUMPLETO nina Geva De Vera at Chanelle Lunod ang pagwalis sa De La Salle, 3-0, para ihatag sa Ateneo ang ikalawang sunod na UAAP women’s badminton championship nitong weekend sa PNP Sports Center Badminton Courts. Ikalimang korona na ito ng Lady Eagles, at tumabla sa karibal na Lady Shuttlers sa ikalawang pwesto ng may pinakamaraming badminton titles. Ang UP pa rin ang nananatili sa unahan sa hawak na nine crowns. “Syempre, I am very, very happy. We did what we set out to do,” pahayag ni Ateneo head coach Kennie…

Read More

UST-LA SALLE, REMATCH SA FINALS

(PHOTO BY MJ ROMERO) MAGTATAGPO ang University of Santo Tomas at De La Salle sa title rematch, matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa semis ng UAAP Season 82 Women’s Beach Volleyball Tournament kahapon sa Sands SM By The Bay. Ang four-peat seeking Golden Tigresses na ibinabandera nina Babylove Barbon at Gen Eslapor ay nahablot ang 8-0 card, kasunod ng 21-7, 21-8 panalo laban kina Ateneo’s Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal. Habang sina Tin Tiamzon at Hustine Jazareno ng La Salle ay nanaig kina Sheena Gallentes Shiela Mae Kiseo…

Read More

16TH WIN SINAKMAL NG RED LIONS

HINAYAAN muna ng defending champions San Beda University Red Lions na sumabay at paminsan-minsan ay umabante ang Mapua Cardinals sa first half. Pero, pagpasok ng second half, umarangkada ang Red Lions at tinambakan ang Cardinals, 83-55 tungo sa kanilang ika-16 na sunod na panalo sa NCAA Season 95 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Si James Canlas ang umakay sa Red Lions sa ambag na 16 points, 10 rebounds, three assists at three steals. Habang si Calvin Oftana ay may 15 points, seven rebounds at…

Read More