Magalong, iminungkahing ipatawag si Quimbo ng ICI para sa P300M kwestyonableng MAIP fund

MANILA– Iminungkahi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ipatawag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) si dating Marikina Representative Stella Quimbo upang magpaliwanag kaugnay ng umano’y P300 milyong pondong inilaan sa kanya mula sa Medical Assistance for Indigents Program (MAIP) ng Department of Health (DOH). Sa isang panayam, inamin ni Magalong na ikinagulat niya ang isang dokumentong nagpapakita na may malaking halagang inilaan kay Quimbo, dahilan upang kuwestyunin niya ang patas na pamamahagi ng MAIP funds. “Isa sa mga dapat nilang imbitahan d’yan ay si former Cong. Stella Quimbo.…

Read More

Kailangan ng gobyerno ang unprogrammed funds: P5-B inutos ni PBBM sa DBM na i-release sa AICS recipients

MANILA – Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang pag-release ng karagdagang ₱5 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations program na inaasahang ang makikinabang ay aabot sa 411,188 benepisyaryo mula ngayong Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon. Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman, ang pondong ito ay inilaan upang tugunan ang kakulangan sa badyet sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances ng Department of Social Welfare and Development. Ang inilabas na allotment at katumbas nitong Notice of Cash Allocation ay sisingilin…

Read More

Romualdez pilit ginigiba gamit ang isyung nilinaw na ng DA na walang anomalya — Puno

INIHAYAG ni Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno na mayroon umanong planadong “demolition job” na nagaganap laban kay dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagsulpot ng mga isyung dati nang nilinaw ng Agriculture deparrment na walang iregularidad. Ayon kay Puno, nakapagtataka ang timing ng mga lumalabas na paratang dahil kasabay ito ng nakatakdang pagharap ni Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure inquiry bukas, Oktubre 14. Giit ng mambabatas, “tila ay sinasadya ang mga alegasyon upang siraan ang dating lider ng Kamara bago pa man siya makapagpaliwanag sa…

Read More

Ilegal na sugal talamak na naman sa QC, may basbas sa opisyal ng PCSO?

HINDI umano hinuhuli ng lokal na kapulisan sa Quezon City ang talamak na illegal numbers game sapagkat sinasabing may basbas ito sa isang mataas na opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sa sulat ng mga nagreklamong sina Renante P. Flores at Guela Paragas ay kanilang isiniwalat ang umano’y malawakan at ilegal na pagpapataya ng Micesa 8 Gaming kahit wala pa umano itong permiso sa City Hall. Ang sulat-reklamo ng dalawa, na naka-address sa opisina ng PCSO, Malakanyang, DILG at sa opisina ni Mayor Joy Belmonte, ay nagpahayag ng pangamba…

Read More

Gabay ni Sec. Pangandaman sa ICI probe tutukoy kung sino ang ‘kumalikot’ sa NEP, GAA

AGARANG tatalima si Budget Sec. Amenah Pangandaman sa imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure na “gabayan ng DBM” ang imbestigasyon sa pagtukoy kung paano gumalaw ang pondo ng gobyerno sa mga gawaing bayan na umano’y nilapastangan ng mga korap na opisyales ng gobyerno sa pakipag-sabwatan ng mga tiwaling kontraktor. Kinumpirma ni Pangandaman na natanggap niya ang pormal na imbitasyon mula sa ICI para dumalo sa isang pulong sa darating na Oktubre 14, 2025. Layunin umano ng nasabing pagpupulong na tulungan ng DBM ang imbestigasyon ng Komisyon na magkaroon ng mas…

Read More

SAP Lagdameo nakiisa sa mga opisyales ng BARMM para sa agarang hustisya sa pinaslang na IP leader

MULING tiniyak ni Department of Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman nitong Lunes, Setyembre 29, ang matatag na suporta ng administrasyong Marcos sa sektor ng edukasyon, sa pagsasabing makikipag-ugnayan siya sa Kongreso upang matiyak ang agarang pag-apruba ng karagdagang pondo para sa mga State Universities and Colleges. Binigyang-diin ni Pangandaman na pangunahing prayoridad sa National Expenditure Program ang edukasyon. “Education has always been our number one priority under the NEP,” aniya. Tinukoy din ng kalihim ang naging pahayag kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa muling paglalaan ng pondo…

Read More

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadismaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong tayong flood control structure sa kahabaan ng Padsan River sa Barangay Gabu, Laoag City. Ang nasabing proyekto, na may halagang ₱47,024,704.34 ay pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act. Ayon sa mga residente, na ayaw magpabanggit ng pagkakakilanlan ay ilang buwan pa lamang matapos ideklara ang pagkakakumpleto ng proyekto ay bumigay na ang bahagi ng istruktura, dahilan upang mabunyag muli ang umano’y talamak na katiwalian sa mga flood control project sa ilang distrito. Sa…

Read More

Utos ng Presidente na ubusin at papanagutin ang lahat ng sangkot sa korapsiyon – Sec. Dizon

MANILA– Sa gitna ng malawakang kilos-protesta sa Edsa Shrine at Luneta Park, binigyang-diin ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “ubusin at panagutin” ang lahat ng sangkot sa korapsyon sa bansa. Nag-ugat ang mga protesta sa isyu ng maanomalyang substandard flood control projects na kinasasangkutan umano ng ilang tiwaling DPWH officials, mga contractor at mismong mambabatas. Ayon kay Dizon, hindi titigil ang ahensya hangga’t hindi natutupad ang direktiba ng Pangulo laban sa katiwalian kaugnay ng mga flood control project.…

Read More

Iqbal pinagpapaliwanag ng COA sa P1.7-B pay out ng BARMM education ministry sa loob ng isang araw

Iniimbestigahan ngayon ng Commission on Audit ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos lumabas ang ulat na naglabas ito ng P1.77 bilyon sa loob lamang ng isang araw sa ilalim ng pamumuno ni Minister Mohagher Iqbal. Nagkaroon umano ng payout na halos dalawang bilyong-piso noong Marso 7, 2025 na nakalaan para sa Learners’ at Teachers’ Kits, subalit ayon sa lumabas na reklamo ay hindi umano ito dumaan sa pagsusuri at lagda ng Finance Division, isang paraan upang masiguro ang legalidad at…

Read More