Cong Pimentel ginagamit ang Kongreso vs kalaban sa pulitika – Densing

MARIING binatikos ni dating Education Undersecretary Epimaco Densing III ang di makatuwirang pagtrato sa kanya sa nakaraang pagdinig ng isang komite ng Kongreso kung saan siya ay pinaratangan ng katiwalian ng isang mambabatas na makakalaban niya sa halalan sa pagka-gobernador ng Surigao del Sur sa 2025. Magkakatunggali sina Densing at Pimentel sa posisyon ng gobernador ng Surigao del Sur sa halalan ng susunod na taon. Inakusahan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel nitong Huwebes si Densing na humingi umano sa mga kongresista ng komisyon na hanggang 18% sa contract…

Read More

Ate Sarah inalok si Pasig Mayor Vico ng ‘Peace Covenant’

SA HALIP na rumesbak si Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya sa mga isyung ipinukol ni Mayor Vico Sotto sa kanyang pamilya ay inalok na lang niya ang alkalde ng “peace covenant” upang maiwasan umano ang siraan ng magkabilang panig. Si Discaya, na kilala sa mahihirap na lugar sa lungsod na Ate Sarah, ay nagpadala ng liham kay Sotto na may petsang Oktubre 11, 2024 kung saan nakasaad ang latag ng mungkahi niya na “kasunduan para sa mapayapang May 2025 elections.” Sa kanyang liham kay Sotto ay sinabi ni Discaya…

Read More

Alegasyon ng korupsiyon vs Lagdameo kinondena

MAHIGPIT na binatikos ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim ang akusasyon ng korupsiyon laban sa regional government at kay Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. Batay sa akusasyon, na pinangunahan ng political figures sa rehiyon, si Lagdameo ay nag-misappropriate ng bilyon-bilyong piso para sa pagpapaunlad ng BARMM. Sa isang statement, sinabi ni Ebrahim na ang alegasyon ay “mapanirang-puri” at “entirely fabricated”. Nagpahayag siya ng pagkabahala sa posibleng pinsala na maaaring idulot ng alegasyon na ito sa reputasyon ng mga indibidwal na may…

Read More

Lady challenger ni Mayor Sotto nangakong gagawing Smart City ang Pasig; naghain na ng CoC

BITBIT ang pangakong gagawin ang Pasig na isang Smart City ay naghain na si Sarah Discaya ngayong hapon ng Certificate of Candidacy matapos mag-attend sa isang special mass kasama ang pamilya at makipag-usap sa kanyang supporters, na ang pagsisikap para sa magandang buhay ay naging inspirasyon umano niya sa pagtakbo bilang alkalde. Si Discaya, na kilala rin sa Pasig bilang Ate Sarah, ay isang negosyante na palagiang binibisita ang low-income at underprivileged na mga komunidad sa lungsod para sa kanyang regular charity works. Ang kanyang longtime medical mission at pamamahagi…

Read More

Pasig Mayor Sotto takot sa sariling multo; Discaya inulit sa alkalde ang donasyong P885-M engineering design para sa new city hall complex

SINUSUGAN ng pamilyang makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtiyak ng Commission on Elections para sa patas at malinis na halalan sa lungsod sa darating na midterm elections sa susunod na taon. Sinabi ni Curlee Discaya, ang asawa ng kilala sa Pasig na Ate Sarah na inaasahang siyang makakatunggali ni Sotto, na hind isila konektado at walang kinalaman sa joint venture ng South Korean Miru System, ang nanalong supplier ng technology at paraphernalia para sa halalan 2025, taliwas sa reklamo ng alkalde base sa sulat nito kamakailan sa…

Read More

Mahusay na health care program bigong maibigay ni Mayor Sotto, ayon sa former LCP director

BIGO si Pasig City Mayor Vico Sotto na maipatupad ang ipinangako nitong mahusay na programang pangkalusugan para sa mga Pasigueño sa nakalipas na limang taon. Pagpuna ito ni Dr. Fernando Melendrez, dating director ng Lung Center of the Philippines, kasabay ng pagsasabing nananatiling nasa masamang kondisyon ang health care program ng Pasig City ‘tulad ng itinatag noon ng mga nagdaang mayor na sina Enteng at Bobby Eusebio. Ipinangako ni Sotto noong una pa niyang pangangampanya, taong 2018, na maisasaayos at bigyang prayoridad ang kalusugan ng mamamayan ng Pasig. “Umasa ang…

Read More

Negosyanteng makakalaban ni Pasig Mayor Sotto sa 2025 mayoralty race nakararanas na ng panggigipit

HINDI pa man nakakapag-file ng kanyang Certificate of Candidacy ang negosyanteng pinaniwalaang siyang makakalaban ni Mayor Vico Sotto sa 2025 mayoralty race ay dumaranas na umano ang pamilya nito ng panggigipit mula sa kampo ng reeleksiyunistang alkalde. “Tatlong kasong kriminal ang halos sabay-sabay na inihain sa piskalya ng lungsod nitong nakaraang dalawang linggo laban sa akin. Mga asuntong pambuwisit lamang na pilit ginawang kriminal para lang gipitin ang aming pamilya,” pahayag ni Curlee Discaya, ang kilalang kontraktor na ang maybahay na si Sarah ay inendorso ng sectoral groups sa Pasig…

Read More

Anti-graft posturing ni Mayor Vico Sotto hanggang salita lang, ayon sa Tayo Pasig Movement

PASIG City – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na pagbatikos sa sinasabi nyang mga korap at tiwaling namumuno noon sa lungsod, pero hanggang sa ngayon ay wala pa umano itong naipakukulong, o pormal na nasampahan ng kaso sa Ombudsman o sa alinmang sangay ng hukuman. Pahayag ito ng bagong tatag na ‘Tayo Pasigueño Movement,’ isang sectoral org para sa tapat na serbisyo, bilang pagsusog at suportang reaksiyon sa panawagan sa social media ng mga residente na kailangang “ipakita ng punong-lungsod ang mga sinasabi nyang…

Read More

PFP MAY MAYORALTY BET NA SA 2025 ELECTION SA PASIG CITY

Si Partido Federal ng Pilipinas secretary general Tom Lantion habang pinapanumpa bilang mga bagong miyembro ng PFP mula sa Pasig City ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya (pangatlo at pang-apat mula sa kanan), kasama ang kilalang dating konsehal ng lungsod na si Mario Concepcion, Jr. (pangalawa mula sa kanan) at ang dating chairman ng Brgy. Bambang na si Reynaldo Samson, Jr. (dulong kanan) PASIG City —- Tinatayang mapapalaban si Mayor Vico Sotto sa darating na 2025 midterm election matapos manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas ang mag-asawang benefactor…

Read More