CHINESE TRADITIONAL DRUG INAPRUBAHAN SA PINAS

APRUBADO na ng Food and Drug Administration ang isang gamot mula sa China na panlaban sa COVID-19 upang magamit ito sa Pilipinas.

Inanunsyo ng Chinese Embassy sa kanilang website na rehistrado na sa FDA ang traditional Chinese medicine na Lianhua Qingwen capsule.

Ang Lianhua ay ginagamit sa China bilang panggamot sa mga mild at moderate cases ng COVID-19.

“Lianhua Qingwen capsule is an approved COVID-19 treatment for mild and moderate cases in China. So far, Lianhua Qingwen capsule has been approved in Hong Kong and Macao, SAR of China, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuador, Singapore and Laos PDR,” pahayag ng tagapagsalita ng embahada.

Pero sa inaprubahang registration ng FDA, aprubado lamang ang pagbebenta ng gamot sa merkado. Nilinaw nito na hindi pa napatunayan ng Pilipinas na mabisa itong gamot sa COVID-19.
(JESSE KABEL)

169

Related posts

Leave a Comment