CHINESE NATIONAL NAGBAKASYON SA NAIA

TUMATAGINTING na 700 Thousand Pesos ang offer umano ng handler ng isang Chinese national sa kung sinumang travel agency o immigration employee na maaring makatulong sa dayuhan na mabawi ang exclusion order laban sa kanya at hayaang makapasok ng bansa.

Ayon sa BI Exclusion Order No. POD T2-21-03-006, si ZHANG XIAMENG na ipinanganak noong October 22, 1982 at may passport number E78851482 ay dumating sa NAIA terminal 2 noong March 18 sakay ng Philippine Airlines PR315 galing Tianjin , China. Pero hindi siya nakalusot sa pagsusuri ni immigration officer Teves at TCEU officer Catungal makaraang walang maipakitang ID at proof of financial capacity na magpapatunay na may kakayanan itong bumisita sa bansa.

Ayon sa ating source sa main office ng BI, marami ng travel agencies maging mga immigration officials sa NAIA ang nagkakandarapa na humanap ng Padrino dahil sa laki ng offer ng dayuhang Chinese na mapapirmahan ang recall order na ang Commissioner lamang ang may kapangyarihang gawin ito.

Mahigit nang isang buwan na naglalagi hanggang sa kasalukuyan si XIAMENG sa passengers lounge ng terminal 2 kung saan ay malaki na rin ang gastos nito sa board and lodging at umaasa pa rin na may makakatulong sa kanya na makapasok.

Ano kaya ang ginagawa ng bagong itinalagang Port Operations Division Chief na si Carlos Capulong at ng hepe ng Travel Control Enforcement Unit? Bakit nagtagal ng mahigit isang buwan ang ­dayuhan sa airport at hindi hinayaang makabalik agad ito sa kanyang point of entry?

Ang mga immigration officers ay ginagawa ang kanilang trabaho na mabantayan ang mga pumapasok sa ating bansa pero kayong mga opisyales ngayon dyan sa POD , TCEU at LEGAL division na gumagawa naman ng lifting of blacklist upang makapasok sa bansa ang mga blacklisted kayo ang mga anay ng ahensya na sumisira sa haligi nito.

Aba kung ganito lagi ang ginagawa ng ating mga opisyal sa BI ay nakakahiya po tayo sa ibang bansa lalo na sa mga dayuhan. DOJ Secretary Menardo Guevarra Sir!! Tila namantikaan na ang labi mo at hindi mo na namomonitor ang ginagawa ng iyong nasasakupan Sir!

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

297

Related posts

Leave a Comment